Saksi ang papel at panulat
Sa lahat ng luha at pangarap
Naging sandalan sa gitna ng kawalan
Naging kausap sa gitna ng katahimikanDoon sa lugar na walang makakasaksi
Pagpatak ng luha'y pilit ikinukubli
Bawat hikbi'y itinatagong mabuti
At sama ng loob pilit iwinawaksiDoon sa gitna ng walang hanggang kadiliman
Labis na hinagpis pigil na pinapakawalan
Napakaraming tanong na wala namang kasagutan
Napakaraming sana na hanggang doon na langSa mundong walang nakakaunawa
At puro kamalian ang nakikita
Walang puwang ang salitang 'tama'
Katiting na pag-asa unti-unting kinukuhaSa mundong dapat nagmamahalan
Kinang ng pag-ibig, balewala na lang
Mga pangakong sinabi at binitawan
Hangin lang pala ang naging talaanSa bawat ngiti'y luha ang itinatago
Masayang makikita ngunit nagdurugo
Takot sumugal dahil takot mabigo
Sapagkat sa sakit, puso'y bilanggoSakit na ipinunla ng nakaraan
Tumutubo at yumayabong na sa kasalukuyan
Huwag na sanang muling madiligan
Upang 'di na anihin sa kinabukasanTulong! Tulong ang kailangan
Kunin sa kawalan at dalhin sa kalawakan
Bigyan ng musika sa gitna ng katahimikan
Lagyan ng ilaw ang madilim na kaisipanAng papel na naging saksi ng lahat
Muling makakadama ng bagong pangarap
'Di na mababasa ng luhang pumapatak
'Di na makikinig sa hikbi at iyakMuling magagamit ang tinta ng panulat
Upang itala ang bagong pamagat
Bagong kabanata, ngayo'y isusulat
Salamat sa papel at panulat.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryThere are words that are meant to be spoken. But there are also words that are meant to be kept.......forever.