Unti unti nang nag-aagaw ang liwanag at dilim, pero bukod kay Marianna wala ng nakakaalam na andito ako sa mansion kasama nila.
Magkasabay ang kaba at determinasyon, nagbabalak akong umalis na dito sa mansion. This will do no good to me, it will only put my life at risk. If I have just listened to Raymond, then I won't be in this situation. If I can only turn back time.
Dahan dahan kong binababa ang pinagtagpi tagping kumot at iilang damit sa bintana, bababa ako mula sa bintana na ito gamit ang pinagsama-samang tela.
Nag-impake nadin ako, pero hindi ko dinala lahat ng damit ko, para hindi na ako mahirapan bumaba.
Pinapakiramdaman ko ang paligid, tahimik lamang at tanging patak ng ulan lang ang naririnig ko. I just hope na wag akong madulas sa maputik na daan, or if I'll slip then atleast just a little far from this place.
Pagsabog ng dilim sinuot ko na ang backpack ko at pasimpleng hinila ang kumot na nakatali sa bintana para malaman kung matibay na ba ang kapit nito.
One last glance at my door, then naisipan ko ng bumaba sa kumot. I have to be strong. I don't know what will surprise me afterwards, basta ang alam ko, pagtapak ko sa lupa, malamang may nakaamba ng panganib.
Kagat kagat ang labi kasabay ng matipid na paghinga dahan dahan na akong nag-padausdos sa kumot. Medyo nababasa na din ako ng ulan.
Sana lang huwag akong atakihin ng kidlat dito.Nasa dulo na ako ng kumot, pero malayo pa ako sa lupa. Kinulang ang tela, pero kaya ko namang talunin, huminga ako ng malalim at pikit matang tinalon ang distansya ko at ng lupa.
"Ah!—" nasapo ko ang bibig ko at mariing napa-pikit. I can feel the forming of tears in my eyes, medyo lumalabas na din ang hikbi sa bibig ko.
Napatingin ako sa paa ko, nakasaksak dun ang malaking bubog ng nabasag na bote. Nilingon ko ang paligid, wala naman akong naramdamang kakaiba, kaya gamit ang isang paa patalon talon akong lumayo sa mansion.
Hindi ko pwedeng tanggalin nalang ang basag na bote lalo na't nasa paligid pa ako ng mansion, kasi I know to myself that I can't endure the pain, at baka mapasigaw lang ako habang tinatanggal ang malaking bubog.
Basang basa na ako ng ulan, malakas na din ang paghinga ko para pigilan na lumabas ang nag-aambang hikbi. Kumakapit nalang ako sa mga punong nadadaanan ko para kumuha ng lakas.
Napapaupo nadin ako sa basang lupa. I'm starting to lose hope, I think I can't make it.
Sa isang patalong hakbang,hinayaan ko na ang sariling mapaupo sa maputik na lupa.Lumakas lalo ang ulan at may pa unti-unti nading kidlat, doon ko na nilabas ang kanina ko pang pinipigilan na hikbi. I cried hard. Kasabay ng ulan ang aking mga luha. I just come to realize that maybe I was born to suffer. Ulila. Naiwan mag isa. May natirahan nga. May kumupkop nga. Sa mga halimaw pa napunta.
Kumuha ako ng isang damit sa backpack kong basa na, at sinalampak ito sa bibig ko. Dahan dahan kong inangat ang paa kong may hiwa ng bubog.
I just keep on inhaling. Hinawakan ko ang naka-usling bubog, at mariing pumikit. Kasabay ng mabilisang paghila sa bubog ay siyang pagsabay rin ng malakas kong kulob na sigaw.
Napahinga ako ng maluwag ng tuluyan ng matanggal ang bubog, napatingin ako sa paa ko, umagos ang dugo dun, kaya kumuha ako ng isa pang damit para ipantali. Bweset na Marianna yan, ikukulong na nga lang ako pinagkait pa tsinelas ko.
I need to rest, sumandal ako sa puno at pumikit. Hinayaan ko nang mabasa ako ng ulan. Ang importante nakalayo na ako. Hindi na siguro nila ako mahahanap dito sa magubat na parte.
Sana lang, pag-alis ko dito, tuluyan ng maging tahimik ang buhay ko. I'd rather live alone kesa naman sa ganito.
Hamog nalang ang nararamdaman ko, I'm soaking wet, pero pinilit kong tumayo kahit na tumitibok yung paa ko dahil sa hiwa. As soon as possible kailangan ko 'tong magamot. Kundi baka mainfect pa 'to.
Sa sobrang dilim ng paligid, na dagdagan pa ng fogs hindi ko na maaaninaw ang paligid, but I just keep on walking. Nangangapa sa dilim at ang mga puno lamang ang ginagamit bilang gabay sa gabing malamig.
Bawat minuto humihinto ako at habol ang hininga, sa sobrang sakit ng sugat ko naging sobrang bagal nadin ng lakad ko.
Himala, wala akong naririnig na ungol mula sa kung ano mang halimaw, wala din sirena ng sasakyan at wala ring sigawan ng mga tao. Tanging kulisap lamang at iilang dahon na hinahangin ang siyang naririnig ko. Takot ako sa ganitong eksena, pero sa ngayon hindi ko makapa ang takot.
I'm just too eager to escape, kaya sobrang lakas ng loob ko. I'm just hoping na sana walang snake dito or wild boar. Kasi alam niyo yun? Umalis ako sa mansion para takasan ang halimaw, para hindi makain ng halimaw. Tapos kakainin lang pala ako ng kung anong wild boar dito sa gubat.
Ni wala ang buwan ngayon, na malamang ay natatakpan ng makapal na ulap.
Nabuhay ang pag-asa ko ng maaninag ko sa malayo ang maliliit na ilaw. Malapit na ako sa bayan. I'm almost there. After this escaped, I don't have any idea what will happen to me. But what more important is, malalayo na ako sa mga halimaw na yun.
I just keep on walking, till I'm walking on the pavements. Sa wakas andito na ako.
Nilibot ko ang paningin, at ni isa wala akong nakitang naglalakad. Ang bayan ngayon ay sobrang layo sa hitsura ng bayan na naabutan ko noong unang tapak ko pa lang dito. Para na itong ghost town.
Wasak na lahat ng pader. Sira na lahat ng mini stores, pati yung tindahan ng mga armas sira nadin. The beast made this. He ruined this peaceful little town.
Mabilis akong naupo sa bakal na upuan, kung noong unang punta ko dito butas butas at medyo sira sira ang atip ng waiting area na 'to. Ngayon halos mawalan na ng atip. Maski ito hindi na pinatawad ng halimaw.
I sighed deeply, baka dito nalang muna ako magpapahinga, hanggang sa pagsapit ng umaga. Basta lang huwag umatake ang halimaw.
Napapikit ako ng biglang may tumamang liwanag sa mata ko.
"Sittieah Reese? Ikaw ba yan?" Kunot noo kong dinilat ang mga mata at agad ding tinakpan ng mga palad ng masilaw ako ng flashlight.
"Ikaw nga! Napaano ka? Anong ginagawa mo dito? Paano kung biglang bumaba ang halimaw dito at makita ka niya" sabi niya at dali dali akong nilapitan.
Without words, napayakap ako sa kanya. Ramdam ko din ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.
"M-monsters. T-totoo ang halimaw" yun lang ang nasabi ko at tuluyan na akong naiyak. Niyakap niya ako at sinubukang pakalmahin.
"Sino sa pamilya ng Avantre ang halimaw?" Napailing lang ako habang umiiyak at yakap yakap siya. Maski ako hindi alam kung sino. Kung lahat ba sila sa mansion halimaw. O di kaya si — Gabrielle lang.
I remembered that night, yung gabing gutay gutay ang suot niya. May iilan din siyang sugat. Ewan ko! I don't know what to think anymore, kasi kung si Gabby nga yung halimaw. Then why is he not harming me? He can just grabbed me as easily, then eat me to death.
"Huwag ka nang umiyak, itatakas kita sa bayan na 'to. Sa makalawa luluwas na kami dito. Isasama kita" sabi niya habang tinatapik ako, tango lang ang naisagot ko sa kanya.
All I wanted right now, is to escape.
BINABASA MO ANG
Living with the Beast
FantasyRankings: #461 in Fantasy #857 in Fantasy Namatay ang magulang ko sa aksidente. Ulila. Walang matirahan. Walang kanlungan. Kinupkop ako ng kaibigan ni papa. He's a scientist. He invented such formulas. He turned he's son into a beast.And now, I'm l...