Nov 6,1991
"Hello?" Nagtatakang sagot ni Rafael sa kanyang cellphone dahil hindi naman siya tinatawagan nang ganoon kaaga ng kanyang asawa.
"Aaaaaaaahhhhhhh!!!"bungad nito sa kanya .
"Rafaeeeeeeeeel!!!"sigaw pa nito muli.
"Nalooban ba ang bahay??teka tatawag ako ng pulis." Sagot ni Rafael kay Karolina na mukhang hindi pa din kumakalma.
"Magiging papa ka naaaaaaa!!" Sigaw niya muli na nagkapagpalaki sa mga mata ni Rafael.
"Magiging mama ka naaaa!!" Napasigaw din sa sobrang tuwa si Rafael.
December 20,1991
"Gusto ko nang mamili ng damit yung pamasko ng anak natin.. " sabik na pagyaya nito kay Rafael na samahan siya sa mall.
"Pakipaliwanag muna kung paano mo mapasusuot sa anak natin yung bibilhin mong damit??" mapangasar na sabi nito.
"Ahh ganun....sige ahh bahala ka nang magluto magisa mo ng noche buena mo!" naiinis niyang sagot.
"Yieeee! Nagtatampo siya! Gusto mo bumili tayo ng pamasko natin yung terno terno tayo?" panlalambing ni Rafael sa asawa.
May 3,1992
"Uy kelangan natin icelebrate.Kailangan natin magpasalamat dahil ngayong araw ginanap ang operasyon at naging matagumpay ang transplant ko." masayang salubong ni Rafael kay Karolina.
"Huh?!" yun lamang ang sagot na natanggap nya mula sa kanyang asawa.
"Ayaw mo magcelebrate?" Tanong niya na may paglalambing.
"Bibilhin natin paborito mong Korean dish na tteokboki!!" pagyayaya niya pa.
"Ano kasi eh....sandali lang ah.." mahinang sabi nito at agad pumunta sa cr at kinuha ang cellphone nya.
"Hello?Dr.Gonzalez?" bati niya dito."Gusto sanang malaman kung anong nangyari dun sa recepient dapat ng puso na napunta kay Rafael?" pagtatanong niya dahil ni isang araw ay di niya nakakalimutan ang kanyang ginawa.
~*~*~*~*~*~
Ganun na lamang ang kanyang pagkagulat nang malaman niyang pareho ang sakit nun at ng kanyang asawa at noong araw na naganap ang operasyon ni Rafael ay ang araw din na iyon ay namatay.
August 21,1992
"Mr. and Mrs. Jeon,Congrats po sa baby boy niyo" pagbati ng nars sa magasawa habang nakangiti.
"Nakaisip na po ba kayo ng pangalan?" tanong ng nars sa magasawa.
"Raf,ano papangalan natin sa kanya?" tanong ni Karolina na batid ang pagkasabik sa tono niya.
"Gusto ko J kasi sabi nila karamihan daw ng mga taong J nagsisimula ang pangalan mga gwapo o di kaya maganda" agad niyang pagbibigay suhestiyon na di man lang hinintay ang sagot ng asawa.
"Gusto ko yung madali lang bigkasin at simple lang " sagot ni Rafael.
"Jay?!" pasigaw na nasabi ni Rafael dahil sa sobrang sabik.
BINABASA MO ANG
Undestined
MizahAng sabi nila kapag nakatadhana na daw ang isang bagay wala ka nang magagawa.......pero nasa iyo ang desisyon kung iiwasan mo ito o haharapin mo na lamang ang mga maaring mangyari Wala akong pakialam sa hinaharap na nagaabang sa akin pero ipangako m...