Chapter 21

4.9K 121 9
                                    


ARVIN'S POV

Tinitigan ko nang mabuti si Gel, palagi nalang ganito ang set up niya kapag nagpapractice kami, utusan ni Stanley. Pero kahit inuutusan lang siya nagagawa pa din niyang ngumiti, nagagawa pa din nitong mang-asar.

Nilipat ko naman ang tingin ko kay Stanley na ngayon ay inuutusan si Gel nang kung anu-ano.

Palihim ko itong sinamaan nang tingin. Damn him. Paano niya nagagawa ito kay Angela, paano niya naatim na pahirapan ang isang babae.

Napakuyom ako nang kamao ko.

One day makikita din kitang umiiyak at nasasaktan.

One day magbabayad ka din.

One day makakaganti din ako.

One day mahihirapan ka din at magmamakaawa ka din.

I smirked.

I made it to be in the team with the help of Angela, and by her help magagawa ko pa ang mga plano ko para masaktan at mahirapan ka.

By her, magagawa ko ding wasakin at durugin ang puso mo.

Just wait for the right time, magsisisi ka din.

STANLEY ANIEGOR.


ANGELA'S POV

"Psh. Late ka na naman. Kumain na kami." Bungad sa akin ni Wency pagbukas ko nang pinto. Kakauwi ko lang geez, baka maghinala na ang dalawa. Halos araw-araw na akong late umuwi at pagsisinungaling sa kanila.

Pero what should I do? Kundi panindigan ito. Panindigan ang mga pagsisinungaling ko kahit pa darating ang oras na malalaman nila ang ginagawa ko, kahit pa magalit sila.

"Saan ka ba kasi nanggaling?" Usisa naman ni Danila.

Dumiretso ako sa harap nang pinto ko tapos nilingon sila.

"May ginagawa lang ako." Sagot ko lang tapos pinihit ko na ang doorknob nang pinto.

"May ginagawa? Don't you dare na lukuhin kami dahil sobrang magagalit talaga kami sa'yo." May pagbabanta da boses ni Wency.

Naparolled eyes na lang ako hindi naman nila makikita dahil nakatalikod ako. Binuksan ko na ang pinto at agad na pumasok, hindi ko na din sila sinagot.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko at nagpagulong gulong, hindi pa din ako makatulog. Napatingin ako sa orasan, 10 in the evening na.

Bumangon ako at nag stretching. Geez, sa ginagawa kong 'to mas lalo akong hindi makakatulog.

Kinuha ko ang mga unan ko at sa sahig humiga, baka sakaling makatulog ako.

Damn it. I really can't sleep.

Bumangon ako at naghalungkat nang masusuot. Aalis muna ako at mag one shot nang vodka, wine, whisky ,rum o ang cognac basta mabigyan lang ako nang epekto at makatulog ako.

Dahan dahan akong lumabas nang kwarto ko at diretso sa main door, mabilis akong sumakay nang kotse ko.

Sa favorite bar ako pumasok.

"One cognac please." Anang ko sa harap nang counter. Sinipat muna ako nang bartender pero tinaasan ko siya nang kanang kilay. Yumuko siya at humingi nang tawad.

"Tsk. Make it faster man." Aniko.

Mabilis naman niya itong nilapag sa harap ko. I half smile and uttered thanks.

Mabilis ko itong tinungga. Geez, ang pait pero okay lang basta antukin lang ako.

"Hey, babalik ako huh." Aniko sa bartender at tumayo na at tinahak ang dance floor.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon