BAYAD PO - ONE SHOT

1.3K 69 86
                                    

Enrollment sucks.

Ang haba haba ng pila.

Ang daming tao.

Bukod sa tuition fee, ang dami pang kailangang bayaran na chenes.

If I know, kurakot lang naman ng school yan!!

I am now enrolling for second year first sem.

IT student sa isang kilalang school.

Ang daming nagtatanong kung bakit ako nagIT eh panglalaking course lang daw yun.

Bakit ba?? Bawal na ba kaming mga babae sa course ng mga lalaki??

Mga lalaki lang ba ang may kakayahang gumawa ng program at kumalikot sa mga parte ng kompyuter??

Eh kung pektusan ko kaya mga dila na.

Masyado nilang ina-under estimate ang mga babae sa field ng panglalaki.

"UGGGGH. KAJIRITS. NAPAKABAGAL MAG ENCODE NI MAAM!!! BAT DA KASI DIYAN NILAGAY YAN?!! EH MAS MANANG PA SA KATULONG NAMIN YAN. ANO BANG MALAY NIYAN SA PAGPINDOT SA COMPUTER?!! KAYA LALONG TUMATAGAL EH. KAINIS!!!"

"Oh ade palitin mo na siya Triks. Tutal magaling ka naman sa computer di ba?"

"Kung pwede lang Trick. Kung pwede lang!!!"

Teka nga lang. Bago pa ko tuluyang mainis sa prof na 'to, magpapakilala muna ako.

Ako nga pala si Patricia Yohana M. Robles. At katulad nga ng nasabi ko kanina, isa akong IT student. Bakit nga ba ako nag IT? Kadalasan ang sinasagot ko eh kasi mahilig ako sa computer, sa paggawa ng program. Ang akala naman ng iba, porke may kompanya kami sa ibang bansa tungkol sa mga softwares and stuffs kaya ako nagIT. Ganyan. Pero hindi talaga yun ang dahilan ko. Nag IT ako, kasi, alam kong konti lang ang babae at umuulan ng lalaki sa course na 'to. Hahaha. Oo, seryoso ako. Yan ang dahilan ko kung bakit ako nag IT. Hindi kasi ako malapit sa mga babae. Mas malapit kasi ako sa mga lalaki. Pero not to the point na nagiging bitch na. One of the boys lang, ika nga.

Kasama ko ngayon ang aking bestfriend na si Patrick Jones Martinez. Sabi naman kasi sanyo eh. Mas malapit ako sa mga lalaki

.

At eto na nga. Anakngputaktingmababaanglipad! Inabutan na kami ng lunchbreak sa bagal magtype ng prof na 'to!!

"Triks. Tara kain na tayo. Sa mcdo na lang tayo kumain. Andun na rin si Kayla."

Si Kayla yung girlfriend niya.

"Ge. Libre mo ko. Kasama mo naman si Kayla eh"

"Oo na. Basta tumahimik ka ha?"

hahahahaha. May alam kasi akong secret netong si Trick na di maaring malaman ni Kayla, kung hindi BOOM hahahaha.

Nasa mcdo na kami. Andito na nga si Kayla. Kaya umorder na si Patrick.

"Triks. Tignan mo yung guy oh. Gwapo. Malaman. Masarap."

"Oy. Sinasabi mo diyan Kayla? Sumbong kita eh"

"Di ko naman siya pinagnanasahan girl. Kinikilatis ko lang siya para sayo"

"Lul. Lande neto. Nasaan ba? Patingin nga!"

"Oh. Akala ko ba malande ako? Bat titignan mo?"

"Eh akala ko ba kinikilatis mo lang para sakin?"

"Leche ka. Ayun! Tignan mo! Yung naka navy blue na v-neck shirt. Leche. Ang hot talaga! Ang saraaaaap!!"

Kitang kita ko ang pagkahumaling ni Kayla sa lalaki.

Konti na lang! Tutulo na laway niya!

"Ano ang hot at masarap ha babe honey bunch?"

BAYAD PO - ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon