♬♬CHAPTER 2♬♬

144 7 0
                                    

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

Hi !!ako si Cass.....ang pinakamagandang.....hmmm...sige wag nalang erase na yun.Oo na...Di ko makita sarili ko..baka yun yung dahilan kung bakit natatakot din sakin yung mga nakakakita sa kin eh.


Wala akong repleksyon ni anino...basta maniniwala nalang ako na maganda ako.Hahaha~


Wala eh ganun tlaga.....


Oo,multo ako so what?!


Aish!!FYI ah!!! 


Di ako yung naiisip niyo tuwing gabi at kinapaparanoidan mo pag naliligo kayo.

Di nga kasi ako stalker!!!!


Ayan tamang hinala ka na naman!


Lagi nalang akong napagbibintangan na nakaputi na mahabang buhok na gagapang at lalabas sa TV o sa balon..


Ayoko ng puti....Ok?!

at sisihin niyo sila may paa naman sila mukha silang gunggong nagapang pa tska kelangan nasa harap ng mukha lagi ang buhok? kinabog pa sila Perlas,Alona at Dyesebel.


Wala lang nakinood lang ako dun sa malaking bahay kagabi...

bastusan lang eh!!palipat lipat ba naman ng channel!

pasalamat siya mabait ako......kung ibang multo toh...


Mamaya na ko magpapaliwanag!


"Isa...."

"Dalawa..."

"Tatlo.."

Mahina kong sinabi upang hindi ako marinig ng iba .Pagkalapag na pagakalapag biruin mo hindi lang pala ako ang nagaabang sa pagkain na alay ng matanda sa mga kaluluwa...sa totoo lang para sa apo niya yun eh..eh ano pa bang magagawa ko??Di man lang nabisita yung apo niya..Tss,sbagay kawalan niya yun.


Haripas kami lahat ng takbo eh.

Grabeh nalang kung balyahin nila ako-_- pero indi ako magpapatalo.


"Hoy!p*tangin* ka!" sigaw sakin nung eskandalosang matanda na multo sa tingin ko naman madali na talagang malaman kung bakit siya namatay noh..


Tsaka siya yung nanguna tinulak niya ko.....ano ang ginawa ko??

Pinalpal ko lang naman yung mukha niya..hahahha!oo yun,yung parang ginagawa sa bola sa basketball pagmagshushoot na yung kalaban.

At kinuha ko yung pagkain na hawak niya..


Takbo lang ako ng takbo.


Mahirap na noh! baka may makakita ng pagkain ko maagawan pa ko..

Kailangan namin ng pagkain kasi nagbibigay samin ng lakas yun pero yung mga inaalay lang para sa mga kaluluwa .


Nakakainis kasi yung Angel of Death na yun at yung walang kwenta na Grim Reaper..


Tsk!sinusumpa ko talaga sila


Di nila ata alam yung mind your own business......pero sabagay trabaho nila sumundo ng kaluluwa..


Eh bakit ba?! ayoko nga eh!

wala din naman akong ginagawang masama ..


Biruin mo ba naman may nakasalubong akong bata....iba na kulay niya eh siguro nalunod toh.


"Uy bata!" tawag ko sa kanya at agad naman akong lumapit.Anggara noh?Ako tumawag ako pa din yung lumapit.Tss!

"Tulungan mo 'ko...." nanghihina niyang sabi sa akin.


Sa tingin ko di niya alam na patay na siya pero may motto akong pinaninindigan  MIND YOUR OWN BUSINESS.


"HOY BATA!" agad naman siyang tumingin sa akin.

"Ito oh iyo na toh..."tanga ko talaga di ko alam maawain din kasi ako kahit paano binigay ko kalahati ng pagkain ko sa kanya.

"Aaaaahhhhhh" nagulat nalang ako nang marinig ko yung tunog na yun pero hindi mukhang galing sa multo pero parang naungol.


Nasa madilim kasi akong eskinita kinakain ko pa din yung nakuha ko doon sa eskandalosang matanda na yun at lumayo na din ako dun sa bata mahirap na baka mauto na naman ako at makuhaan ng pagkain.Pinaghirapan ko din yun noh! Di naman sa madamot pero ayoko matulad doon sa isang kaluluwa na hindi na nakatakas kay Grim Reaper dahil namimilipit siya sa sakit dahil gutom siya...

"Bilisan mo na kasi..." narinig ko yun sa malanding boses..Oo,nga malandi talaga pakinggan yung tipong kikilabutan ka.Nakain pa naman ako nun.


"Aaaahh...." umungol na naman...di ako mahilig sa mga aso ....ewan ko lang kung bakit.....tanong mo sa past life kong di ko maalala.


"Bilisan mo pa ng unti ahhhh....ay ganyan nga!!" narinig ko na naman ay malamang di toh aso pero nagtataka ako kung ano yun eh sinubo ko na lahat ng pagkain,pinagpag ko muna ang kamay ko at at damit ko bago ko silipin yun..

At nang sumilip ako isang nakapang titindig buhok na bagay ang sumalubong sa akin.


Oo tama !tindig buhok talaga sa tingin ko sa sobrang gulat ko pati pilik mata ko at kilay ko kinilabutan eh.


Napatakip na lang ako ng bibig nun habang yung isang kamay ko nakatakip sa mata ko....habang unti-unti akong umuusad para makalayo dun sa nakakatindig buhok na tanawin.


Pero sa loob loob ko kung takutin ko kaya sila?ano kaya itsura nila magtatakbuhan sila ng mga nakahubad?pero tutal nakakatindig buhok nga na di ko talaga kinaya na silipin ulit kaya pano ko pa sila lalapitan at tatakutin...

Hayaan ko nalang sila basta kung sa tingin ba nila na makatutulong sila sa ekonomiya ng bansa tuloy lang nila!


Hay nako!tong mga tao talaga na toh oh!! anlakas makasigaw kita ngalangala at gilagid pag nakita nila ako kahit wala naman akong ginagawa eh sila nga mas nakakatakot pa sila eh.Tignan niyo nga kanina,oh.. nagawa ng milagro.


Tsk!ayoko na buburahin ko nalang yun sa isip ko...


Pero nagulat nalang talaga ako nang makita ko ang Angel of Death pagalis ko ng kamay ko sa akin mga mata na ilang metro na lang pala ang lapit sa akin.


Tatakbo na ba ako??






UndestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon