43. I can't

10.2K 267 31
                                    


Sorry kung wala akong warning last chap about SPG. Now very very slight lang naman na SPG Haha!

----------------------------------------------------------------

"How's Bree?" bungad ni Eros sa akin. Puyat na puyat ako dahil wala akong tulog kagabi. Mataas kasi ang lagnat ni Bree kaya hindi ito nagpatulog. Inilapag ko si Bree na kakatulog lang sa magdamag kong paghehele.

"Bumaba na ang lagnat niya," sagot ko sabay hikab. Tumango si kuya Eros at lumapit sa anak ko na mahimbing na ang tulog.

"Alam ba ni Luther?" sagot niya. Matabang akong tumango. Hindi kasi makapunta si Luther coz Lolo's asking him for some errands at kailangan siya sa pag aayos sa kasal nila ni Celine sa Sabado. I don't know what's his plan.

Ang alam ko lang ay hindi siya sisipot. The rest is blurry. This time, mas maingat na kami ni Luther. Hindi ko lang talaga sigurado kung saan kami hahantong.

Ayos kami kila papa pero hinding hindi iyon mangyayari sa side ng mga Dela Fuente. One thing I hate about them is being control freak and proud. Masyadong mataas ang pride nila para hayaan kami ni Luther.

Pagod akong tumalungko sa bowl ng cr. Ipinusod ko ang buhok ko hanggang sa unti unting bumagsak ang mga mata ko.

"What's the sound of cat?" masayang boses ni Luther  ang nadinig ko. Kinusot kusot ko pa ang mata ko at kumurap kurap. Nasa harap ko si Luther? He's inside my room?

"nyaww," tumawa ng malakas si Luther ng pilyang sumagot si Bree. Tahimik akong nakatingin sa kanila. Maybe.. Nanaginip ako. How can be Luther's here? And besides.. May sakit si Bree!

Napatayo ako ng maalala ko na kailangan niya ng gamot. "look princess.. Mommy's awake." salita ni Luther ng makatayo ako. So it's not a dream. Nandito si Luther? Fuck!

Sunod sunod na mura ang nagawa ko sa katotohanan na mukha akong basura. I didn't even comb my hair. Gusto ko pang amuyin kung ayos ang hininga ko.

"She needs to take her medicine," umilag ako sa kanya kaya kumunot ang noo niya.

"tapos na," sagot niya pero sa akin pa din ang mga mata niya. Bakit ba ako natetensyon? Sinong hindi matetensyon sa gwapo at mabangong itsura ni Luther sa harap ko? Aber?

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. At teka? Paano ako napunta sa kama? Last time I checked nakatulog ako sa cr!

"How did I get here?" tanong ko.

Tumayo si Luther na karga si Bree na may dalang manika. Napatingin pa ako sa dami ng paper bag ng laruan na nakakalat sa kwarto ko.

"I was looking for you--then I saw you inside the comfort room, sleeping," sagot ni Luther. Kunot pa din ang noo niya sa akin. Paano ay panay ang iwas ko sa bawat hakbang niya papalapit sa akin.

"Bakit kaba iwas ng iwas?" tanong niya habang panay ang pag abante sa akin. Ako naman ay panay ang pag atras.

Natigil ako sa pag atras ng tumama ang likod ko sa pader. Pumikit ako ng mariin at palihim na nagmura. Nang dumilat ako ay nakatagilid ang ulo ni Luther habang nakatingin sa akin. Bakas sa labi niya ang multong ngisi na hindi tuluyan na mapakawalan.

"Dead end, baby.." umangat ang sulok ng labi niya. He leaned forward and gave me a kiss on the lips.

I got stiffened when I smelled his minty breath. "Okay lang sa akin kung mabaho ka or what-- I feel sorry though. I can't be with you and Bree. Alam kong pagod ka sa anak natin. Magiinarte pa ba ako?"

Kumunot ang noo ko sa kanya na kinahalakhak niya. Nevertheless, hearing him saying na anak namin ay nagpakalabog ng usto sa puso ko.

Inamoy ko pa ang sarili ko at hininga ko. Hindi pa ako nakakaligo pero hindi naman ako mabaho!

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon