Mag isang anak
Sabi nila maswerte daw ako
Kasi nga wala ako nito
Pero iba ang nasa isip ko
Malungkot kasi mag isa ako
Walang kasama sa kalokohan
Wala kang kasama sa tawanan
Kasi nga nag iisang anak lang
Sa mga bagay wala kang kaaway
Sa pag kain wala kang kasabay
Walang kapatid na nakaakbay
Mag isa ka lang sa buong buhay
Ni kaaway at kasangga wala
Walang masabihan ng problema
Pakiramdam ko ang saya saya
Pag meroon ka laging kasama
Meron kang kapatid na nandyan sa saya o problema
Sa gusto mo'y ikay susuportahan ka
pa
Di ka matitiis kahit
Kayo ay magkagalit
Siguro ang saya kung meroon kang kapatid na kasama