Chapter 5

974 29 0
                                    

ARA POV

"Babay." sambit ni Ara ng nakangiti habang kumakaway sa pamangkin at ito din naman ay kumaway sa kanya.

"Una na kami, Vic. Kita na lang tayo sa Pinas." ani ng Kuya ni Ara na pagkatapos nyang isarado ang pinto na passenger seat. "Pasensya na hindi namin alam na dito din kayo nag-stay sa Japan."

"Okay lang, Kuya Jun. Ano naman ba yung two days e magkasama naman kami ng three days dito." ani ni Dennise na nakatayo sa kanang bahagi ni Ara at ngumiti lang si Jun bilang tugon.

"Oo nga we have two nights and a day pa dito." saad ni Ara

"Enjoyin nyo 'tong natitira mong honeymoon bago kayo magpakabusy at sumabak ulit sa training sa makalawa." saad ni Jun at tumango ang dalawa.

"We know, Kuya." saad ni Ara. "Kuya, ingat sa pagmamaneho ah. Gumamit ka ng lights pagliliko ka. Wag mo ding bilisan yung takbo mo. Pinapaalala ko lang yung mag-ina mo nasa harapan ah." bilin ni Ara at natatawa namang tiningnan sya ng kapatid. "Ano?"

"Para kang si Mama kung makabilin." saad ng Kuya nya at akmang babatukan nya 'to ng mapansin ang asawa na nakatitig sa kanya. Kaya kaagad nyang binaba ang kamay. "Under." bulong ng Kuya nya at biglang tumakbo papalayo sa kanya patungo sa driver's seat. "Una na kami, Vic! Den!" ani ng Kuya nya at tuluyan ng sumakay sa driver's seat saka pinaandar ang sasakyan.

"Ang hilig mo talaga sa bata Hon, 'no?" sabi ni Dennise at tumango naman si Ara habang tinitingnan ang asawa nyang nakatingin din sa kanya.

"Syempre. Pag may bata hindi mo ako tinatarayan." pabirong saad ni Ara ngunit mapait na ngiti lang ang ginanti ni Dennise at iniwas ang tingin. "May problema ba, Hon?" masuyong tanong ni Ara ngunit di umimik si Dennise na nakatingin sa malayo. "Hon. Are you okay? May masakit ba sa'yo?"

"Sa loob na tayo mag-usap." sabi ni Dennise at pumasok na sa loob ng tinutuluyang hotel.

~~~

"Hon?" tawag ni Ara habang nakasilip sa kwarto nilang mag-asawa saloob ng hotel na tinutuluyan nila.

Nakita ni Ara na nakaupo si Dennise sa gitna ng kama nila habang nakatingin sa kawalan kaya dahan-dahan syang lumapit dito at umupo sa gilid ng kama.

"Hon?" tawag ni Ara at tila natauhan si Dennise at nilingon sya. "What's wrong?" tanong ni Ara at nilagay lang ni Dennise ang kamay nya sa ibabaw ng kamay ni Ara.

Ipinailalim ni Dennise ang kamay at gamit ang hinalaki ay hinawakan nya ang singsing ni Ara na para bang nilalaro ito.

"Hon, please say something. May problema ba?" muling tanong ni Ara na nag-aalala para sa asawa. "Is this about the letter again?" tanong ni Ara ngunit tulad ng mga naunang tanong ay hindi sya sinagot ni Dennise bagkus ay kinuha nito ang kamay nya at tinangka nitong tanggalin ang wedding ring nya.

"Hon." sambit ni Ara sabay bawi sa kamay niya mula sa pagkakahawak ni Dennise para pigilan sa pagtanggal nito ng wedding ring nya. Ngunit bago nya pa 'to nagawa ang mahigpit na hawak ang ginawa ni Dennise sa kamay nya saka nagsalita.

"Akin na muna 'to so you can go find her." ani ni Dennise saka pinipilit na buksan ang kamay ni Ara, na ngayon'y naka-yukom, para hindi matanggal ni Dennise ang singsing nya. "Free yourself from any what if's and the pain of not seeing her again." dagdag ni Dennise habang pilit pa din na binubuksan ang kamay ni Ara. "I'm giving you your freedom. Kung babalik ka man sa'kin or hindi nasa sa'yo yun." sambit ni Dennise.

"I don't need freedom." sabi ni Ara na nakakunot ang noo habang nilalabanan si Dennise sa ginagawa nito. "You're all I need. If this is about the letter—."

"It's not about the letter." pagputol ni Dennise sa sasabihin ni Ara

"Is this about the baby?" tanong ni Ara at base sa ekspresyon ng mukha ni Dennise ay alam nyang ito nga ang dahilan. "Okay. Hindi ko na ipipilit na magka-baby na tayo. I'll wait until you want it too."

"I want it too pero..."

Napabuntong hininga lang si Dennise saka panandaliang itinigil ang ginagawa at biglang sinunggaban ng halik si Ara.

Sa una, dahil sa pagkabigla ay hindi agad tinugunan ito ni Ara, di kalaunan ay masuyong hinalikan ni Ara ang asawa. Pinahiga ni Dennise si Ara sa kama at nang maramdaman ni Dennise na nalulunod sa halik ang asawa ay saka mabilis nyang tuluyang tanggalin ang singsing nito sa daliri.

"Hon!" sigaw ni Ara at kukunin sana ulit ang singsing ngunit mabilis na nailayo ni Dennise ang sarili at umalis ng kama.

"Alam mo ba kung bakit ko pa talaga ayaw na magka-baby tayo?" tanong ni Dennise at umiling lang si Ara na bakas sa mukha nitong naguguluhan sa mga nangyayari. "Ayoko kasi na dumating yung araw na madagdagan pa ang what ifs mo once we decided to have a child of our own. Na baka once we had our kid, saka mo lang ma-re-realize na mahal mo pa din sya. What will happen to our baby then? Di ko kakayanin buhayin sya mag-isa."

"No. It's you whom I love." saad ni Ara at akmang lalapit ngunit lalong lumayo si Dennise. "Since the day I asked you out. Ikaw lang. I threw away my feelings for her before I married you." ani ni Ara at muling sumubok na lapitan si Dennise na hindi nanilalayo ang sarili kay Ara. "I love you, Den. And I will never leave you like you thought I will." sinserong saad ni Ara at hinawakan ang mukha ni Dennise gamit ang dalawang kamay.

"I know that you love me. Pero I know you loved her too. So much that I saw how broken you were. That's how I first met you di ba? You were crying your heart out nung una tayong nagkita." ani ni Dennise saka hinalikan ang palad ni Ara na hawak ang mukha nya.

Tinanggal ni Dennise ang palad ni Ara mula sa mukha nya at pumunta sa table lamp sa tabi ng kama at may kinuha mula dun. Inabot ni Dennise ang isang puting parisukat kay Ara at tinanggap naman ito ni Ara.

"Hon.." saad ni Ara ng mapagtanto na isa itong airplane ticket papuntang Korea.

"Please, do this. Not just for me but for the both of us." ani ni Dennise at hinila si Ara paupo sa kama kasama nya. "I want us to be free of the doubts of what will happen if you two saw each other again. Alam ko kahit hindi mo sabihin pero you too were scared na baka nga mahal mo pa din sya."

"I don't. I am sure the day I asked you to marry me." saad ni Ara pero iniwas lang ni Dennise ang kanyang tingin. "Okay." sabi ni Ara na halos pabulong at napatingin si Dennise sa kanya. "For now, keep my ring for me. I'll comeback worthy of it." ani ni Ara. "I'll find her. Talk to her. Then I'll come back to you with full of confidence na ikaw pa din." ani ni Ara at saka nilagay ang kanang kamay ni Dennise sa dibdib nya. "Ikaw lang at kahit kelan hindi magbabago yun." saad ni Ara

"Are you really...coming back?" ani ni Dennise na hindi na napigilan ang luha sa kanyang mga mata. "To me?"

"I will." saad ni Ara. "Wherever I may go in the future, I will always find my way back to you. That's how much I love you, Den. And it will stay that way till we're both old and grey."




171018-11011273

18Where stories live. Discover now