Para sa pag ibig na handang maghintay...
"Aray!"
"Oy panget na tabachoy! Lumabas ka dyan! Alam kong ikaw ang kumulam sa aso namin kaya 'yun na-ulol at kinain yung kapapanganak palang nyang tuta!!!"
Ay nako... Ayan na naman siya!
Si Gino.
Ang anak ng kapitbahay namin na wala nalang ibang alam gawin kundi insultuhin at batuhin ng papel ang bintana ko araw-araw kada sasapit ang hapon para pagbintangan ako ng kung anu-anong mga bagay na hindi ko naman ginawa.
Simula nang lumipat kami dito nung 7 years old palang kaming dalawa, wala na siyang ibang ginawa kundi asarin ako. Hanggang ngayon na grade 5 na kaming dalawa.
Pati dun nga sa school, pinagkakalat niyang meron daw akong kuto, galis, at kung anu-ano pang diperensya sa katawang nakakahawa kaya walang lumalapit sakin sa mga kaklase ko.
Tsaka kaya raw ako mataba, pinaglihi daw ako ng nanay ko sa baboy dahil sa babuyan ang business ng mga magulang ko noong bago ako ipinanganak, at ngayon lechunan naman.
At ang masaklap pa doon, katabi ko sya lagi sa desk tuwing klase tapos lagi syang magpapasingaw ng lobo tapos bigla siyang sisigaw ng,
"YUCK! TEACHER OH, UMUTOT NA NAMAN PO SI TRISHANG TABA-TABA!"
Pagkatapos nun, sabay-sabay magtatawanan yung mga kaklase ko. Tapos bigla nalang akong maiiyak kapag nangyayari yon.
Pero yung pinakamasakit na pang-aasar nya sakin, ay nung nalaman niyang crush ko sya. Nung isang buwan lang....
Nagf-FLAMES kasi ako nun sa notebook ko ng pangalan naming dalawa. Tapos nagulat nalang ako nang bigla siyang dumating at inagaw yung notebook ko sabay iwinagayway niya sa buong klase.
"YUN OH! CRUSH MO PALA KO HA! TRISHA TABA-TABA!!! WAHAHA. WHOOHOO!" sigaw niya sabay kantsawan ng mga classmates namin. Di pa siya nakuntento, binuklat niya pa ang bawat pahina ng notebook ko.
"ANO TO? TRISHA LOVES GINO? GINO LOVES TRISHA? WAHAHAHA! YUCK! KADIRI KANG BABOY KA! AKO?! MAGKAKAGUSTO AKO SAYO? WAHAHA. IN YOUR DREAMS!!!"
Sa sobrang sakit ng loob ko, tumakbo na ko palabas ng school at dumiretso pauwi ng bahay at doon umiyak nang umiyak...
"Sinusumpa ko... Mula sa araw na 'to... Hindi na kita gusto., at hinding-hindi na ko magkakagusto sayo, Gino. Wala kang kwentang tao. Balang-araw, pagsisisihan mo lahat ng mga pang-iinsulto mo sakin."
~
MAKALIPAS ANG 6 NA TAON....
"HAHAHA! Sus! Wala naman talagang magkakagusto dyan eh. Negra kaya yan. HAHAHA! Trishang TABA-TABA! Hahaha!"
Oo. Tama ang nabasa niyo.
Si Gino nga ang nagsabi niyan... Well, sino pa nga ba? -.-
Kahit naman ilang beses ko na syang minassacre sa isip ko, wala. Ayan at buhay na buhay parin ang loko.
At oo uli, tama na naman kayo... 4th year high school na kami ng kumag na yan pero wala parin syang pinagbago... Ngayon, bihira nalang niya kong tawaging 'Taba-taba' kasi pinilit ko talagang mag-diet para di na nya ko asarin, kaso lang never say die parin sya dahil mas malimit, 'NEGRA' o kaya 'TRISHANG NIGGA' na ang pang-asar niya sa akin...
BINABASA MO ANG
Dear Love,
Короткий рассказRead and see different faces of love. Dear Love is a compilation of SHORT STORIES written in Filipino. DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are all products of the author's imagination. Any resemblance to ac...