The Sixth

9 1 0
                                    


THE SIXTH FALL

"Whaanong ginagawa niyong lahat rito?" Gulat na gulat na tugon ni Alpha.

Natawa ako sa gulat na ekspresyon niya. Kung paano biglang nagbago ang itsura ng mukha niya. Kung kanina ay kinakabahan siya. Ngayon ay mukhang gulat at masaya siya.

Akala niya hindi ko naaalala. Akala niya wala akong pakialam. Akala niya lang iyon.

"M-mommy? Bakit kayo nandito? Don't you have work?" Tugon nito nang mapunta ang atensyon niya sa pamilya niyang may mga hawak na balloon.

Ngumiti si Tita Alace at umiling, "Mas importante ka, Dior anak." sabay halik nito sa noo ni Alpha.

Bumaling naman sakanya ang tatay niyang si Tito Arsonn, "Happy birthday, my son. 19 ka na agad. Ang bilis ng panahon." sabay yakap nito kay Alpha.

Tumawa naman sila pareho. Biglang lumapit sa akin si Rie. Inabot niya sa'kin ang cake na may nakasindi ng kandila. Ngumiti ako at hinawakan iyon. Sinenyasan ko sila na kumanta na.

"Happy birthday Alpha, Happy birthday Alpha, Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday Alpha~"

Paunti-unti akong naglakad palapit sakanya. Hawak-hawak ang cake na binili ko para sakanya. Nakapinta sa aking mukha ang matamis na ngiti na para sakanya. Nasilayan ko naman ang luhang pumatak sa pisngi niya. Dahil doon ay natawa ako. Narating ko ang pwesto niya. Saktong-sakto ay nasa gitna siya. Biglang lumapit si Rie at nilagay niya ang korona sa ulo ni Alpha. Pero hindi naputol ang titigan naming dalawa. Tanging sa akin lang siya nakatingin at ganoon din ako.

"Blow the candle, Alpha." Nakangiting tugon ko sakanya dahil sa akin lang talaga siya nakatingin.

Natauhan siya at namula naman ang pisngi. Agad niyang hinipan ang kandila. Nagpalakpakan ang lahat. Binaba ko naman sa lamesang maliit ang cake.

"Happy birthdayyyyyyyyy, Alphacier Dior Primo!" Sigaw ni Rie.

Naghiyawan ang lahat. Kasama na ako doon.

"Maraming salamat sa inyo. Pero gusto ko sanang malaman kung sino ang nagplano ang lahat ng ito. . ." Biglaang sambit ni Alpha sa kalagitnaan ng ingay.

Tumigil silang lahat at ang lahat ng atensyon ay nasa akin na. Dahil napansin ni Alpha na sa akin nakatingin ang lahat, ibinaling niya din sa akin ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang asul na mga mata na ngayon ay nakatitig na sa akin.

Naglakad siya papalapit sa akin. Nakasuot pa din sakanya ang korona. Seryoso ang tingin niya at bigla naman akong kinabahan. Para bang siya na lang ang nakikita ko at ako na lang ang nakikita niya.

Narating niya ang harapan ko. Hawak-hawak ko naman ang isang baso ng coke. Balak ko sana itong ibigay sa Mama niya dahil sinabi nitong nauuhaw na siya. Pero. . .

"Why did you do this?" Seryosong tugon nito sa akin.

Lalo akong kinabahan. Namawis ang palad ko. Halos tumulo na din ang pawis mula sa noo ko. Ang puso ko'y halos makawala na sa sobrang bilis ng tibok nito. Ang buong sistema ko'y nagsimula nang maghuramentado. Bakit ganito?

"I-I jus"

"Pinaglalaruan mo ba ako, Rem? Balak mo ba akong saktan ng sobra dahil ganoon din ang ginawa ko sa iyo? Papaasahin mo din ba ako katulad ng ginawa ko sa'yo noon?"

Akma akong sasagot pero naunahan niya ako, "Kasi kung oo, t*ng*na, nagwawagi ka, Rem! Hindi ko itatanggi. Hindi ako magsisinungaling. Nasasaktan na ako. Kanina, Kung paano mo sinabi ang mga katagang ayaw kong naririnig, hindi mo alam kung ano ang epekto noon sa akin. Oo, totoo iyon. Walang tayo at wala akong karapatan magselos. Pero ikaw din, Rem. Wala kang karapatan na saktan ako! Kung ginagawa mo ang lahat ng ito, nagpapakita ng ganito, nagbibigay ka ng motibo. Na baka nga may gusto sa akin, Baka may pag-asa ako pero ang totoo, wala! Para na akong tanga. Kanina pa. Hindi ko na nga maiharap ang mukha ko sa'yo matapos ang usapan natin kanina. Kasi tama ang sinabi mo. At hindi ko matanggap dahil kasalanan ko iyon. Kasalanan ko kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Kung sakaling binabalak mong durugin ang puso ko. 'Wag ka nang mag-abala, matagal nang durog 'to."

Kung paano bumuhos ang luha ko. Kung paano nanakit ang dibdib ko sa sinabi niya. Kung paano gumuho ang mundo ko. Kung paano ako nasaktan. Ganoon ang nakita ko sakanya. Ganoong ekspresyon ang ipinakita niya. Hindi ko alam na ganito niya makukuha ang ginawa ko. Akala ko tama. Akala ko mapapasaya ko siya sa ginawa ko. Pero mali ako. Lalo ko siyang nasaktan.

Bago pa ako magsalita ay bigla na lamang nagtakbuhan ang lahat papalapit kay Alpha. Nagulat naman ako sa nakita.

"Alpha! Hinga lang!"

Nakita ko kung paano siyang nahirapan huminga. Kung paano umagos ng parang ilog ang luha mula sa mga mata niya habang nahihirapan na huminga.

"Alpha! No! Stay with us!"

"Tumawag na kayo ng ambulansya! Jusko!"

Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin ko. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Gulong-gulo ako. Halos mahilo ako dahil sa likot ng mga taong nasa paligid ko. Lahat sila gumagalaw. Natataranta dahil sa sitwasyon ni Alpha.

Lumapit sa akin si Rie. Hinawakan ang balikat ko. Pilit niyang pinapaharap ang mukha ko sa mukha niya. Bumubuka ang bibig niya pero ni isang salita ay wala akong narinig. Nahihilo ako. Wala akong marinig.

Nakita kong tinapik niya ang pisngi ko pero hindi ko ito naramdaman. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagbuhat nila kay Alpha. Si Alpha na walang malay. Dahil sa akin. . .

Tumingin ako kay Rie, "M-mahal ko siya. . . hindi ko siya kayang saktan. . . hindi ko kayang gawin sakanya ang ginawa niya sa akin. . . mahal na mahal ko siya. . . mahal na mahal ko si Alpha."

Bumuhos ang luha ko pero ang dampi ng tubig sa pisngi ko'y hindi ko naramdaman. Wala akong maramdaman. Tila ang pagtibok ng puso ko na lang ang natitirang bagay na nararamdaman ko.

Nakita ko na naman ang pagbuka ng bibig ni Rie. Pero wala akong narinig.

Bigla niya akong binitawan. Tumakbo siya palapit kina Tita Alace na nag-aalala. Lahat sila ay bumaba ng rooftop.

Tila ako na lang yata ang natira. Ako na lang ang naiwan mag-isa.

Hindi ko sinadyang saktan siya. Mahal na mahal ko siya.

"Remember!"

The Art of Falling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon