What to do this S.Y. '12 - '13?

99 2 2
                                    

Ilang araw na lang, magpapasukan na. Excited na excited na 'ko. Lalo na ngayon. Kanina kasi, nagcheck ako ng Tumblr ko. Tinignan ko 'yung mga posts ko dati. 'Yung mga posts ko tungkol sa homeworks at projects, tungkol kay tofu, tungkol sa practices, at syempre sa mga kabaliwan namin. NAKAKAMISS, SOBRAAAAAAAA. Bigla akong nakaramdam ng GRABENG PAGKAMISS. Gusto ko agad silang makita. As in AGAD AGAD. Pero syempre, atat naman, hindi pa pwede. Sa pasukan na lang. At I'm sure, dagsa agad ang planong lakwatsa. Lalong lalo na sa MCDONALDS sa South Supermarket malapit sa school namin. Hay, nakaka-miss talaga. Kaya sa pasukan, ngayong 3rd year na 'ko SY 12-13, susulitin ko ang bawat panahon na makakapiling ko sila. Naks, drama queen lang. Pasensya, tinamaan lang talaga ng grabeng pagka-miss. XD

Pero hindi lang tungkol sa friends at lakwatsa ang ipupunta natin sa pasukan. Dapat ilagay natin sa ating mga isip ang PAG-AARAL. Syempre, ano pa ba ang dahilan ng pagpasok? Pag-aaral. Dapat may excitement din tayo sa mga bago nating matututunan at matutuklasan. Hindi naman lahat sa libro at teachers natin makukuha eh. Mismo sa sarili natin. Sa mga panahong ganito natin nadidiscover 'yung strengths and weaknesses natin. 'Yung skills at talents. Ang mga bagay na 'yun ay makakatulong sa magiging future mo. Sa kung ano mang kukuhanin mong course at sa future work mo din as well. Hindi dapat tayo magmadali. H'wag n'yo akong gayahin. HAHA. Ako kasi, iniisip ko kung anong course ang kukunin ko kahit mag3rd year pa lang. Napagalitan pa nga ako eh. Hindi ko kasi alam kung Journalism o Literature. Ang nasa isip ko kasi kelangan ko nang maging sure sa kukunin ko para makapagprepare ako. Mahirap kayang pumasa sa UP. Yeaaah, nais kong mag-UP. UP Diliman to be specific. Hindi naman masamang mangarap eh. Tsaka uy, nothing is impossible ;) Sabi din kasi ng pinsan ko kung magJournalism ako, kahit di makapasa sa UPCAT, pwede pa din makapasok through Creative Writing o Malikhaing Pagsulat kapag Filipino naman at hindi English. Kelangan daw magpasa ng portfolio kung saan nakalagay yung mga articles na ginawa mo. Kaya pinag-isipan ko talaga kung Journalism o Literature. I need to be ready na kasi kaso, sakto naman 'yung pinag-usapan namin sa aming cell group last time. (Hello po sa naga-undergo ng G12 program sa churches nila! Alam niyo yun ;]) Nais kong i-share sa inyo my fellow students especially HS ones.

Pinag-usapan namin sa cell group 'yung ni-preach ng isang pastor sa'min. It's all about God's plan. Na He has the best plan for us. It's more than we have and we can imagine. He has a lot of plans for us in every aspect. Our pastor stated a verse in the Bible that tells that God has plans for us equal to the amount of sand in the beach. Isn't it great and amazing? Kahit kumuha ka lang ng isang dakot ng buhangin, napakadami na eh at hindi na mabilang, pa'no pa kaya kung lahat? At hindi lang siya madami, eto 'yung the BEST na ibibigay ni Lord sa'tin. WOOOOW! Grabe talaga si Lord! If we want to get those plans and live according to HIs will, we should give up everything. We should give up the plans we have for they are useless compared to His plans. We should be humble to lay everything we have at His feet. Hayaan natin si Lord ang manguna sa buhay natin. Let Him be our director, scriptwriter and the author of our lives. Alam Niya 'yung the best para sa'tin. At hinding hindi Niya tayo ilalagay sa masama. He wants the best for us, the one that can make us prosperous. May mga challenges mang dumating, challenge lang yan dude. He let Satan to work on us but we should fight. We should stay strong. God is testing us, our faith. We must win. So I conclude that we should not magmadali. Ay, oh sige na nga tagalog na ulit. Hindi dapat tayo magmadali. Maaga pa eh. Hayaan nating si Lord ang gumawa sa'ting mga buhay. At kung gusto nating malaman kung ito na ba ang gusto ni Lord para sa'tin, dapat matuto tayong magbasa ng Bible. Du'n mo makikita ang mga sagot sa tanong mo. Kung nakapagdesisyon ka na naman, tignan mo kung at peace ka ba? Masaya ka ba sa naging desisyon mo at wala kang regrets? That's the time na masasabi mong, "Eto na nga ang gusto ni Lord sa'kin.".

Dahil nga doon, naisip kong 'wag ko na munang intindihin 'yun. Baka pag nagdecide agad ako, hindi ko makuha at magawa 'yung plano ni Lord sa buhay ko. I-eenjoy ko muna kung ano ako at kung anong meron sa kalukuyan. =)) At tutal, nadako na tayo sa hindi pagmamadali, meron pang isang bagay na dapat talaga hindi minamadali. At 'yun ay ang love love love.~ Ay, scratch that. Okay lang namang ma-in love pero! Say no to relationships muna. Para sa'kin 'yun ha. Students pa lang kasi tayo eh. Gaya nga ng sinabi ng isang pastor nung nagcamp kami, nasa learning stage pa lang tayo. Madami pa tayong dapat malaman sa buhay. At 'yun ang dapat i-prioritize natin. Dadating at dadating din naman 'yan eh pag ready ka na at 'yun na 'yung right time. Isa din ito sa dapat nating ipaubaya kay Lord. Siya ang magbibigay nung taong karapatdapat sa atin. 'Yung taong makakaintindi sa'tin kahit anong mangyari, 'yung taong aalagaan tayo, 'yung taong magpapangiti sa'tin, 'yung taong sasamahan tayo sa mga problema natin, 'yung taong magmamahal ng totoo at magpaparamdam sa'tin na tayo lang. 'Yun ang gusto natin 'di ba? Sa tingin mo ba makikita mo agad 'yan sa magiging boyfriend o girlfriend mo ngayong estudyante ka pa lang? Sige, siguro nga. Pero pa'no kapag tumindi 'yung sitwasyon? And'yan pa kaya siya hanggang sa huli? Eh paano pag hindi? Broken hearted ka na agad? Iiyak na lang? Tapos mage-emo? Magiging man-hater? (O woman-hater naman pag lalaki.) Tapos magrerebelde? Tapos masisira buhay mo? Tsk tsk tsk! OA man kung tignan pero totoo 'yan eh. Lalo na kung walang naggaguide. Walang kaibigan na nagpapayo o pumipigil dahil sila mismo ganu'n din. Kaya dapat hindi muna tayo magkaroon ng commitment as much as possible sa mga ganitong bagay. Makinig tayo sa mga magulang natin pati sa ibang ahead sa'tin, teachers, elders, at iba pang nakakatanda sa'tin. Alam nila 'yan dahil napagdaanan na nila 'yan. Kapag nakinig tayo sa kanila, mas makakapagfocus tayo sa priorities natin. At kapag dumating na 'yung time na ready ka na. As in READY NA. 'Yung tipong matured ka na sa mga bagay bagay. 'Yung stable na 'yung buhay mo. 'Yung tapos ka na sa pag-aaral. At 'yung gusto mo na maging in a relationship hindi dahil trip lang, hindi short time lang kundi 'yung totoo na, 'yung panghabang buhay na. Du'n sa panahong 'yun ibibigay na ni Lord 'yung Mr./Ms. God-sent mo. Hindi na kailangang maghanap. Baka sa kahahanap mo, mali 'yung mapunta sa'yo. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, kahit umupo ka lang d'yan, dadating at dadating din siya kung 'yun na talaga. Binibigay na ni Lord eh. Hintay lang tayo. Sa ngayon, okay lang magkacrush o ma-in love pero dapat alam natin ang limitations at mauna pa din si Lord then priorities natin. =))

Hindi porket pasukan na naman at magpapaka-busy ka na naman sa pag-aaral, paglalakwatsa, pagbabaliwbaliwan mo, kakalimutan mo na 'yung ibang gawain mo sa buhay. Example: household chores. Oo, naiintindihan kong madaming homework, projects, quizzes, o kung anu-ano pang kelangan gawin pag nakauwi ka na, pero araw-araw ba ganu'n? Pag first day ba meron agad? Atat lang mga 'teh at kuys? Tsaka hindi naman lagi busy 'di ba? Busy-busyhan ka lang eh. Isipin mo din responsibilities mo as a daughter and part of the family. Hindi uusad ang pamilya niyo kung magulang lang ang kakayod. Oo, okay ang pag-aaral ng mabuti para gumanda ang future pero, I repeat, you have responsibilities. Kung mabait kang nilalang at estudyante sa paaralan mo, dapat maging mabait at responsable ka ding anak sa'yong mga magulang. Mas matutuwa sila du'n at magiging proud silang anak ka nila. Isn't it nice? <3

Kung matutuwa ka dahil matutuwa sa'yo ang mga magulang mo sa pagiging mabuting anak sa kanila. Paano pa kung matuwa sa'yo 'yung Tatay nating lahat? 'Yung gumawa sa'tin? 'Yung nagbigay ng buhay sa'tin? 'Yung nagmamahal sa'tin unconditionally? Ano pang mararamdaman mo kung matuwa at mapangiti mo si Lord? ASDFGHJKL. Grabeeee! UNEXPLAINABLE 'yun dude! Sarap sa pakiramdaaaaaaaam! Kaya mo Siyang pangitiin sa ginagawa mo para sa Kanya! WOOOOOW~ Mas lalo kang gaganahang mabuhay para kay Lord! Pero ano nga bang dapat nating gawin? Alam mo ba kung pa'no hawakan 'yung puso ni Lord at mapangiti Siya? Simple lang, live for Him. Mabuhay tayo para sa Kanya. I-alay natin 'yung bawat taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto, segundo para sa Kanya. Hindi masamang magsaya. Hindi masamang makihalubilo sa iba. Hindi naman Niya sinabing maging malungkot tayo sa ikasasaya Niya eh. Ang gusto Niya ay ang the best para sa'tin, 'yung makapagpapasaya sa'tin. MAHAL NIYA TAYO EH. Naiintindihan mo ba? MAHAL NIYA TAYO. MAHAL NIYA TAYONG MGA TAONG WALANG GINAWA KUNDI GUMAWA NG KASALANAN. MAHAL NIYA TAYONG MGA TAONG WALANG PANAHON SA KANYA. MAHAL NIYA TAYONG MGA TAONG NI MINSAN HINDI MAN LANG NAGPASALAMAT SA KANYA. MAHAL NIYA TAYONG MGA TAONG MAHAL LANG ANG SARILI. Ganyan Niya tayo kamahal... Kahit ano pang gawin natin, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NIYA TAYO! Ganyan Siya magmahal. Kahit nasasaktan na Siya, MAHAL PA DIN NIYA TAYO. Ang sarap magmahal ni Lord 'noh? Sarap sa pakiramdam. Pero 'di ba mas masarap kung mapapangiti din natin Siya? 'Yung sasabihin Niya, "Proud ako dito sa anak kong 'to. Masaya akong nakikita siyang gumagawa para mapangiti ako. Kahit nahihirapan na siya, hindi siya sumusuko dahil naniniwala siya sa Akin. Mahal ko 'to."

Kahit busy tayo sa school, 'wag natin Siyang kaliligtaan. 'Wag nating kalilimutan 'yung responsibilities din bilang anak Niya. 'Wag nating kalilimutan 'yung tunay na dahilan kung bakit nandito tayo sa mundong ito. 'Yun ay ang mabuhay para sa Kanya. Bata pa tayo. Malakas pa. Meron pa tayong chance para gumawa for Him. Gamitin natin ito. H'wag nating sayangin. Sabi nga sa Ecclesiastes 12:1 (Kung tama ako), "Remember your Creator in the days of your youth.". May magagawa tayo sa Kanya. Madaming madami mga kapwa ko kabataan. Lalo na ngayon at magpapasukan. IT'S HARVEST TIME. Madaming ani pero onti ang mag-aani, nasa Bible din 'yan. Maging part tayo, youth. H'wag tayong papayag na matalo ng kalaban. Si Lord pa din ang itataas natin! Maniwala tayo sa Kanya. Siya ang magbibigay ng BEST SOLUTION AT STRATEGY sa battle na 'to. Kung gagawa si Satanas sa buhay ng ibang kabataan, pipigilan natin 'yan. Si Lord ang gagawa! Hindi natin hahayaang magtagumpay si Satanas sa mga kaibigan natin. Sa mga mahal natin. Sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw. Magpagamit tayo. LET GO AND LET GOD. Madaming plano si Lord sa buhay natin. HAYAAN NATIN SIYA. TANGGAPIN NATIN ANG HOLY SPIRIT PARA SAMAHAN TAYO SA PAKIKIPAGLABAN. HINDING HINDI TAYO MATATALO. WE WILL BRING GOD GLORY!

Mga kapwa ko kabataan, wag nating gawing useless ang pagiging kabataan natin. Wag nating gamitin sa mga bagay na walang kabuluhan. Malakas tayo at kaya natin to. Kasama natin si Lord, tandaan mo yan! Hindi Niya tayo pababayaan. Kung gusto mong i-enjoy ang pagiging kabataan mo, isama mo si Lord. Hinding hindi ka magsisisi!

---

Mula sa Awtor:

Angsarap gumawa para kay Lord! Wooo~ Sana nakatulong ito sa inyo sa pasukan. =)) Itaas natin Siya. To God be the Glory! <3

- icekongju

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What to do this S.Y. '12 - '13?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon