Chapter 10

4.3K 65 11
                                    

Pinupatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya habang lumalabas sa shower. Pero laking gulat ko ng makita ko ang ginagawa ni Ronneth sa higaan ko.

Nabitawan ko pa ang hawak tuwalya. Onti onting nanlaki ang mata ko.

"AHHHH!" Dali dali akong tumakbo at hinablot ang laptop ko.

Nakita ko syang nakahilata sa bed ko habang malaki ang ngisi na nakaharap sa laptop ko. Sa laptop kong pampersonal. FYI,magkaiba ang pang personal at pang aral kong laptop.

"Kierra--Kiesha Rachelle. Bakit nga ba hindi ko naisip yun!" Nakataas ang isang kilay nito.

"A-anong pinagsasasabi mo?"

"Maglolokohan pa ba tayo Kiesha? Or should I call you Kierra?"

"W-wala akong a-alam dyan." Hindi ko na masalubong ang titig ni Ronneth sa akin.

"Oh come on! Sa totoo lang,nakakatampo na pati sa akin,isinekreto mo to. Alam mo bang malaking fan mo akooo!Kaloka ka,pafansign ako. Ipapainggit ko lang sa mga classmate natin. Pangako,safe ang secret mo sa akin!" Tuloy tuloy ng litanya ni Ronneth,kulang nalang ay may lumabas na mga puso sa mata niya dahil sa sobrang excitement.

"P-pagbibigyan kita. Pero once na kumalat ang tungkol dito. Ibibitin kita patiwarik!"

Inayos ko na yung buhok ko at nag umpisa ng maglagay ng mga damit sa maleta.

"Aalis ka?"

"Ahhhh." Nag aalangan kong sagot.

"Ano pati yan,isesekreto mo?"

"Hindi naman sa nililihim ko to,pero di ko lang alam if tama bang ipagsabi ko to sa iba." Inaayos ko naman ngayon ang mga gamit ko sa mukha at katawan. Pilit pinagkakasya sa maleta.

"Ohh so iba pala ako. Okay!" Madiin ang pagkakasabi nito at mahihimigan mo ang pagtatampo sa boses niya. Malamang pag to di ko pinagbigyan buong gabi akong di papansinin nito.

"Okay,okay. Sa LFO building na kasi ako titira." Medyo nag aalangan kong sagot.

"WHAT?!LFO Building!" Bigla itong humawak sa balikat ko. "Ibig sabihin,makakasama mo sa isang bahay si V ng buhay mo?!" Tumango ako na may malaking ngisi sa mukha. "At si Fafa Zen!OMG!" Nagtititili na ito sa kwarto. Yung mas kilig na kilig pa sya kesa sa akin.

"Bakla ka! Mas dadami na ang stolen collection mo!" Sabi nito na mas lalong nagpalaki sa ngisi ko. Pakiramdam umaabot na hanggang sa magkabilang tenga ko ang labi ko. "Pero bakit?"

"Ako ang papalit na muse nila."

Oo papalit. Ibig sabihin may dati silang muse. First year official na nabuo ang LFO,sa pangunguna ni V,Jumin at ni Remy. Si Remy ay kababata ni V at Jumin. Masayahin ngunit malumanay na babae si Remy. Napakabait din nito at matulungin. Sa pagkakaalam ko ay sya ang nagsuggest na buuin ang LFO para makatulong sa mga nangangailangan. Siya ang nag iisang nagpalago ng koneksyon sa LFO,Maingat at masigasig siyang nag imbita ng mga malalaking tao na pwedeng dumalo.Hanggang sa sumali na din si Yoosung,ang pinsan ni Remy. Sumunod si Zen na nakilala ni Remy sa iisang stage play. Nung panahon na yun ay hindi pa sikat si Zen. Sumunod ay si Seven. Pero sa pagkakaalam ko ay halos kasabayan na ito nina V at Jumin. Walang nakakaalam. At ang pinakahuli ay si Jaehae na nakaatas na sekretarya ni Jumin bg nga panahong yun.

Kumbaga,si Remy ang bumuo ng LFO. At kung anuman ang LFO ngayon ay dahil yun sa kanya.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon