What if?

34 1 4
                                    

Naranasan mo na bang hindi makatulog sa gabi kaiisip kung anong mangyayari sa hinaharap? O kaya hindi ka makatulog dahil iniisip mo yung mga bagay na nagawa mo sa nakaraan na parang gusto mong baguhin?

Well, ako oo. Cirell nga pala. Yep, that's my name. Overthinker? Yep. That's me. I think? Hindi ko din alam kung bakit. Mula pa bata ako ganito na ko e. Kapag may nagawa akong sa palagay ko e mali, o kaya palpak, o kaya nakasakit ng iba, hindi ako mapakali. Kahit pinakasimpleng bagay lang ata inooverthink ko. Pinoproblema ko. Wala e. Siguro abnormal lang talaga ko. Well, wala namang nagiisip na normal ako.

Big glasses? Check!

Chubby? Check!

Braces? Check!

Weird hairstyle? Check!

Face full of pimples? Check!

No boyfriend since birth? Tinatanong pa ba un? Isang malaking check!

Hopeless romantic? Nakakahiya man aminin, pero oo.

Pangit man sa inyong paningin, babae parin. Hayy...

Bakit kaya ganun no? Kung sino pa yung mga nagmamahal ng totoo, yung mga magseseryoso, yung mga loyal, sila pa yung palaging nasasaktan. Hayy. Dami kong hugot no? Dami kong alam.

Buong buhay ko kasi palagi nalang akong pinagsasabihan ng masasakit na salita ng mga tao. Dahil sa itsura ko, dahil sa pananamit ko, dahil sa buhok ko, dahil sa buong pagkatao ko. Kung pwede nga lang ata na burahin nalang ung existence ko sa mundo, matagal nang ginawa ng mga tao e. Hayy..

Ganun ba talaga? Kapag pangit ba talaga, dapat kinukutya ng mga tao? Dinidiscriminate? Ganun ba talaga yun?

Pero alam niyo, sa totoo lang may perks ang pagiging pangit e. Pag pangit ka kasi, makikita mo yung totoong mundo. Makikita mo yung tunay na ugali ng mga tao. Walang mampaplastic sayo, kasi lahat sila abala na kutyain ka. At yung pinaka the best part dun e makikilala mo yung mga tao na tunay na kaibigan.

  Bata palang kami, kaibigan ko na tong si Jeon Jung Kook, J.K. for short. Kasama ko yan lumaki. Buti na nga lang, yung mga bata, hindi pa alam kung ano ang pangit at maganda, kaya naging kaibigan ko yan. Haha Pero hindi. Kapitbahay ko kasi yan. Yan yung mayaman naming kapitbahay. Buti nga pinayagan ng magulang niya yan na makipagkaibigan sakin e. Haha Buti nagtiwala sa di ko katiwa tiwalang pagmumukha. Family friend kasi namin sila. Yung nanay ko at yung nanay niya, magbestfriend since elementary. Kaya ayun. Montik pa nga silang sabay manganak e. Kaso nauna si mama kaya medyo mas matanda ako ng ilang buwan diyan kay J- Kulit.

O so feeling niyo may gusto ko dyan sa taong yan? Wala kaya. Wala ha. At hindi ako defensive. Nililinaw ko lang. Tropa ko yan. Saka hindi babae tingin niyan sakin nako.

Okay na nga sana yung lahat e. Kinukutya ako ng mga tao, pero may kaibigan naman akong nagtatanggol sakin, kaso, ayun. Umalis ang JK. Nagmigrate papuntang South Korea. Naging successful kasi yung business nila tita dun e kaya kailangan na nila manirahan dun. Kaya ayun. Naiwan akong magisa.

Mula nung umalis si JK, naramdaman ko na talaga na alone ako. Naramdaman ko bigla yung mga masasakit na sinasabi ng mga tao. Dati naman okay lang ako kahit kinukutya nila ko e, pero bat kaya ganun? Bakit kaya mula nung umalis yung mokong na yun, bigla ngang naramdaman ko lahat?

That's when it hit me. One night, habang nagooverthink na naman ako, it all made sense to me. Matagal na pala kong may gusto kay JK. Huli ko nang narealize. Kaya tuloy mula nung gabing yon, gabi gabi, palagi ko nalang naiisip..  What if? What if dati ko pa narealize? What if dati ko pa to narealize at umamin ako sa kanya, ano kayang mangyayari? Aalis parin kaya siya? Mage-F.O. ba kami? Itatakwil niya kaya ko? What if?

What if naging maganda ko? Hindi na kaya ko kukutyain ng mga tao? What if hindi ako pinanganak na pangit, mamahalin kaya ko ni JK? What if... What if...?

Ano bang mangyayari pag nagisip ako ng what ifs ko? May mababago ba?

Habang tulog ang lahat ang tao, at tahimik ang paligid, naisip ko.. Kapag tumalon kaya ako ngayon, may sasalo kaya sa akin?

The Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon