story of us

40 1 0
                                    


Sisimulan ko sa araw na nagkakilala tayo. Classmate pala tayo nung high school days natin tapos nung nag graduate na tayo nanghingi ako nang number sa kapitbahay ko kung may number ba sya nang mga classmates ko since its my 1st time to have a cherry mobile phone(keypad).
At yun nga sabi nya
"eto classmate mo, rider pa nga to e. "

Sabi ko naman..
" rider?? may clasmate ba akong ganun ang hilig?"

At yun nga hiningi ko sa kanya yung number mo kasi na curious ako kung meron ba talaga.

kaya ayun, na una akong magtxt sayo.

Text ko: Hi

Ikaw: hello. sino to?

text ko: ah c P pala to..

(Fastforward)

Nagdaan ang ilang araw, buwan at umabot pa sa isang taon ang communication natin sa text, hindi lng sa txt nagkita pa nga tayo.
(kilig2 naman ako kasi effort mo todo e)

August na, b-day ko di pa tayo mag syota nun binigyan mo na ako nang gift with matching necklace .
Yong mga clasmates ko sobrang kilig sa ginawa mo at ako namay nagpipigil sa kilig pero sa loob-loib ko parang gusto nang magwala. Sabi pa nga mga clasmates ko
"sasagutin muna yan!"

"takot ako sa mama,papa at ate ko e.. Sila kasi yung nagpapa.aral sakin" sabi ko sa lahat

Ito naman ang sabi naman nila "sus papuntahin mo sa bahay nyo para mapatunayan na hindi ka talaga sasaktan nyan."

After nun naglakas loob kang pumunta sa bahay namin (effort again plus points!! )

(Collegedays)

So, ayon na nga naging official mag syota na tayo kasi pinayagan ako nang magulang ko at pinagkatiwalaan ka na akoy iyong mamahalin at hindi sasaktan. Pero dumating ang time na tila akoy napagod (kasi may topak din) at yun nga sinabihan kita na "ayaw ko na.." pero ayun ka pumunta na naman sa bahay pleasing na wag akong bumitaw.. (so effort again, dami munang points dun ahh)

Nung nagka problema sa amin nagpasya ako na tumigil sa pag aaral at maghanap nang trabaho para naman makatulong at makapag ipon at makabalik sa aking pag aaral so ayun nga.. habang busy ako at ikaw naman ay student pa tapos sunday yun naglaro ka nang hilig mo sa pagsali ng (motorcycle competition). Nung araw na yun sa trabaho ko palang hindi na ako mapakali hanggang sa pagka uwi ko sa inuupahan kong bahay d parin ako makatulog kasi hindi ka nagtxt o tawag mn lng.. nakakapanibago hanggang sa tumawag ka pero bitbit mo ang masamang balita.

Sabi mo pa 'nakasakay ka sa ambulansya at that time', hindi ko alam ang gagawin, yung mga luha ko tumutulo nang hindi ko pinaparinig sayo kasi ayaw ko na maging malungkot ka pa kasi may hapdi at sakit kanang dinaramdam. Akoy iyak nang iyak at walang magawa
kasi ang layo-layo ko d ko pa alam sang hospital ka dinala. sobra akong na inis at galit sa sarili ko kasi wala mn lng ako sa tabi mo para mag alaga sayo pero hinintay ko yung araw na wala akong trabaho at yun nga nabisita kita at akoy tuwang tuwa kasi nakangiti ka parin, d na ako umiyak sa harap mo kasi gusto ko masaya tayo sa ating pagkikita at yun nga na alagaan kita inaway ko pa nga yung nurse dun kasi alas dose na hindi ka pa binibigyan nang pain killer.
Nakikita ko sayong mukha ang kirot na sanhi nang pag opera sa paa mo. Kung hindi ko ginawa yun hindi ka talaga bibigyan nang pain killer nang nurse na yun. Buti nalng andun ako(maldita in a good way).

Makaraan ang ilang buwan ay naging okay kana at sa awa ng dyos ay nakabalik na ako sa aking pag-aaral.

So, ayun nga nung summer nag OJT na ako sa isang hotel sa Lahug (BTW: I'm an Hm student and he's an engineering student).. Kaya busy na ako.. makakapagtxt lng ako sa kanya pagpa alis na ako sa inuupahan namin nang mga friends ko at sa pag uwi.

story of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon