January 1, 2018
"Happy new year!"
Sabay sa pag-anunsyo ni papa ang putukan na nagsimula sa paligid. Nagliliwanag ang kalangitan dahil sa makukulay sa paputok. Mayroong malalaki't maliliit.
Ang mga bata sa kapit bahay nagsimula narin magpatunog ng mga turotot nila.
At syempre, di mawawala ang mga riders na nagpaparit-parito, dumadagdag sa ingay ng bagong taon. Gigil na ko dyan eh! Pero hayaan na lang, karapatan nilang sumaya, walang basagan ng trip, eka nga nila.
"Wow! Ang ganda!"
Yay! Para akong isang bata na nagtatatalon habang pumapalakpak pa ang mga kamay sa tuwa. Syempre naman, matagal kong hinintay to no! Minsan lang sa isang taon mag new year kaya dapat happy happy!
Pinagsaklop ko ang mga kamay at pinikit ang aking mga mata.
This year, sana kung paanong naging successful ang love life ko last year, magtuloy-tuloy pa ito hanggang ngayon.
Sobrang daming nangyari na magagandang bagay sa 2017 ko kaya naman super thankful talaga ako sa lahat ng iyon. I still have my family beside me, maganda rin ang takbo ng career ko kase na-promote ako sa kompanyang pinagta-trabahohan, and lastly, dumating ang love of my lifeee! Di nya ako iniwan kahit madalas topak ko, sya din ang nag ch-cheer up sakin pag down na down na ako, and he loves me with all of his heart. Sa lahat ng mga dumating sa buhay ko, siya ang pinaka favorite kong bonus. Akala ko masaya na ako, may mas isasaya pa pala when he joined the group chat hehehe.
"Dane! Anak," napalingon ako sa likuran at bumungad si mama na tumatakpo pang iniaabot sa akin ang telepono. "Ang nobyo mo." She mouthed.
Oh! Sweetie pie sugar crush honey bunch! Speaking of Troi Perez.
Nagpasalamat ako kay mama and I cleared my throat bago ko ilapit ang telepono sa tenga ko.
"Yes, love? Happy new year!"
"Love..."
"Oh, bakit ang lungkot ata ng boses mo. Di ba happy new year mo? Did something come up? Ayos ka lang ba? You can tell me anything."
Nakagat ko ang kuko sa hinlalaki. Nag-aalala na naman tuloy ako kay Troi.
"Dane, pwede ba tayong magkita?"
Nag-aalala ako at gusto ko siyang tulungan, i-comfort o kaya ay pasayahin, pero... "Eh, love kase, di ako papayagan nina papa kase nagpuputukan na sa paligid, alam mopasayahin
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"Ayos lang. I understand. Well, don't think about me. Enjoy this day with tito and tita. Bye."
"Love te----
*toot*toot*
*pout* napatingin na lang ako sa phone screen at pumasok na sa loob.
Wahhh! Ano na naman kayang ganap sa isang yun? Wala akong maisip na pwede niyang ikalungkot. First of all in good terms ang magulang niya. Pangalawa, wala din naman kaming problema. Kung sa mga barkada naman nya, malabo rin dahil tatawag muna ang isa sa kanila bago ako tawagan ni Troi.
Dahil di talaga ako mapakali, habang nasa gitna kami ng kainan, I excuse myself para tawagan si Troi.
Nagri-ring lang ang telepono niya. Hays, ano na kayang ginagawa ng isang to? Bakit di niya sinasagot?
On my second attemp ay sinagot na niya ang tawag. But it's weird dahil tahimik ang linya at para bang may naririnig akong ungol.
Omo!
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung ano ang ginagawa niya.
"Uhm...Troi?"
Oh boys! Okay, alam kong may pangangailangan rin kayo. Sabi ko nga ie-end call ko na dahil medyo nakakaistorbo ako eh.
Pero teka,
"Troi, who's this Sunshine na naman ba? She's disturbing us kaya!"
Troi? Disturbing us?
"Come on, babe. I told you to shut that phone down. Bumalik ka na rito."
"Troi! Troi, hey! Nakikiliti ako. Hey!" Malanding tumatawa ang babae at tuluyan ng naputol ang linya, kasabay ng pagpatak ng mga luhang kanina lang ay nagbabadya sa pagbagsak.
Sumisikip ang paghinga ko. Nahihirapan akong huminga.
Wala akong magawa. Ayokong sumigaw o gumawa ng kahit anong ingay dahil ayokog sirain ang bagong taon ng mga taong nasa paligid ko...
Kaya niyakap ko na lang ang binti ko at isinubsob ang mukha sa tuhod.
Kakawish ko lang eh! Bakit ang bilis namang sinagot?
February 1, 2018
"Hayop ka Troi! Wag ka talagang magpapakita sakin, papatayin kita! Ahh!!!!"
Sabi nila, the best way to lessen the pain you are carrying inside is through shouting it out loud or writing it all down. Nang sa ganoon, masabi mo na ang kinikimkim mo at gumaan na ang nararamdaman mo.
That's kind of true.
"Tandaan mo yang ginawa mo sakin! Pinagpalit mo ko sa pokpok! Wag na wag ka talagang babalik! Hinding-hindi na kita tatanggapin!"
Wala na akong pakealam kung marinig man ako ng ibang tao. After all di naman nila ako kilala at andito kami bilang turista.
Naghahabol ako ng hininga pagkayaring isigaw ang gusto kong sabihin kay Troi. Actually madami pa. Kaso kapagod pala humiyaw. Teka lang, taym pers muna!
Naupo ako sa damuhan habang pinagmamasdan ang tanawin. Nasa tuktok kami ng bundok na kung saan pag tinanaw mo ang baba ay tubig ang nandoon.
I spread my arms and feel the wind embracing me then close my eyes. Yes! This is what I need. Huh! I cried lots of tears, bakit ako magmumukmok sa kwarto para lang sa lalaking yun? Duh! Sayang beauty ko kaya sorry sya!
Dahil sa ginawa ni Troi, di ko na alam kung magmamahal pa ko ulit. Ang sakit na kase sa una, so ibig sabihin magiging ganoon rin sa mga susunod pa, so why try again hindi ba, kung masasaktan ka lang din ulit?
Sumakit ang lalamunan ko at nagtutubig na naman ang mga mata. Wait, why am I crying again? Yung hayop na yun, iiyakan ko ulit?
"Wahhhhh! Sige na! Oo na! Iiyakan na nga kita! Pero last na to! Hayop ka Troi, wala na kong isang salita! Huhuhu."
"Mabaog ka sana! Tamaan ka sana ng HIV!"
*takip bibig* Ay teka, parang ang harsh naman ata nun masyado. Bawi bawi. "Jooooke!"
"Yuon lang talaga sasabihin mo? Oh, girls. Will curse their ex-lovers then get back together after some sweet talks and efforts. Come on, have some shame for yourself!"
Bigla-bigla na kang may nagsalita sa tabi ko na kung anong nilalalang na sasabat na lang eh wala namang alam. "Hoy, para sabihin ko sayo, kahit pa anong gawin ng hayop na yun, di ko sya babalikan, FYI!"
Nakatanaw sa malayo ang lalaking hanggang balikat lang ako at mayroong maputing balat na in all fairness ay meron pang muscles at mahahaba ang pilikmatang kulot, matangos ang ilong at mapupula ang labi. Nakabrush up ang buhok niya na bumagay sa hulma ng diamond shape niyang mukha.
"Look, Shen. Inuuto ka nanaman niya, if you will keep up being like that, ikaw na naman ang talo."
Tinalikuran niya ako at lumakad na palayo. Eh?
T-teka, may kausap siya sa telepono?
Hay! Nakakahiya ka Dane.
Mapahilamos na lang ako ng mukha at agad ng umalis doon para bumalik sa cabin dahil maghahapon na rin.
------
WHAT'S UP MADLANG PEOPLEEEEEE! ANG BUANG NYONG AUTHOR AY NAGBABALIK!
BINABASA MO ANG
Soul Searcher
FanfictionAko si Sunshine Dane Alfaro. Di masyadong kagandahan, katalinuhan, kabaitan at kayamanan---in short, isang simpleng mamamayan lang din tulad mo. Kumakain thrice a day pero pag malamig, ang ligo every other day. Nagmamahal, nasasaktan at nawawala ri...