08:sorry

30 6 0
                                    

Aaliyah's POV

"oh enzo buti naman nakabalik kayo dito"sabi ni ashton kila enzo

"oo nga eh,buti buhay pa kami"pagbibiro nila enzo

"so tara na puntahan na natin yung nakita naming court"sabi ko sa kanila

"oo nga 5:00 na eh"pasingit ni sophiel

---------------

"woah oo nga court nga ng volleyball"sabi ni roffie

"basta roffie yung net ha"sabi ni kreisha

"gege"sabi naman ni roffie

"uhmm...ang creepy naman dito"sabi naman ni clarice na nasa likod namin,totoo naman ang creepy talaga,kasi napapaligiran ito ng mga matataas na puno,tapos madami pang dahon ang nakakalat sa court

"oo nga eh,pero wag na natin intindihin yung takot,isipin natin yung volleyball"sabi naman ni blake

"si russel??"pag tatanong ni kreisha

"russel??"sabi namin nila adriannne,xavier,ashton at blake

"huh?eh di naman siya kasali sa atin ah"sabi naman ni xavier

"ayy hehe sumali siya satin eh" sabi ni enzo

"sumali,paano?kailan?"pagtataka ni adrianne

"long story basta kasali na siya satin ngayon"sabi ni sophiel

"oh shamille kasali na bebe mo satin haha,sham-asan si shamille?"akala ko nasa likod ko siya tatawagin ko sana eh

"luh oo nga noh"pagtataka ni ashton

tumingin tingin ako sa paligid,wala si shamille pero nakita ko si russel,naka earphones lang pala eh kaya pala di nagsasalita

"jsq yun lang pala si russel oh" sabay turo ko kung nasan siya,andun siya sa upuan sa may bahay,ewan ko kung bahay ba yun,and yes meron ditong bahay,malapit lapit lang siya dito sa court pero parang abandoned na eh kahit di pa namin pinupuntahan hehe

"haysss kala ko kung nasan na"pag aalala ni kreisha

"guys puntahan lang namin si russel ah,tapos pasok lang kami dun oh sa bahay,tara xavier samahan mo ko"sabi ni ashton

"sige wait lang"sabi ni xavier at lumapit kay adrianne

"babalik din ako ha"sabay hawak nito sa bewang at hinalikan siya sa noo

"corny niyo mga putspa"kahit kailan ang bitter talaga ni roffie

"ang bitter mo roffie,porke walang lovelife"sabi naman ni enzo

"geh guys balik din kami"sabi ni xavier

"gege"sabi naman ni blake

"pero nasan na ba si shamille kainis"sabi ko

"oo nga eh"sabi naman nila

"hahanapin ko lang sila ah"sabi ko,kasi di ako mapakali

"samahan na kita,mamaya baka kung ano pang mangyari sayo eh"sabi naman ni blake

"sige sige tara na"kiniliga ko dun ah,kente leng hehe

---------------

"SHAMILLEEEEE!!!"

"Shamille nasan ka na?!"

paulit ulit namin sigaw ni blake,jusqo pagod na pagod na kami,at mag si six na kaya dumidilim na

"blake balik na tayo baka nandun na si shamille at tsaka mag gagabi na oh"sabi ko sa kanya

"sige tara na"sabi niya


habang naglalakad kami may nakasalubong kaming matanda,naka earphone ako kaya inalis ko muna ito

"hindi lahat ng nasa paligid mo ay makakapagkatiwalaan"bulong ng matanda

tumalikod ako para tignan si blake,pero wala siya.

pagkaharap ko ay wala na ang matanda

may naramdaman akong malamig na hangin na bumalot sa aking katawan at bigla nalang tumaas ang aking mga balahibo.

"b-blake??"sabi ko pero walang sumasagot

"b-blake walang biruan asan ka na"sabi ko at parang paiyak na ako kasi natatakot na ako ng sobra at tuluyang dumilim na

kinuha ko ang cellphone ko kaso ayaw na bumukas,yung kaninang naka earphones ako,mp3 ang gamit ko dun hindi cellphone ko.

pilit kong pinipindot ang power button ng cp ko pero ayaw na talaga

"shit.."napamura nalang ako.

"blake nasan ka na.."nalungkot ako at ipinatong ko nalang ang mga ulo ko sa tuhod ko.

umiiyak nalang ako,di ko na alam ang gagawin ko,hindi ko pa kabisado kung paano pumunta sa court.

iyak ako ng iyak hanggang sa may yumakap sakin

"sorry aaliyah..."

--------------------

A./N.

yan na bumawi na ako ha,pero pabitin muna hehez and kasali na ako sa fearsome story award,support niyo ako labyu ol:*

Win or Die (ON-GOING)Where stories live. Discover now