Parang Tayo Pero Hindi

72 0 0
                                    

Alam mo pa yung feeling na parang kayo pero hindi?

Feeling, pwede mo itong ihalintulad sa pagkaassuming

Na araw-araw nalang nagiilusyon na tayo pero hindi

Ngunit nararamdaman ko ang feeling na to ay sigurado

Itong nararamdaman ko na to ay totoo

Lahat nalang ng daing at hinanaing ginawa ko para ikaw ay manatili sa aking piling

Dahil nararamdaman ko nawawala na ang pagmamahal mo saakin
.
.
.
.
Alam mo ba yung feeling na parang kayo pero hindi?

Yung feeling na kahit wala ng buble gum nginunguya mo pa rin

Mahalin mo naman ako tulad ng unan mo sa gabi

Niyayakap sa ginaw, sinasandalan mo kahit na mainit

Binubulungan ng pinakatatago mong panaginip

Una kang nasilayan

Puso ko ay naliwanagan

At sinasabi ko sayo handa akong isigaw

Na ang mahal ko ay ikaw
.
.
.
.
Naaalala ko pa nang unang beses kong sinabi na mahal kita

Pero mas naalala ko ang unang beses mo ring sinabi na mahal din kita

Pero mas naaalala ko na alam mong lagi akong nandito

Kaya unti-unti nang kumakalas, dumudulas at pumupigtas ang paghawak mo

Sa bawat pagtulog at paggising para bang naalimpungatan

Sa mga ilusyon ng ating relasyon

Hindi maramdaman kung may roon
.
.
.
.
Ano nga ba talaga ang sagot, may tayo pa nga ba?

O puro label nalang tayo dahil wala nang nilalaman

Pilit na sinasampal ang sarili, upang magising sa katotohanan

Kaya tama na dahil hindi sa lahat nang oras

Ang kamay ng relo ay sasakto sa tamang panahon

Tama na dahil masyado nang malalim ang marka

Minsan mas masakit pa ang manatili kaysa lumisan

Tama na pero di ko makakaila na sa bawat ngitimo

Ito ang nagsisilbing butuin sa mga gabi ko
.
.
.
.
Hayaan mo kong iaalay ang oras ko

Hayyan mo kong iaalay ang mga luha ko

Hayaan mo kong gawan kita ng tula

Ngunit sinisigurado ko na ito na ang huling beses na ako ay luluha ng dahil sayo

Pagbigyan mo ko sa huli kong hiling na ikaw ay mayakap nang mahigpit

At ako'y pipikit

Sasabihing mahal kita pero tama na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parang Tayo Pero Hindi (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon