-AYI’S POV-
Nakakahiya pala yung nangyari ngayong nagdaang linggo. Heto nga pala ako sa kwarto ko habang nakahiga at nakaharap sa kisame, dahil ang bagal magload ng internet namin. Nga pala sa pinapasukan ko pong school 6 years ang highschool bale 4th nga pala ako. Mas gusto nila mama na dun ako pag aralin dahil advance daw tsaka para daw di ako mahirapan sa college.
Habang nagtitingin ako sa news feed may nakita akong post na may nakalagay na count 1-10 tapos magwish daw ako at magkakatotoo. Kahit di ako naniniwala sa mga ganun nagbilang ako at nagwish na sana magkaroon ako ng kaibigan, di ito ang unang beses na nagwish ako. Siguro pangalawa na to, sana marinig ni God.
*****
-AYI’S POV-
Hayst. Ang boring magturo ni ma’am nakakaantok! Ito kayang katabi ko na si Kaide di kaya to inaantok?
Tinignan ko siya at nung tumingin din siya sa akin tumingin na lang ulit ako sa board.
“Ok Class, I want you to get a 3 ¼ sheet of paper, then itupi sa gitna at gupitin ngayon meron na kayong anim na paper. Now, isulat niyo ito sa bawat isang papel : I want you to.., You deserve.., It being joy to me.., Tell me.., Why you are.. Ngayon pumili ng anim niyong kaklase na pagbibigyan niyo nyan. Pwede kahit sino basta anim at tinuan niyo Section B! Pag ako may nakitang nakalagay na bastos dyan.. ididikit niyo yan sa notebook niyo.. Ok start now!!”
Sinu sino naman ang pagbibigyan ko nito? Aaargh!! Nilibot ko ang tingin ko sa mga kaklase kong mga nagsusulat na. Ah! Si Gill na lang.. Sino pa ba? Habang nililibot ko ang tingin ko nagkatinginan kami ni Russel at di lang yon sabay pa kaming umiwas. AHA!! Sabi naman ni sir kahit ano pede sabihin, bahala na. Sino pa ba, ah ito na siguro ang pagkakataon para itanong kay Myka, *GULP* Sino pa? Si Louie na lang, tapos si… Kaide na lang din..
[Gill—It being joy to me if I’m with you.]
[Russel—Why you are staring at me?]
[Myka—Tell me, are you angry to me?]
[Louie—You deserve being on 1st honor..]
Yung kay Kaide na lang Sheeez!! Wala akong maisip..
“Okay class! FINISH??” tanong ni Sir
“NOT YEEEET!!” sigaw nila
Ano ba pwedeng sabihin kay Kaide? Argh nasulat ko na kasi pangalan niya, aha yun na lang! Pwede naman eh..
“OK! FINISH OR NOT!! IBIGAY NIYO NA YUNG MGA SULAT NIYO..”
Nagkagulo naman kaagad, una kong binigay yung kay Louie..
“Louie..” sabay abot ko sa kanya nung sulat at agad niyang binasa
“Thank you.. hehe, hiya ako haha..” sagot niya habang nakangiti at kinakamot yung batok niya tapos kinakantyawan naman siya ng mga kaklase naming dahil siya nga yung top 1.
Sino naman ang susunod? Si Gill.. Pinuntahan ko desk ni Gill at nakita ko siya na nakayuko sa desk, siguro puyat..
“Gill..”
Hindi pala siya tulog naboboredlang siguro, kinuha niya yung papel at binasa..
“Weeh? Kala ko nga galit ka sa akin kasi 1st time mo napagalitan, haha.. Kilig ako haha, thank you.. Nawala antok ko haha, may sulat din ako sayo wag kang magalala nasa desk mo na..”
“Di naman ako nagaalala eh..” pilosopo ko sa kanya habang nakangiti
“Baliw! Geh na pagbigyan na nga.. Hahaha!”
“Geh..”
Maya na ko babalik bibigay ko muna tong letters.. Mga nagbibigayan pa din yung mga kaklase ko.
Sino pa ba? Si Russel.. Pinuntahan ko siya sa desk niya, nakikipagusap siya kay Kenric ..
“Russel..” tapos binigay ko na , tapos siya naman nakangiti pati na din si Kenric. Pero iba yung ngiti ni Kenric, parang inaasar si Russel. Ewan, pumunta na lang ako kay Myka na nagsusulat, para kong kinakabahan. Teka nga, bat ba ako kinakabahan ibibigay ko lang namn to kay Myka, anong nakakakaba doon? Haayst..
“Myka..” huminto siya sa pagsusulat tapos tumingin sa akin.. tapos kinuha yung papel at binasa. Pagkabasa niya ay nagsmirk lang sa akin. Yung mukha niya parang di makapaniwala, hay ewan..
Lastly, si Kaide. Hays bat ba di ko pa kanina binigay to kay Kaide eh katabi ko naman siya.
Binigay ko sa kanya tapos binasa niya, tapos tumingin sa akin at umiwas ulit. Suplado. Ay maalala ko nga pala yung binigay ni Gill. Pero teka, bakit 4 to? Kala ko si Gill lang ang magbibigay ng sulat sa akin, sino pa kaya tong 3?
[Ayi—I want you to express yourself to us, or just to me XD]
Napatingin ako kay Gill, nakathumbs up siya, tapos nginitian ko na lang siya at binasa pa yung tatlo.
[Ayi—Tell me if you have a problem, I’m always here..]
Napatingin naman ako ngayon kay Russel na tinitignan yung mga sulat sa kanya.
[Ayi—It being joy to me if you remove the cover ;)]
Ha? Di ko maintindihan yung letter sa akin ni Myka, Tinignan ko siya at nagsusulat pa din siya. Siguro gumagawa ng assignment. Di ko gets, slow po ako ih.. Di bale na nga.. Bukod sa mga nagsulat sa akin sino pa kaya ito? Eh wala naman na akong kaclose eh. Binasa ko at nilingon ko yung katabi ko na kanina pa pala ako pinagmamasdan. Ngumiti siya ng bahagya at nagsalita..
“Kita na lang tayo mamayang uwian.. May sasabihin ako.”
“Bakit? Di ba pwede ditto?”
“Pwede, kaso.. ayoko, nitatamad ako eh.. Geh, tulog muna ako.”
Akalain mo yun, natupad yung wish ko… Thank you po LORD!! I LOVE YOU!! Ngayon sa eskwelahan na ito meron na akong 2 kaibigan si Gill at Kaide.. Thank you po talagaaa…
****
-AYI’S POV-
Habang hinihintay ko siya na lumabas paulit ulit kong binabasa yung sulat niya kasi ngayon lang may gustong makipagkaibigan sa akin simula kasi nung nagsecond year ako wala na kasi di daw ako naimik, eh nahihiya po kasi ako eh.. Akalain mo yun, pareho kami ng nakalagay sa letter..
Ano naman kaya ang gusto niya? Bakit kaya di na lang sa room sinabi? Bakit kailangan sa labas pa?
Maya maya lang nakita ko na siya na lumabas ng room , dahil cleaner nga siya ngayon.
“Sundan mo ko..” sinabi niya ng di man lang tumitingin sa akin
Huminto kami sa may likod ng computer shop.
Ano ba yan.. Nakakatakot..
“As what I’m saying.. before.. I mean.. Arghh!!”
Wow, englishero pala si Kaide..
“Kaibigan na kita ha..”
“FOR REAL?!” ayan tuloy napapaenglish na ako, pero totoo ba?
“No.. For fake..”
Ha?!
Whatda? Makikipagkaibigan pero for fake naman.. Ano nmn ang sense nito? Akala ko pa nmn may kaibigan na ako sa eskwelahan na ito..
“Para san pa at gusto mo kong maging kaibigan? For fake nmn pala..” medyo di na ko nahihiya kasi tahimik din naman siya.
“Aish! Advantage to , may kaibigan ka na palagi mong kasabay tuwing break time, partner tuwing group activity, kasama tuwing free time at d na tayo matatawag na loner. Kaya nga lang I don’t want you to be my friend.. It’s not that, I hate you.. Ayoko lang na magmukhang tanga sa paningin ng iba at msabihan na loner. We’re not friends.. we’re just..”
“Just..?” may pagkacurious kong tanong
****
BINABASA MO ANG
Loners Kami Eh, Bakit Ba?
Ficțiune adolescențiMeet Ayi Atienza, isang loner na gustong magkaroon ng kahit isang kaibigan. Pero paano kung isang selfish, weird, masungit, cold at USER na Kaide Dela Pena ang maging kaibigan niya? Lalalim pa kaya ang relasyon nila o mananatili silang Loner?