Meteor Garden Three: Ultimate Come Back

617 12 4
                                    

Umuwi na si Dao Ming Si at Shan Cai sa Taiwan. Masaya sila at kampante ang loob na matutuloy ang kasalang dapat ay noon pa natuloy.

"Dao ming Si" - Shan Cai

"Oh Shan Cai, bakit?" - DMS

(DMS- Dao ming si )

"Ah eh, wala lang, masaya lang ako" - SC

(SC - Shan cai )

Nagkasalubong ang mga mata ni Dao Ming si at shan cai, halata namang makikita na sabik sila sa isa't isa.

"Ako rin naman, matutupad na rin ang matagal kong pinapangarap, wala nang makakapaghiwalay sa atin shan cai, hinding hindi na ako papayag" - DMS

SHAN CAI's POV

NAPAKASAYA KO. Sa wakas, makakasama ko na ang ubod ng sungit na si dao ming si. Makakauwi na rin kami sa Taipei. Sinalubong kami nila Mei Zuo, Xi Men, at Lei. Tumulak na kami sa mansyon ni Ah Si, sinalubong naman kami nila ante jade at ng mga kasambahay sa mansyon

"Shan cai! Shan cai! Young master! Maligayang pagdating " - ante jade

" salamat ante jade, ahmmm, namiss ko po kayoo " :'(

Niyakap ko si ante jade ng mahigpit, kung hindi lang din dahil sa kanya, baka imposible na ang relasyon namin ni Ah Si.

"Mabuti naman at nakauwi na kayo, hali na kayo , ah eh, teka lang, nasaan na nga ba si young master? - ante jade

Si ah si, saan na nga ba siya? Di ko lang naman namalayan na umakyat na siya sa taas, dala siguro ng pagod kaya hindi na siya nakapagpaalam sa akin.

"Ah eh, siguro umakyat na siya ante jade, napagod yata sa biyahe, halika na po, kumain na tayo, nagugutom na rin ako:) " -SC

pumunta na kami sa hapag kainan ni ante jade, at pinagsaluhan ang pagkaing hinanda niya, pinag-usapan lang namin ang mga nangyayari sa Barcelona at tungkol sa kasal namin ni Ah Si. Nagpaalam na ako kay ante jade pagkatapos ko kumain para kamustahin si ah si. Napag isipan ko rin na maghanda ng hapunan niya para may makain siya pag gising niya.

TOK TOK TOK ...

" ah si? Andyan ka ba?" -SC

Pinihit ko ang door knob at saktong bukas naman, wala siya sa kama niya at nakalatag ang mga damit niya. Baka nga siguro ay naliligo siya.

" ah si? Naliligo ka ba? "

" oo, shan cai? Pakiabot nga ng tuwalya , andyan sa may gilid" -dms

Aano raw?! Ano ba tong taong to, hahay, diyos ko naman.

"Shan cai? Saan na tuwalya ko?" -DMS

"Ah eeh, heto na, si-sige, s-sa labas na ako maghihintay, pinaghanda nga pala kita ng makakain , matutulog na ako sa kabilang kwarto, babay! " -SC

"Di ako nakahubad kaya tumingin ka sa akin kung kinakausap mo ako" -DMS

HUWAAAW. Kaya maraming nagkakandarapa sayo. Gwapo nga naman talaga si Dao ming Si, at swerte ko lang naman at ako ang napili niya.

"Oh bakit? Na star stack ka ba sa abs ko? Sa kapogihan ko? Aminin mo na kase?-Dms

"A-ano?? Baliw ka ba? Ano ba pinagsasabi mo, at isa pa, magbihis ka na nga, ang pangit ng katawan mo eh, at isa pa, hindi star stack, Star struck, mag-aral ka nga! "- SC

"Kumain na nga tayo, saan na ba hinanda mo? Gutom na ako eh, takam na takam na akong kumain, nakakapagod ang biyahe" - dms

"Magbihis ka kaya muna, hindi ka ba nilalamig? "- SC

Niyakap ako ni dao ming si ng walang alinlangan, damang dama ko ang init ng katawan niya kahit bagong ligo siya.

" hindi naman ako nilalamig, total, kumportable ako sa ganito" -DMS

Aaminin ko, natuwa ako sa ganito. Namiss ko ang mga panahong ganito kami ni ah si, mga panahong alam naming kaming dalawa lang, na walang ibang tao sa mundo kundi kami lang, kung noon, nilalabanan ko ang damdamin ko sa kanya , ngayon, buong puso ko nang pinagsisigawan sa mundo na mahal na mahal at gustong gusto ko siya.

At balang araw, darating rin ang araw na pinakahihintay naming dalawa, ang aming kasal.

Meteor Garden Three: Ultimate Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon