Chapter Seven

59 1 1
                                    


Patuloy padin ang pag dating ng mga bisita at kung hindi  ako nagkakamali ay galing sila sa mga mayayamang angkan at ang iba ay business partners ng Lee.

What a powerful family.

Umupo kame sa table malapit sa fountain at nag hintay na mag start ang program hanggang sa mapako ang mata ko sa dalawang taong umakyat ng ng stage at nasa  likuran naman si  Jake na makikita mo sa kanyang mukha na bored siya.

"Good evening ladies and gentlemen.. I'm so happy that your presence are here to celebrate the 20th birthday our son Jake Lee let's have a toast everyone" sabi ng matandang lalake kung di ako nag kakamali ay ang Dad niya.

Hindi ko maintindihan pero kapag tumitingin ako sakanila parang  meron akong gustong maalala dahil sa masyado silang pamilyar saakin.

"Ayos kalang ba?" Mahinahong tanong saakin ni Steven.

"Oo ayos lang ako don't worry about me" sabi ko sabay  ngiti.

"Gosh! masyado namang protective tong si  Steven" sabi ni Glezel sabay  roll ng eyes na ikinatawa naman namin.

Nagpatuloy ang program at halatang  nagkaka siyahan ang lahat.

"Sh*t! Bakit ngayon pa" padabog na ibinagsak ni Steven ang kanyang kamay sa lamesa.

"Bakit anong nanyari?" Nag aalala kong  tanong.

Halata sa mukha ni Steven na na mumutla siya na parang  hindi  alam ang gagawin.

"Guys,Andrew may emergency sa bahay kailangan ko nang umalis" bakas sa boses  ni Steven ang masyadong pagka  taranta.

Agad itong tumayo pero pumunta muna ito saakin.

"Andrew pasensya kana di na kita maihahatid sorry talaga"

"Ayos lang yun Steven  magpapa hatid nalang ako kay Anthony"

Tinignan ko naman si Anthony at alam kong  wala iyong  problema sakanya.

Nag tanguan naman sina Anthony at Steven at binitiwan  ni Steven ang kamay ko at nag madaling umalis.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero may parte saakin na habang tinitignan siyang  lumalayo ay gusto ko siyang sundan at yakapin ng mahigpit. Napailing nalang ako saaking sarili.

Maya maya  pa ay may mga nag perform na hanggang sa  mapunta sa mga birthday  message at wishes.

Nakakaramdam na ako ng hilo dahil sa medyo madami dami nadin pala aking nainom. 

Nagpatuloy ang pag bibigay ng mga birthday wishes hanggang sa tinawag ang pangalan ng isang lalakeng di ko inaasahan.

"Ok hindi naman magpapahuli para mag bigay ng birthday wish ang kanyang handsome kuya let's give around of applause to young master Terrence Lee!" Sigaw ng MC

A-ano? Kuya ni Jake si Terrence Lee? Bakit hindi  ko ba yun naisip magkapareho sila ng epelyedo hindi  malayong magkamag anak sila at worst part magkapatid pa sila.

Nag simulang umakyat si Terrence sa stage at kinuha ang mic sa MC napaka gwapo niyang tignan dahil sa suot niyang tuxedo.

"Good evening ladies and gentlemen" bungad niya habang tumitingin sa paligid seryoso ang mukha nito at di manlang kakikitaan ng pag ngiti.

"First of all di ko alam anong sasabihin ko to my special little brother, pero bro I just want to say happy birthday sayo.. Alam kong medyo stubborn ka at spoiled brat" sabi nito na ikinatawa ng maraming bisita at kahit ako ay di ko mapigilang mapangiti.

"But I'm very thankful that I become your kuya... I love you little bro" sabi nito sabay   yakap sa kapatid. Hindi ko alam pero parang  dinudurog ang puso ko ng makita  ko si Jake na yakap yakap ang kanyang kuya habang umiiyak.

Tinignan ko si Angel at Shen na umiiyak habang si Glezel naman ay parang  nag pipigik naman ng kanyang iyak.

"O wag munang pigilang umiyak maganda ka padin" sabi ni Anthony na halatang  nagbibiro.

"Tse! Mumurahin kasi tong eyeliner ko na MAC kaya  para akong maiiyak" sabi nito sabay  irap.

Napailing nalang ako ng ulo.

Natapos ang program ng gabing yaon at napag disisyonan na naming umuwi hindi  na namin nakausap si Jake dahil madami siyang kinakausap na mga bisita.

Inalalayan ako ni Anthony na makapag lakad dahil sa halos hindi  na ako makalakad sa kasingan.

Papunta na kameng parking area ng may biglang may humablot saakin palayo kay  Anthony.

"Ako na ang mag hahatid sa kanya" mariin  nitong sabi.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil halos doble na ang aking paningin at nakarinig ako ng mga hakbang papalayo saamin.

"Hoy! Seno khaba! Betewan monga ako hende pa ako lasheng!"

Nakaramdaman ako ng may bumuhat saakin.

"Keep your mouth shut" sabi nito at tuluyan na ako nawalan ng malay.

_______________________________
Hi guys I hope nagustuhan niyo ang chapter na ito don't forget to VOTE ha salamat Mwuaaaaah

Our Broken Walls (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon