Cx's POVGaya ng inaasahan narating ko ang MCU ng mabilis dahil maluwag ang daan. Binilisan ko ang paglalakad dahil nag babaka sakali akong maabutan ko si Zaleah.
Sinadya kong dumaan sa room nila upang masilayan sya. Nagdahan dahan pa 'ko sa paglalakad at kung may anong kaba akong nararamdaman.
'Zaleah, look what you made me do'
Kanta ni Taylor Swift yan. Shout out kay Ate Micah idol nya yan. Continue reading labsss: *
Hindi naman ako nabigo at nakita ko syang nakatayo sa may harap ng pisara. Hindi nya pa rin suot ang uniporme nya ngunit bagay naman sa kanya ang suot nya ngayon.
Nagulat ako ng lumingon sya ngunit nasisiguro kong hindi nya ko nakita. Lumihis ako ng daan kung saan hindi ko madadaanan ang pinto upang makaiwas. Nakita ko syang lumabas ng room nila atsaka nag dire-diretso sa paglalakad.
'Saan naman kaya to pupunta? Sabagay napaka aga pa nga naman at wala pa 'ng mga kaklase nya doon'
Nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanya. Dahil nga masyado akong magaling eh di nya ko napapansin. At isa pa hindi sya lumilingon na animong walang pakialam sa mundo.
Natinag naman ako ng huminto sya sa harap ng library atsaka pumasok doon. Naghintay na muna ako ng mga limang minuto bago pumasok upang makasigurong naghahanap na sya ng libro at hindi nya ako mapapansin.
"Good morning" bati ko doon sa librarian. Hindi ko na hinintay na makasagot sya. Naghanap na din ako ng librong pwede kong basahin ngunit wala akong nagustohan. Awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Zaleah. Napangiti naman ako ng makita ko syang naglalakad sa kabaligtaran ng pwesto ko ngayon.
'Nakakatuwa syang tingnan'
Huminto sya atsaka nag tititihin, batid kong may gusto syang abutin na libro ngunit hindi nya maabot. Lalapit na sana ako sa kanya ng maunahan ako ng isang babae. Matangkad sya, siguro'y hindi sya transferee dahil naka uniform na sya. Napamaang naman ako ng maisip kong sayang ang pagkakataon na iyon.
Sandali pa silang nagka-usap atsaka naghanap ng mauupuan. Sinundan ko naman sila. Pinili kong maupo kung saan malayo sa kanila ngunit matatanaw ko naman. Nagsimula silang magbasa pareho. Nakakamanghang tingnan ang mukha ni Zaleah dahil halatang interesadong interesado sya sa librong binabasa nya.
Mangangalahating oras na simula ng pumasok ako dito. Naiinip na ako kaya napagpasyahan lumabas, sumulyap na muna ako sa kanya at napangiti naman ako nito. Pumunta ako sa canteen upang bumili ng bottled water, natigilan naman ako sa pag inom ng makita ko 'yong babaeng kasama ni Zaleah kanina. Nag madali akong pumunta sa Library upang maabutan sya ngunit hindi ko na sya nakita. Pumunta ako sa table nila kanina at may napansin akong panyo na nasa sahig. Pinulot ko ito at saka binuklat, may kung anong tuwa akong naramdaman ng mabasa ko ang pangalan na Zaleah. Nakatahi ito doon at nakakasiguro akong kanya yun.
'Ano kayang gagawin ko dito? Gusto kong itago pero gusto ko din itong isauli sa kanya upang magkaron ako ng dahilang makausap sya'
Napagpasyahan ko itong isauli, pumunta na muna ako sa canteen at nakiusap ako sa tindera doon na labhan ito at kung maaring bago mag break eh matuyo na. Pumayag naman ang tindera dahil gwapo daw ako. Tsk tsk tingnan mo nga naman ang nagagawa ng kagwapohan haha.
"Good morning Teacher"
"Good morning class. Take your seats" utos ni Teacher Fadejo.
Saka naman kami sabay sabay na umupo. English teacher namin sya at aaminin kong hindi sya boring mag turo at hindi din naman nakakaingganya.
"So todayyy we are goin' to have ey quiz"

YOU ARE READING
He's Mine Until I Die (On Going)
RomanceShe's weird. She's Young. She's Dumb. Not Broke. He's Cool. He's Cute. He's Kind. Not Strong.