Chapter 21

28 4 0
                                    

Hi guys!

Here's another update for you.  Please don't forget to vote and follow!

Enjoy your reading!

***********************************************************************

At dahil sa pangyayaring iyon nagsimula na namang umiwas ang dalawa sa isa't isa.

Maagang umaalis ng condo si Jolina at nagko-commute sa tuwing papasok ng eskwela.

Maaga rin ito kung dumating ng bahay at nagkukulong kaagad ng kwarto pagkatapos makakain ng hapunan bago mag alas sais ng gabi.

Si Carl naman madalas ay gabi na kung umuwi kaya madalas ay mahimbing na sa pagkakatulog si Jolina sa tuwing darating ito.

It was Sunday morning kaya tanghaling gumising si Jolina para magahanda ng agahan. Late na rin kasi siyang nakauwi.

Nagtatali pa ito ng buhok habang papalabas ng kwarto nang isang babae ang lumabas mula sa kwarto ni Carl.

"Oops! Hi cousin! Remember me?"

Nakatingin lang ako dito kaya muli ay ipinakilala nito ang sarili sa akin.

"I'm Aubrey by the way." Bati nito sabay lahad ng kamay sa dalaga.

Napatitig si Jolina sa kamay nito bago unti unting inabot ito at saka nakipagkamay.

"Y-yes, I remember you." Matipid pa itong ngumiti.

Isang matipid na ngiti ang iniwan niya rito bago tumalikod.

Pagkatapos magluto ng agahan ay sumandok lang ito ng pagkain at nagsalin ng tubig sa isang mataas na tumbler at pagkatapos ay pumasok na ito ng kwarto.

Ipinatong niya ang pagkain sa side table at nang maupo ay nagsimula kaagad itong sumubo.

Pero maya maya lang ay sunod sunod na ang pagpatak ng mga luha nito.

Padabog niyang pinahid ang mga luha pisngi.

Tumingala ito at saka bumuntong hininga.

"Oo na! Wala kaming pagmamahal sa isa't isa! Kung tutuusin, bwisit na bwisit nga kami sa isa't isa! Pero nakakainsulto pala ang ganito!" Sabay pahid na muli ng pisngi nito.

"Kung bakit naman kasi napasok pasok ako sa ganitong sitwasyon! Hayyy! GRRR!" Nanggigil na sabi nito sabay sunod sunod na sumubo ng pagkain.

Nang matapos ito ay namumugto ang mata nitong lumabas ng kwarto bitbit ang pinagkainan.

Siya naman ding labas ni Carl mula sa sariling kwarto.

Sandaling nagkatitigan ang dalawa. Pero si Carl casual na binawi ang tingin mula sa kanya.

Dumiretso naman kaagad si Jolina sa kusina at saka naghugas ng mga platong pinagkanan niya. Sumunod si Carl sa kusina pero wala kahit isa sa kanila ang nagsalita.

At nang matapos siya ay napansin nito ang pagiging uneasy ni Carl na parang gustong lumapit nito, kaya nagmamadali siyang pumasok ng kwarto.

At mula noon isang buong linggo na namang wala silang imikan sa isa't isa.

Nang dumating ang Biyernes, ay hatinggabi na dumating si Carl mula sa pagba-bar.

Kaya kinabukasan ay tanghali na itong nagising.

Pupungas pungas na lumabas ng kwarto si Carl para mag-almusal.

Nagulat pa ito nang makita si Jolina na nakayuko sa sahig at bina-vacuum ang ilalim ng mga sofa.

One RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon