Chapter Seven

30.3K 676 12
                                    

Ruth straighten his legs when he heard some commotion outside the library. Pero bago siya tumayo ay nagawa pa niyang lingunin ang oras. Pasado alas siyete na ng umaga! Fuck!  Hindi na siya nagtataka kung bakit masasakit ang katawan niya. Nakatulog siya sa swivel chair.

Ginala niya ang paningin sa paligid. The living room is empty. No one was there. He headed to the kitchen, hoping that Shiela was there, preparing breakfast for both of them. Pero hindi niya maunawaan ang kaba na nararamdaman niya. Tinakbo niya ang silid nito pero bakante na 'yon. Shit! Naisip niya baka nilayasan na siya nito. Baka nakakaalala na ito. No...

Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas ng bahay. Saktong pasakay na siya sa drivers seat ng makarinig muli siya ng ingay. But this time sa gilid ng bahay niya iyon naririnig. Lumayo siya sa Land Rover at marahang lumakad sa gilid ng bahay. He saw a garden tool, dinampot niya iyon. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.

He counts One to Three bago siya sumungaw sa likod bahay. At natigilan siya when he saw Sheila's happily playing with ----dog? Kailan pa sila nagkaroon ng aso? It's a Great Dane with black and white color. It's probably, One hundred and sixty pounds base sa nakikita niyang laki nito. Nakaluhod sa harapan nito si Sheila. "Do you like a snack?" He heard her asked.

Tila nakakaunawang tumahol ang aso. But the dog hunkered down the Marmol bench and barked at him. Doon napalingon si Sheila. "Trey!"

Tinatahulan siya ng aso. But Sheila has the control. The dog pushed his big head against Sheila's leg and she rubbed his neck. "He's my husband, small. Say hi to him."

Kumunot ang noo niya. "Small?"

Sheila smiled. "That's his name." Ani nito habang nakaturo ang kamay sa leeg ng aso na may silver plated medal na may nakaukit na pangalan nito.

"Kind of weird." He said while shrugging his shoulder. "He doesn't look small."

Tumawa si Sheila. A smile that almost break his head last night. Mga ngiti na ilang beses niyang niwawaglit sa isip. "Siguro iyon talaga ang ipinangalan sa kanya. Kabaliktaran ng Big."

"Saan mo nakuha 'yan? Did you leave? Saan ka galing?" Hindi niya maiwasang sunod sunod na itanong.

"Easy." She smiled again. Tila walang masamang panaginip na nangyari dito kagabi dahil sa sobrang aliwalas ng mukha nito. "Nagpapahangin lang ako dito kanina ng makita ko siya. Kaya sinundan ko siya ng tumakbo. May bahay ilang metro ang layo dito. Doon banda sa kanluran. Mukhang taga roon itong si Small." She explained.

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo na dapat siya sinundan!" Nabigla siya sa biglang pagtaas ng tinig niya.

"B-Bakit ka galit?" She looks like an innocent little child, lalo na ng bahagyang nalukot ang mukha nito at nagbabadyang umiyak.

"I'm sorry." He said and he gently wiped her tears away. Damn! He doesn't like this feeling. "Hindi mo kabisado ang lugar na ito. Hindi ka dapat basta nagtitiwala sa kung ano ang nakikita mo."

Nawala ang gusot sa mukha nito pero napalitan ng malamnan na mga mata. Mga mata na tila napakaraming tanong. "Kailangan ba ganoon? Kailangan ba wag magtitiwala agad? Paano mo malalaman na katiwa-tiwala ang isang tao kung di mo susubukang pagkatiwalaan siya."

Sapol. Tila may tumarak sa kanya. "Iba nag ibig sabihin ng magtiwala sa tao at sa paligid. Ang sakin lang, wag kang basta basta----Mawawala sa p-paningin ko." He said.

He doesn't like this feeling, pero mas lalong hindi niya gusto na nag aalala siya ng labis labis dito.





To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon