Kei's POVHabang naglalakad kami ni Preston dito sa mall,hindi ko maiwasang hindi mapaisip.
Ano bang problema niya? Kaibigan niya naman si Brennan. Nakakainis.
"San mo ba ko dadalhin? Ang saya saya namen kanina,sinira mo!" Inis na sabi ko habang nakasimangot.
"Tss. I don't care." Napahinto naman ako.
"Ano?! Wala kang pake kahit nasira mo yung sayang meron kami kanina? Tao ka ba talaga?! Walang puso." Sabi ko at tinignan siya ng masama.
"This is the last time na makikita ko kayong magkasama,maliwanag ba Kei Lhaye Castillo?"Tumaas naman yung balahibo ko dahil sa lamig ng pagkakasabi niya sa buong pangalan ko. Hindi ako nakaimik agad kaya tumango nalang ako.
"Good." Sabi niya saken. Nagulat ako ng bigla niya akong hatakin sa kung saan.
**
Napahinto ako sa paglalakad ng huminto si Preston sa harap ng-,
binasa ko yung nakasulat sa taas at napangiti ako. Quantum.Napapasok agad ako sa loob dahil sa ganda at laro na nakikita ko. Wow! Ngayon lang ako nakapunta dito. Di naman kasi ako dinala ni Preston dito nung nag date DAW kami,bumili lang pala kami ng gamit ko dun.
Ang ganda! Napatingin naman ako kay Preston na ngayon ay seryosong nakatingin saken.
Parang nawala lahat ng inis ko sa kaniya dahil sa pag dala niya saken dito.
Bigla siyang umalis kaya sinundan ko nalang siya. Sinenyasan niya ako ng wait lang kaya huminto ako.
Nagulat ako pag balik niya dahil ang dami niyang dalang token. Hindi ko maiwasang mapa-nganga.
Maubos kaya namen to?
"Ang dami naman nito." Sabi ko sa kaniya. Hindi niya lang ako pinansin at tumalikod sa kung saan.
Naglaro lang ako ng naglaro hanggang sa mapagod ako. Hinanap ko si Preston at nakita ko siyang nakatitig sa lalaking pilit na kinukuha yung batman.
Napansin niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya napatingin siya saken.
"What?" Tanong niya.
"Wala. Napagod na ako eh." Sabi ko at tinignan yung lalaking naglalaro. Natawa ako sa itsura niya dahil inis na inis siya dahil hindi niya makuha yung batman.
"Hahahaha! Hindi mo makuha noh? Galingan mo kasi!" Pang-aasar ko sa lalaki. Tumingin naman siya saken na parang sinasabing 'Sino to? Fc naman.' Kaya napairap nalang ako. Che!
Natuwa ako ng umalis na siya kaya pumwesto ako sa pwesto niya kanina.
Napatingin ako kay Preston na ngayon ay nakakunot ang noo saken.
"Bat ganiyan ka makatingin?" Tanong ko. Tinignan niya lang ako na parang wala siyang balak makipag-usap saken kaya tinalikuran ko nalang siya para makapag-laro nako.
Nakakailang hulog na ako ng token pero hindi ko parin makuha yung stitch na gusto ko. Nakakainis huhuhu.
Nag hulog pa ulit ako ng isa kaso hindi ko talaga makuha. Napa hampas naman ako sa button dahil sa inis ko. Nakakabadtrip! Kanina pa ako hulog ng hulog hindi ko makuha!
BINABASA MO ANG
MY FAKE JEALOUS BOYFRIEND
أدب المراهقينMagandang trabaho ang gusto ko, hindi maging FAKE girlfriend mo. ABANGAN! Start: October 2k17 Please read my first wattpad story, Hope you like it!! <3