Hi, Mama and Papa

236 7 0
                                    

SHAN CAI's POV

Nakagising ako ng umaga na nakahiga sa mga balikat ni Dao Ming Si. Ang pakiramdam na kasama mo sa bawat paggising ang taong mahal mo ang nagbibigay sa akin ng lakas upang ipagpatuloy ang laban na ito.

Damang dama ko ang himbing ng tulog ni Dao Ming Si kaya hindi ko na siya ginising.

Sumulat ako ng note na nagsasabing:

" Di na kita ginising dahil alam kong pagod ka galing sa biyahe, uwi muna ako sa bahay, dadalawin ko lang sina mama at papa. Tawagan mo lang ako."

- Shan Cai

Naghanda na ako para umalis nang tumawag si mama,

" shancai anak? Kamusta ka na? Huhuhu miss ka na namin ng papa mo, kelan ka ba dadalaw dito ha?" - mama

" ma, wag na kayo umiyak, uuwi ako dyan ngayon. Kukuha lang ako ng mga gamit, sasamahan ko muna si dao ming si sa mansyon, inaalagaan ko po siya , bumabawi po ako sa mga oras na nawalay siya sa akin."

" naku anak,ang sweet mo naman, oh sige2, ipaghahanda kita ng makakain, dito ka na mag almusal ha? Andito pa si papa mo, sabay na tayo, basta bilisan mo lang ha? May trabaho pa ang papa mo."

"Sige mama, sige, babay"

" aah, shan cai? " - ante jade

" ay, good morning ante jade, alis muna ako, uuwi muna ako ng bahay, kukuha lang ako ng gamit, mamamalagi muna ako dito, babantayan ko si Dao ming si."

Napatingin lang sa akin si ante jade, akmang luluha siya nang nagsasalita siya.

"Masaya ako shan cai at pinakinggan mo na rin ang puso mo. At di mo rin alam kung gaano kasaya si young master. Salamat at pinapasaya mo siya"."

Di ko napigilan ang sarili ko at napaluha ako,

"Minsan nang nawala si dao ming si saakin, at di ko na ulit papayagan mangyari yun "

Niyakap ako ni ante jade , at dama ko ang kagalakan sa aking puso.

" cge ante jade, alis na ako, hinihintay na ako nila mama at papa"

Pumara na ako ng taxi at umuwi na sa amin. Nagulat ako dahil parang walang tao sa bahay.

" ma ? Pa? Dito na po ako"

WELCOME HOME ANAK ! -mama at papa

Nagulat ako sa pagsalubong nina mama at papa sa akin. Hindi ko rin maitatanggi na namiss ko talaga sila kahit sandali lang ako sa Barcelona.

"Namiss ka talaga namin anak, halika na, kumain na tayo" - mama

Masaya kaming nag salu-salo sa almusal na inihanda ni mama, at nagkwentuhan kami ng mga nangyari sa Barcelona, at kung paano naalala ni Dao Ming Si ang lahat ng sa amin.

Meteor Garden Three: Ultimate Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon