Gaya ng dati gumagawa kaming dalawa ni mokong ng assignments sa library, kaso parang ngayong mga nagdaang araw dumadalang kasi lagi siyang hinihila o inaaya ng mga boys sa higher levels to play Dota or basketball sa labas ng school siyempre wala naman akong karapatan na mag-demand to tell him not to go. Kaya umuuwi na lang ako at sa bahay na lang nagrereview at gumagawa ng homeworks, minsan friendster ako pero kahit alam kong medyo close na kami ni Justin ngayon hindi ko magawang mag comment ni mag message sa profile niya para sabihin na gusto ko siyang makasama lagi kasi ano ang lalabas nun? Naghahabol ako sa kaniya, inlove lang ako pero di ako ganun ah.
Isang beses inaya ko siyang magcomputer kami sa computer laboratory para gawin yung activity namin sa computer subject about sa microsoft excel kaya lang di siya sumama, sabi ko papaturo ako ulit ng Ragnarok gaya nung dati naming ginagawa pero ayaw pa rin niya. Kaya yun, umuwi na lang ulit ako kasi wala naman akong ibang gagawin eh. Pero nung araw na yun, bago ako sumakay ng jeep nakita ko siyang papunta sa grupo nung mga 2nd year girls na nakatambay sa garden ng school kasi andun yung mga benches eh kasama niya yung mga boys sa from higher levels. Sana lang isa sa mga kasama niya ay nanliligaw sa isang sa mga 2nd year girls dun kasi kung si Justin ang nanliligaw dun, nako. Wala lang, malamang malulungkot ako, kasi mahal ko na siya eh.
Malapit na naman ang exams, pero di tulad ng dati si Justin mukhang ayaw na sumama sa pag review. Buti na lang nagpagroup review tong si prankang Mimi, di sana sasama si mokong "Oy dre, sumama ka na muna dito sandali lang naman to eh" sabi ni Erol nung paalis na si Justin kasi dala dala na gamit niya na ilalagay sa locker at bag niya "Sige.." sabay upo ni Justin at tumabi sa ibang boys na nagrereview. Habang dumaraan ang oras, umalis na isa isa yung mga classmates namin "Oy! Kayong dalawa na lang diyan aalis na ko ah. Justin hintayin mo yan si Alexa ah wag mo hahayaang umuwi mag-isa.. Bye!" sabi ni Mimi sabay dala ng bag at mga libro niya't notebooks. Ilang minuto lang inayos ko na mga gamit ko kasi baka may aggawin din siya nakakahiya naman, ang awkward ng oras na yun tahimik lang kaming dalawa nakayuko lang siya habang nakaupo sa armchair ako di ko alam kung kakausapin ko ba siya kasi halata naman eh iniiwasan niya ako.
Dala dala ko na yung shoulder bag ko at bubuhatin sana yung mga libro at notebook ng biglang "Ahh.." bumagsak yung mga gamit ko sa lapag kaya pinulot ko na agad "Hey.." mahinang sabi niya na parang naiinis pero tinulungan niya kong magpulot ng gamit, pagkabigay niya sakin ng gamit naglakad na siya palayo "Uwi na ko" tas kinuha niya yung backpack niya "Sige.. ingat" ewan ko ba, ang lungkot ng pakiramdam ko ng mga oras na yun pero "Amina nga, lemme help you.." bumalik siya bago pa makarating sa pintuan palabas, kinuha niya yung mga gamit ko tas dumiretso na kami paakyat sa 2nd floor kung saan andun yung mga lockers "Akala ko ba uu.." "Tara na bilis" singit niya bago ko pa matapos mga sinasabi ko. Sumunod na lang ako.
Mabilis siyang naglakad pababa pero hinintay niya munang malagay ko lahat ng gamit ko at mai-lock yung locker, "Ayy.." muntik na kong malaglag tas bigla siyang napatinign "Hey!" sigaw niya na parang palapit na siya pero tumigil lang sa paglakad, buti nakahawak ako sa hawakan sa hagdan "Halika ka nga.." hinila niya ko hanggang sa makalabas kami ng school hawak hawak pa rin niya kamay ko. Naalala ko bigla nung una kaming nagkausap in person. Umabot kami sa bahay nila "Bakit?" sabi ko pero di siya nagsasalita "Bakit andito tayo, ano meron?" sabi ko sa kaniya pero si mokong ayaw pa rin magsalita tumingin lang siya akin maya maya may narinig akong music na nangagaling sa kusina, after ilang seconds biglang lumakas "Ya, can you please turn the volume down?" sabi niya pero di ata siya narinig at pagkatapos nun tumingin lang siya sa akin. Matagal, parang may gustong sabihin at unti unting lumapit sa akin. Hinila niya yung kamay ko at nakapose kami na parang sasayaw. Ilang segundo pa at sumayaw na nga kami. Sumunod na lang ako, parang ganito yung nakikita ko sa lolo't lola ko pag sumasayaw sila sa umaga bago ako pumasok.
I'll Always Love You - Nina
And i'll always love you
deep inside this heart of mine
BINABASA MO ANG
Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)
Novela JuvenilA story of love that happened years ago. About someone's greatest "first love".