Better than before

4 0 0
                                    


      Sa University of Central Luzon nag-aaral sila Sam at David. Ang paaralan na ito ay maayos, malinis, at maaliwalas, dahil sa mga dahilan na iyan kaya simula bata palang diyan na nag-aaral ang dalawa. Grade 1 noong una silang maging magkaklase, naging childhood friend nila ang isa't isa, hanggang naging grade 7 sila, palagi silang magkaklase kaya di kinalaunan naging best friend nila ang isa't isa, hanggang sa nauwi na nga sa pagiging boyfriend at girlfriend noong grade 9 sila. Masaya ang naging relasyon nila walang away, walang selos, kumbaga ''perfect" tawag ng iba nilang kaklase sa relasyon nila.

     Nag grade 11 na sila, may mga bagong makikilala, may mga bagong kaibigan, pero di inaasahan ni Sam na magkaiba sila ng section ni David, nagulat siya dahil unang beses ito nangyari sa kanila, kaya dali dali niyang hinanap ang classroom nito, at nakita naman niya si David, at tinawag nang mahinahon.

Sabi ni Sam "Di ako sanay na hindi tayo magklase."

"Masanay kana di palaging nandyan ako sa tabi mo." tugon ni David.

       Nagulat si Sam sa binanggit ni David, ngunit di nalang niya ito pinansin, kaya bumalik nalang siya sa classroom niya. Pumasok na ang una nilang guro, syempre ang walang katapusan na introduce yourself. Nangalahati na ang klase at oras na ni Sam para magpakilala, nasa kalagitnaan na siya na biglang may pumasok, napa tingin ang lahat sa kisig at kagwapuhan nito, napatigil si Sam sa pagsasalita dahil nawala sa kanya ang attention ng mga kaklase niya.

"Good Morning po Ma'am, sorry I'm late, hi guyssss, hi I'm Ian." ang mga unang linya ni Ian.

        Nainis si Sam dahil medyo matagal na siyang nakatayo sa harapan kaya gumawa na siya ng paraan, kinuwa niya ang attention ng kanyang kaklase sa pamamagitan ng pagkunwaring pag-ubo nang malakas, at sinimulan na niya ulit magsalita.

      Malakas at matining na bell ang tumunog at naghudyat na tapos na ang klase. Sabay sabay na lumabas ang magkakaklase, samantalang naiwan pa si Sam sa loob upang ayusin ang kanyang gamit at upang hintayin na rin si David, paikot ikot siya habang tinatawagan niya ito, sa pag-ikot niya may nakita siyang payong, kinuha niya ito, tinignan ngunit walang pangalan. Sinagot na ni David ang tawag "Hello, Sam sorry di kita maihahatid ngayon may lakad kasi kami ni Daddy eh" sabi ni David'.

"Ah ganun ba, okay lang sige ingat, I LOVE YOU." tugon ni Sam. "Toooot tooooot tooooot" ang mga sumunod na tunog na lumabas sa cellphone. Palabas na si Sam sa pinto ng biglang sumulpot si Ian, nagkagulatan silang dalawa.

"Ay sorry" paghingi ng paumanhin ni Ian.

"Okay lang" pangiting sagot ni Sam.

"Can I ask you a question?" tanong ni Ian.

"About what?" patanong na tugon ni Sam.

"May nakita kabang payong, naiwan ko kasi eh?" tanong ni Ian.

"May nakita ako pero di ko alam kung sayo iyon. Nilagay ko sa teacher's table." sagot ni Sam.

        Pinuntahan ni Ian ito at sa kanya nga ang payong na iyon, nagtanong si Ian kung ano ano ba ang meron sa school nila, kung ano ginagawa kapag foundation, kung kalian intrams, at kung ano anong kwento, medyo matagal na silang nag-uusap ng may dumating na babae at hinanap si Ian.

"Ay Sam si Nicole nga pala girlfriend ko, Nicole si Sam." pagpapakilala nito sa dalawa.

"Diba ikaw ung reigning Ms. University of Central Luzon?" tanong ni Nicole.

       Napangiti nalang si Sam at nagpaalam na mauuna na siyang umuwi. Naghihintay si Sam sa labas ng campus ng masasakyan, sa medyo malayong tanawin parang nakikita niya si David, tinignan niya ito ng biglang tinawag siya ng mga kaibigan niya, ng tignan niya ulit si David wala na ito, kaya inisip nalang niya na hindi iyon si David. Nagkayayaan ang magkakaibigan na kumain sa bagong kainan tatlong kantong layo sa kanilang paaralan. Pilit tumatangi si Sam dahil medyo makulimlim at ang sabi niya kay David ay uuwi na siya, pero dahil di niya matiis ang mga kaibigan kaya sumama na siya. Food park ang pinuntahan nilang kainan, napakaganda, napakamaaliwalas, detalyado ang kasangkapan mula sa labas hanggang sa lamesa nito, napakasarap ng mga pagkain tulad ng kaldereta, ito ang paboritong pagkain nila Sam at David kaya ito ang inorder ni Sam, napakasarap at malilinamnam, sulit kumbaga, samahan mo pa ng matamis na halo halo, at idagdag mo pa ang ambiance ng kainan. Nasa kalagitnaan na sila ng kainan ng may nakita ang isang kaibigan nila na si Thani sa katabing kainan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Better LoveWhere stories live. Discover now