Chapter 22

23 4 1
                                    

Hello everyone!

Sorry for not giving you updates about the story of Jolina and Carl, been busy lately. Hopefully, I can upload more chapters soon, so please hold on and thank you!

For now, here's an update for you.  Please don't forget to vote and follow!

Enjoy your reading!

***********************************************************************

JOLINA'S POV

Magmula sa bahay hanggang sa daan wala kaming kibuan ni Carl. Past 2 na kami nakaalis sa bahay kaya alam ko gutom na 'to. Pero wala akong narinig na kahit na anong reklamo dito. Tahimik lang siyang nagmamaneho.

"Uhmn! Gusto mo bang magdrive-thru muna tayo?" Tanong ko.

Pero iling lang ang sagot nito.

Hmp! Ang arte! Ako na nga 'tong concern sa kanya. Kinausap ko na nga pakipot pa! Bahala kang magutom dyan! Inis na naisip ko.

Hindi na ulit ako nagsalita.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila ni Sean but it seems serious para maging concern siya sa akin ng ganoon. I wouldn't even find out na friend pala sila dati if he didn't spill it out earlier.

Their story is intriguing me pero ayoko ng pag-usapan pa kaya hindi na ko nagtanong. Isa pa parehas kaming naiipit ni Carl. Ako sa kanilang dalawa. Siya sa akin at sa kagustuhan niyang protektahan ako...

Oops! Alright hindi para protektahan ako.

But whatever it is. Thank you na lang! Because I don't see Sean as what Carl seems to think about what he could do to me.

Maya maya pa kumanan ito sa isang drive-thru.

"Akala ko ba ayaw mo kumain." Tanong ko sa kanya.

"Hindi para sa 'kin. Para sa 'yo." Matipid na sagot nito.

Parang gustong ngumiti ang labi ko sa narinig ko.

May puso din naman pala ang unggoy na 'to. Naisip ko.

Nagbuntong hininga ako para iwasang mapangiti.

"Hindi naman ako nagugutom. Ikaw ang iniintindi ko kanina ka pa kasi nagda-drive. Alam ko namang mahilig kang kumain."

"Usually, kasi kumakain ka ng ganitong oras kaya naisip ko baka gutom ka na, galit ka lang kaya hindi ka nagsasalita." Sabi ko sa kanya na hindi tumitingin sa mga mata niya.

Biglang parang matatawa ang reaksyon ni Carl pinigilan niya lang mapangiti by covering her lips with the back of his fist.

Then he opened his window side to order for the both of us.

Hindi niya na 'ko tinanong sa food na gusto ko. Basta na lang ito nag-order ng pagkain para sa 'kin.

Pagkalampas namin at habang naghihitay sa pila sa cashier bigla itong nagsalita.

"Gutom ka lang gagamitin mo pa 'ko." He blurt out smiling.

I was annoyed instantly and shook my head. Pero 'di ko na siya pinatulan.

"Pero thanks! Naisip mo 'ko." He said smiling before making his first bite.

"Pero wait! How did you know about my eating habit? Bihira naman tayong magkasama sa bahay."

I rolled my eyes at him but did not say a thing.

"Ini-stalk mo ko 'no?" He nudged me and I just pushed him away.

One RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon