The Number on the Bus Seat

1.6K 33 3
                                    



Have you ever ridden a bus?

Kung oo, siguro naman, nakaupo ka at hindi standing ang status mo \^_^/

Alam mo yung tipong pagka-upo mo sa bus, bumulaga sayo ang isang 11-digit cellphone number na halata mo namang gawa ng isang ubod ng papansing taong walang magawa sa buhay kundi maghanap nalang ng panibagong trip at manggulo ng iba?

Okay, medyo madaldal na ko...

Pero diba?

Kung kagaya mo 'ko na isa namang tinaguriang PINAKA-DESENTE at BIRHENG tao sa klase, tingin mo kakagatin mo yung trip ng ungas na 'yon?

WELL...

Just read my story and find out what the hell of a nonsense I'm talkin' about -_-



~



CES' POV

"Ay nako, Cecillia! Ang tagal-tagal mong bruha ka! Kaninang kanina pa ko nag-aantay sayo rito! May date pa kami ni Lyndon!!!"

"Aish! Oo na! Susunod nalang ako sa cafeteria! Mauna ka na."

"Psh." Pagmamaktol ng bestfriend ko. Haha :)

Haay, wala na ngang tao dito sa room. Makalabas na nga at nagugutom narin ako.

(LAKAD...)

Hmm... Asan na kaya si Bes? Tsk! Badtrip naman yun! Hindi na ko nahintay. Makabili na nga lang ng makakain...

Mmmm.... Mukhang masarap yang blueberry cheesecake na yan ah!

"Hi ate! Magkano po yang blueberry cheesecake na yan per slice?" sabi ko kay ateng tindera sa canteen

"P50 lang, miss..." sagot ni ate. Medyo nainis naman ako kasi hanggang ngayon, sa loob ng 7 years na pamamalagi ko dito sa school na to, hindi parin kasbisado ni ate ang pangalan ko. Samantalang yung mga classmates ko, nabobola pa nila minsan sina ate dito na dagdagan yung ulam nila pag nabili sila ng lunch.

"Ah. Sige po, pabili na po ng isa." Sabi ko tapos inabot niya na sakin ung cake ko. Pagkabayad, umalis na agad ako at dumiretso sa fave spot ko dito sa school—ang QUADRANGLE...

Gustong-gusto kong nags-stay sa lugar na to kasi pag nandito ako, kuhang-kuha ko sa lens ng camera ko lahat ng magagandang anggulo ng school namin...

Lalong-lalo na ang soccer field....

Mmmm.. Ang sarap talaga nitong cheesecake na to. Sana pala dinamihan ko ang bili ko para sana—

"HAHAHAHA!"

Ay nako, ayan na pala sila. Grabe naman, tanghaling tapat maglalaro sila?

Niligid ko ang mga mata ko sa mga taong dumadating. And at last, my eyes caught glance of the person I'm waiting for....

"Uy, Enzo pare! Buti naman nakarating ka! Diba sabi mo, may thesis ka pa?"

"PSH! Tinakasan ko na! Haha! Sabi ko may practice game tayo eh. Pumayag naman si Bautista..." sabi niya pa ng nakangiti. Then bigla niya nang ibinaba yung bag na bitbit nya, "oh, ano pa inaantay nyo dyan?! TARA NA!"

As soon as they started playing, nagsimula naring tumutok ang lenses ng aking mahal na DSLR sa kanya....

SI ENZO RIVERA

Dear Love,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon