Red's POV
"I will make her love me."
Seryoso ako sa sinabi kong yan. Gagawa ako ng paraan para makuha siya.
(calling manager Kim...)
(napatawag ka Red? Kamusta kayo jan? hindi naman kayo ginugulo ng mga press jan diba?)
"oo naman po. Sa dami ba naman ng mga bantay na ipinadala mo haha"
(so bakit ka nga napatawag? Inaayos pa namin yung issue ni Tim tsaka nung Low Profiled Girl)
"MISS KIM!"sigaw ko. At mukhang nagets naman niya ang ibig kong sabihin.
(okay fine. Sabihin mo na kasi ang pakay mo.)
"wala ba kaming schedules for the whole vacation?"
(napagusapan na natin yan ah? Kayo pa nga ang nagrequest na pahinga muna kayo ngayong bakasyon. Bakit may problema ba?)
"bigyan mo ng projects si Tim. As in sobrang dami"
(ha? Bakit ko naman gagawin yun?)
"pag binigyan mo ng maraming projects si Tim unti unting mawawala ang atensyon ng mga tao sa issue nilang dalawa ni steph."
(sa tingin mo effective yun?)
"ako pa ba tinatanong mo ng ganyan miss kim?"
(haha I know right. Sige right away bibigyan ko siya ng maraming projects.)
"and miss kim. Wag mong sabihin sa kanya na ako may pakana ha?"
(okay sige.)
[call ended...]
Hindi naman siguro matatawag na evil plan to diba? Gusto ko lang talaga na mapasakin si Steph.
Maya maya lang ay nakita ko si Tim at Steph na pumapasok.
Dahil nakaalalay si Tim kay steph medyo nagiinit ang mga mata ko.
Well, hindi naman magtatagal yan e.
Steph's POV
Dahil wala pa ako sa ulirat hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ni Tim sa kwarto ko.
At dahil emotionally and physically stressed pa ako nagpahinga na muna ako.
Kung bakit physically stressed? Well ikaw ba naman maglakad ng maglakad habang may pilay hindi ka ba mapapagod nun?
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ngayon at patuloy paring umiiyak.
Syempre hindi ko naman agad matatanggap na wala na ng tuluyan ang taong hinintay ko ng matagal na panahon. Pasensya na kayo kung paulit ulit ko na lang sinasabi yun pero yun lang naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ako nasasaktan at umiiyak ngayon.
Maya maya lang biglang nagsalita si Tim.
Nanjan pa pala siya? :3
"I'll do everything to make him regret. Mark my words Steph..."yun na ang huli niyang sinabi tapos lumabas na ng kwarto ko.
Mas lalo niya lang akong pinaiyak sa sinabi niya e.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog ako.
"best~ tara kain na tayo gising ka na."si Joan pala.
"5 minutes. Susunod ako."sabi ko. Magang maga pa kasi ang mga mata ko kaya hindi ko pa pwedeng biglain dahil mahihilo ako at masakit sa mata.
Maya maya lang ay tumayo na ako at pumunta sa Banyo ng kwarto ko para maghilamos.
Tapos bumaba na.
Nang makababa na ako. Biglang sumulpot si Jim sa harap ko.
"AAAAAAAAHHHHH!! ZOMBIE!!!"sigaw niya. Pero hindi ko na lang pinansin.
"steph... sorry sa sinabi ko. Sadyang nagulat lang kasi ako."I gave him a fake smile tapos tinapik ko siya sa balikat.
"steph okay ka na ba?"si Red.
"uhhhm... what do you think?"sabi ko tapos pumunta na sa kusina para kumuha ng pagkain ko pero pinigilan ako ni Tim.
"oooppps! Pinagsandok na kita. Eto oh."tinignan ko naman yung lamesa. "tsaraaaaaaaa!!" shine shake niya pa yung hands niya na parang may surprise pa siya. Psssssh stupid.
Umupo na lang ako sa upuan at nagsimula nang kumain.
Wala naman akong malasahan. -_- pero okay lang. ayoko pa naman mamatay. Basta malagyan lang ang tiyan ko okay na. at ang hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakatitig sa akin si Tim habang kumakain ako. Yun totoo kailangan bang gawin niya yun?!
"a-ano masarap ba?"talagang nakaabang siya sa magiging sagot ko.
"hindi ko alam."tapos deretso na ulit sa pagkain.
"hindi mo man lang ba itatanong kung sino nagluto nito?"tanong ulit niya.
"hindi na kailangan. Alam ko namang binili niyo lang tong mga to."sabi ko tapos umalis na at bumalik sa kwarto.
Binuksan ko ang t.v. alam niyo kung ano palabas? No other woman. Palipat lipat ako ng channel puro tungkol sa mga may kabet.
Talaga bang nananadya sila?! Shet naman oh! NAKAKAINIS NA TALAGA!!
Dahil sa sobrang inis ko nagwala ako. Binato ko yung remote na hawak ko sa T.V. lahat ng picture frame na nakadisplay sinira ko. Dahil ang laman ng laptop ko eh puro siya binato ko ito. Yung mga unan pinagbababato ko sa pinto ng biglang lumitaw si Tim kaya tinamaan siya ng binato kong unan.
Pero hindi parin ako natigil. Yung upuan ko dito sa kwarto binuhat ko binato sa pader.
Naramdaman ko na may yumakap sakin at pinipigilan ako.
Si Tim nanaman.
"WAG KANG MAKIALAM!! WAAAAAAAHHH!" sigaw ko at nagpupumiglas sa yakap niya.
"STOP IT!! STEPH!!"
"NO!!! PLEASE JUST KILL ME!!" dag dag ko.
*SLAAAAAP*
Sinampal niya ako. Salamat dun dahil kumalma na ako.
Hinawakan niya ako sa dalawang braso ng mahigpit.
"KILL YOU?! Nagiisip ka ba steph? PANO NA ANG DAD MO PAG NAWALA KA?! NAKALIMUTAN MO NA BANG IKAW NA LANG ANG NATITIRANG PAMILYA NG DAD MO?!" sigaw niya.
This time nanahimik na talaga ako.
"h-how did you know?" sabi ko.
"it doesn't matter." Bigla naman niyang kinuha yung basag na salamin galing sa frame na binasag ko. "now kill yourself! Hayaan mong mamatay ang dad mo ng dahil sa depression. Sayangin mo ang buhay mo! Instead na magmove on ka gusto mo pang magpakamatay. Akala mo ba babalik siya sayo pag ginawa mo yan? Akala mo ba magsisisi siya sa ginawa niya pag ginawa mo yan? Baka nga wala pa siyang pakialam. Hindi ka niya deserve okay?!... nandito naman ako eh..."
Nandito naman ako eh...
Nandito naman ako eh...
Nandito naman ako eh...
Nandito naman ako eh...
Dahil dun napatulala ako.
Anong ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi?
Pero eto lang ang alam ko. Nagising niya ako dahil sa mga sinabi niya.
Niyakap ko siya bigla.
Tapos umiyak.
"I'm sorry Tim... please help me. Tulungan mo akong mag move on. Gusto ko nang mawala ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko na siyang mawala sa isip ko. Gusto kong maghiganti sa kanya."
"sinabi ko naman sayo diba? Tutulungan kita..."
A/N: hope you liked this story.. :)
siya nga pala may bago na akong crush! si EXO LUHAN!! >_<
BINABASA MO ANG
In Love With You[TO BE EDITED]
Teen FictionA story of a girl named Stephanie that has to be with those popular handsome guys in one roof. Makakilos ka pa kaya ng maayos? Makakayanan mo bang tumagal? lalo na't may kanya kanya itong pag uugali? Read this story to witness Stephanie Montecillo...