Sa tuwing gabi bago siya matulog, nakasanayan niya ng makinig sa mga kwento ng kanyang Nani.
Sila lamang ang naroon at laging mag-kasama.Kwento ng mga prinsesa at prinsipe Ang madalas na ikwento nito. Kung ano ang mga kwentong kinawiwilihan ng mga batang kagaya niya.
Bata pa lamang siya ay nai-imagine niya na kung ano ang itsura ng kanyang magiging prinsipe. Sa batang edad ay malawak na ang imahinasyon ni Hannah.
Matipuno, maamo ang mukha, gwapo, makisig, kaya siyang ipagtanggol sa masasama, lahat gagawin para sa kanya, ito ang mga katangian ng prinsipe na ninanais niya.
Kaya pinangako niya sa sarili na kapag nakita niya ito at makilala, hinding hindi niya na ito papakawalan pa.
"Nani kelan ko po ba makikilala ang prince Charming ko?" Nabubulol na tanong ng batang Hannah Suarez sa kanyang tagapag-alaga.
Bahagyang natawa ang matanda. Kitang-kita niya ang maganda at inosenteng mukha ng dalaga.
"Hannah masyado ka pang bata para makilala ang Prince charming mo. Kaya para lumaki kana, matulog ka na." malambing nitong paliwanag sa munti niyang alaga. Habang maraahan nitong tinatapik ang braso para matulog na.
Sinunod naman siya nito at agad na pinikit ni Hannah ang kanyang mga mata.
YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...