Three years later..
[Lauren's POV]
"Daddeh!!! I want candy please?"
"Sure, hintayin mo bibili si daddy okay?" Nako. Si Ivannah, kung anu'ano nanaman ang pinapabili kay Ivan. Kaya ang taba taba na eh.
Grabe, ang laki na ni Ivannah. She could even talk like a lady now. Naging maganda naman ang takbo ng buhay namin this past few years. Me and Ivan are going steady. Masaya kami. Minsan din ay dumadalawa si Mama Nadine at Papa Victor sa bahay para macheck ang bibong si Ivannah.
"Lauren, okay ka na ba? Di'ba sabi mo nahihilo ka nalang palagi?"
"Yes Ivan, I'm okay wala dala lang sa pagod."
"By the way babe, ano plano natin sa birthday mo? Sa sunday na yun. Don't tell me nakalimutan mo nanaman?" Oh yeah. Right. Birthday ko na nga pala sa sunday. Nakalimutan ko talaga for the nth time. Last year nga kinulit pako ni Ivan sa gusto kong regalo this year na I'm turning 26.
"Oh yeah. Nakalimutan ko. Haha. Wala I just want a simple happy day with le'fam." Saka ako ngumiti kay Ivan.
"Okay then," Saka tumayo si Ivan. "Ibibili ko muna si Ivannah ng candy ha. I'll be back." Tumango naman ako kay Ivan saka siya umalis. Humiga muna ako sa couch. Nahihilo talaga ako at parang lalagnatin pa ata ako. Hay.
"Mommy, can we pehhhlayyyy?" Nakita ko si Ivannah na nakatingin sa akin hawak ang barbie doll niya.
"Tara baby. Play with Tita Ganda." Napatingin naman ako at nakita ko si Ate Daniela na may dalang paper bags na paniguradong para kay Ivannah lahat.
"Yehey! Tita Ganda will play with me!" Saka nagmadaling magpakarga si Ivannah kay Ate.
"Oh Lauren, masama ulit ang pakiramdam mo? Magpacheck up ka na kaya."
"No need ate. Dati rin naman ganito ako. Kailangan ko lang ng pahinga."
"O siya sige ako ng bahala kay Ivannah." Pagkatapos nun ay pinikit ko ang mata ko. Magpapahinga na lang muna ako.
**
[Ivan's POV]
Nagpunta ako sa candy shop na paborito ni Ivannah. Pagkatapos bumili ay chineck ko ang dreamhouse namin ni Lauren.
"Ser Ivan! Good morning!" Bati sa akin ni Cristian. Tumango naman ako kay Cristian saka tiningnan ang bahay namin.
Malapit na siyang matapos. Siguro mga tuesday tapos nato eh Sabado ngayon.
"Oh Cristian ikaw na ang bahala ha? Chineck ko lang aalis na rin ako. Hinihintay na ni Ivannah to eh."
"Aye aye sir!"
**
When I drove home naabutan ko si Ivannah na nakikipaglaro kay Ate Daniela samantalang si Lauren, natutulog sa couch.
"Daddy!" Sinalubong agad ako ng yakap ni Ivannah.
"Here's your candies baby."
"I love you daddy!!!" Saka ako hinalikan sa pisngi ni Ivannah. Ibinaba ko siya saka siya lumapit pabalik kay Ate Daniela.
Nilapitan ko naman si Lauren at nakitang mahimbing na mahimbing ang tulog niya. Binuhat ko siya at sinenyasan ko naman si Ate na dadalhin ko lang sa kwarto si Lauren at umoo naman siya.
Pagdating sa kwarto hiniga ko ng maayos si Lauren saka siya kinumutan.
Hinalikan ko siya sa noo.
Lalabas na sana ako ng biglang magring ang phone niya.
Hindi sa nagdududa ako sa asawa ko pero nacurious ako sa nagtext dahil hindi naman pala'text na tao si Lauren.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?