ANDREW'S POV
Unti-unti kong minulat ang aking mata at bigla ako napahawak sa ulo sa sobrang sakit wengya! Ang sakit! Sabi ko sa isip ko...
Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto ,alam kong wala ako sa condo ko dahil ang huli kong natatandaan bago ako malasing ay nag pahatid ako kay Anthony kaya malaki ang posibilidad na nasa condo niya ako... 'Tsk tsk grabe pala ako malasing'
Nilibot ko ang mga mata ko para mag usisa sa mga gamit sa loob ng kwarto. Kung titignan masyadong plain ang kwarto ni Anthony bukod sa puting kulay ng pader, Flat screen TV sa harapan at drawer . Di ko inaasahang ganito pala ka simple si Anthony .. wew.
"Buti namat gising kana" halos mapalundag ako sa sobrang gulat ng may nagsalita at agad naman akong humarap.
Akala ko si Anthony ang nag salita pero laking gulat ko kung sino ang nakita kong lalakeng naka sandig sa pintuan na naka poker face na halos ikalaglag ng panga ko .
"Kung tapos kanang matulala pumunta ka sa kusina ng makapag umagahan ka" Sabi nitong halos walang emosyon sabay talikod.
'WTF!! SI TERRENCE LEE'
Nag madali akong lumabas ng kwarto at naabutan kong nanonood ng TV si Terrence habang prenteng naka upo sa sofa.
Masyado akong kabado kaya dahan dahan akong lumapit sakanya, bawat hakbang ko pinag papawisan ako ng malimig 'shit bakit ganito ang presensya niya'
Akma sana akong magsasalita ng bigla siyang nag salita
"Are you hungry?" Sabi nito saakin sabay harap . Napa lunok ako at halos pautal utal kong mag salita 'bat ba kasi ako andito'
"Ahh me-medyo" sinampal ko ang sarili ko sa aking isip masyado yatang halatang kabado ako.
"I see ok let's eat" Sabi nito sabay tayo at pumunta sa kusina agad naman akong sumunod sakanya.
Naupo ako ng maayos at magka harap lang kame tinignan ko ang pagkain at medyo natakam ako
Mayroong hotdog,pritong itlog at bacon. Habang kumakain nag hahanap ako ng tyempo para mag tanong kung bakit ako andito."Ahh pre bat ako andito" kabado Kong tanong sakanya na agad namang kina kunot ng kanyang kilay na mas lalong nagpa dagdag ng kabang nararamdan ko.
"You're drunk last night at ganon din ang mga kasama mo that's why ako na ang nag malasakit na ihatid ka but the problem is di ko naman alam saan ka naka tira that's why I brought you here sa condo ko" mahaba niyang paliwanag..
Nahiya naman ako ng sobra dahil sa sobra kong kalasingan ay napadpad pa ako sa mismong condo niya..
"Thanks pre kung ganon... Ahh ako pala si Andrew" mahinahon kong sabi ..
"Yeah I know who you're just continue eating and shut the fuck up"
Halos tumidig ang balahibo ko dahil sa pagkaka sabi niya Ewan ko ba pero bigla nalang akong nawalan ng gana meron ba akong nasabing mali?
Uminom ako ng tubig para pakalmahin ang nerbyos na nararamdaman ko sabay tayo.
"I'm done eating thank you pala and pasensya nadin kung naabala pa kita pre well I have to go" mahinahon kong pagkaka sabi akma na sana akong aalis ng biglang magsalita si Terrence.
"Stay" isang salita pero halatadong may diin.
"Hindi na pre uuwi.." Di ko napag patuloy ang pagsasalita ko ng marahas nitong ibinaksak ang kutsara at tinidor sa plato.
'Seriously?? Anong problema ng taong to saakin?'
"Uuwi ka ng boxer ang suot? Are you nuts?" Sabi nito na may halos pagka inis ang boses.
Kahit ako naiinis nadin sa inaasal ng taong to pero di dapat ako mag padala dahil malaki din naman ang naitulong saakin I should be thankful sakanya kung tutuusin.
"Sige pre pasensya ma magpapa sundo nalang ako sa kaibigan ko" mahinahon kong sabi.
"No Ihahatid na kita sa inyo"
"Hindi na pre ayos lang...."
"No buts I insist" walang emosyon nitong sabi ..
"And you're not done eating yet halos walang bawas ang pagkain mo sit and continue eating"
Hindi na ako umimik kaya umupo nalang ako ulit at pinag patuloy ang pagkain.
Wala kameng imikan hanggang sa matapos ang pagkain namin hindi talaga naging komportable.
Naupo ako sa sala habang hinihintay si Terrence na matapos maligo dahil ihahatid nanya ako sa condo ko sa totoo lang ay nahihiya akong magpa hatid sakanya dahil kung tutuusin masyado ng malaki ang atraso ko sakanya.
Lumabas si Terrence sa kwarto at halos mahulog ang panga ko sa sahig sa sobra niyang ka gwapuhan naka suot ito ng leader jacket at black na pantalon at mamahaling sapatos. Di ma pagkaka ila na galing siya sa isa makapang yarihang pamilya pag dating sa mundo ng negosyo.
Biglang nagsalita so Terrence na nagpa balik saakin sa realidad
"Isuot mo to" inabot saakin no Terrence ang isang T-shirt at pantalon , nag aatubili akong kunin ang mga yun pero alangan namang lumabas akong naka boxer ano nalang ang iisipin ng mga tao.
Agad kong kinuha ang mga yun at nag madaling pumunta sa kwarto para mag palit.
Ng matapos akong mag palit ay agad akong lumabas ng kwarto at nadatnan si Terrence na naka upo sa sofa wala naman itong iba pang sinabi at tumayo nalang ito at lumabas kame ng condo niya.
Tahimik lang kame sa byahe dahil wala naman kameng dapat pang pag usapan pa alam din naman ni Terrence kung saan ang condo ko dahil familiar naman ang lugar.
Nang maka rating kame ay agad akong lumabas ng sasakyan at nag pasalamat .
"Ahh pre salamat..."
"Anong floor ang condo mo ihahatid na kita"
Nabigla ako sa sinabi niya dahil pwede naman na akong mag isang pumunta sa condo ko ..
"Wag na..."
"Stop complaining"
Di ko ba alam bat ganito siya mag salita saakin o mayroon ba akong nagawang kasalanan sakanya, galit basya saakin dahil sa naistorbo ko siya?
Nagulat nalang ako ng biglang lampasan ako ni Terrence at pumasok ng building agad ko naman siyang sinundan.
Wala kaming imikan hanggang sa makarating kame sa pintuan ng condo ko.
"Pre salamat ulit" malumanay kong sabi .
"Sa susunod wag kang magpapa kalasing kung di ko naman kaya" sabi nito na halatang naiinis
Inabot niya saakin ang isang supot na akin namang pinag taka.
"Yan ang suot mo kagabi"
"Salamat ulit pre..."
"Stop calling me pre dahil di naman tayo mag kaibigan" nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya at agad naman itong tumalikod nang hindi manlang nag papa alam.
Pumasok ako sa condo ko at agad na ibinagsak ang katawan ko sa kama.
"Terrence"
Sabi ko sa sarili ko at nag buntong hininga.
________________________
Hi guys kamusta kayo hehe request nalang ako na please vote and comment nadin salamat
BINABASA MO ANG
Our Broken Walls (boyxboy)
De TodoTerrence POV "Before you came my life is a living hell but know you're here everything has changed you're my life and my salvation..... I love you so much.....Andrew"