Chapter 65

66.2K 963 159
                                    

Seth's POV


Nandito kami sa sala. Wala na yung barkada at ang mga magulang nila. Umuwi na sila eh. Ang natira nalang dito ay yung parents ko si Mich at ang mga kumupkup sakanya. Nandun sila sa garden nag-uusap.


"Ganito pala yung feeling na maging mayaman no?" Biglang salita ni Mich.


"Masaya ka na niyan?" Hindi ko maiwasan na mag sungit sakanya. Siyempre naging masama na siya sa paningin ng iba. Tapos buntis pa, ang mas malupit ay hindi si DJ ang ama.


Not that I want him to be the father


"Oo, matagal ko ng pinangarap 'to." Siya habang nakangiti.


Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.


Tumingin ako sa paligid. Pansin ko naman na kami lang ang nandito. Kaya tinanong ko na saknaya ang matagal ko nang gusto itanong.


"Kailang mo sasabihin sa kanila?" 


"Ang alin?"


"Na buntis ka." 


Nakita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko.


"P-pano mo nalaman?" 


"Hindi na importante yun. Basta sabihin mo lang saakin kung kailan mo sasabihin sakanila." Malamig kong sabi.


"Sa tamang panahon." Siya at yumuko.


"Eh kay DJ? Sinabi mo na ba?" 


"Hindi pa." Siya.


Nakita ko naman na napabuntong hininga siya.


"Sana naman hindi niyo ipalaglag ang bata. Ganito man ang ugali ko, pero may puso naman ako. Nasasaktan din ako. Kaya sana hindi niyo ipagkait na makita ng bata ang mundo. Makilala ang totoo niyang mga magulang. Kasi naramdaman ko na yun eh. Yung paggising mo isang araw hindi mo na kilala ang magulang mo." Nakita kong umiyak siya.


Kahit pala ganito yung ugali niya, may puso pa rin siya.


Hinigit ko siya at niyakap.


"Shhh, tahan na. Wag kang umiyak." 


Napansin ko naman na nagulat siya sa pag yakap ko.


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon