Prologue

295 13 3
                                    


Prologue:

Lumaki at nagkaisip ako na napaliligiran ng pagmamahal mula sa aking pamilya, tiyahin, lolo't lola, pati na rin sa aking mga kaibigan at kababata. Saksi kami ng kapatid ko na si Clarence sa halos araw-araw na pagliligawan ng parents namin na parang hindi lumipas ang mahigit 30 taong anibersaryo ng kanilang kasal.

Habang tumatagal ang kanilang pagsasama, nakikita at nararamdaman namin ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Habang lumilipas ang panahon, nakatatak lang sa puso't isip ko ang tungkol sa kanilang love story.

Mommy always have that sparkle in her eyes everytime she shares her first encounter with my dad. Mom has been working as an accountant in my lolo's company. By the time that my father decided to take over my lolo's position as the company's CEO, iyon ang unang beses na magkita silang dalawa. According to them, my dad's still heartbroken at that time. Matagal na dapat naipasa ni lolo sa kanya ang pamamalakad sa kompanya kung hindi lamang nangyari ang trahedya na bumagi sa buhay ni daddy.

Nag-crash ang chopper na sinakyan ng fiancee ni daddy. Yes, mayroong nakarelasyon ang daddy ko bukod kay mommy. At that time, they were already planning about their marriage. Pero desidido ang nobya ni daddy na makita ang taong matagal na nitong hinahanap. Nang dumating ang pagkakataon at nabigyan ito ng lead kung paano makikita ang taong iyon, hindi na nagdalawang-isip pa ang nobya ni daddy. Pero iyon nga, nagkaroon ng aksidente kung saan inakala ng lahat na namatay ito 'pagkat matagal na panahon ang ginugol nina daddy at ng rescue team para lang makita ito ngunit hindi naman natagpuan maski ang katawan. May nakapagsabi pa na baka pinagpiyestahan na ng mabangis na hayop ang katawan nito o di kaya nama'y tuluyan ng nilamon ng karagatan.

Hindi iyon kayang tanggapin ni daddy at ng mga magulang ng babae. Paanong hindi? Nasawi ang babae sa pagnanais na makita ang kapatid na matagal ring nawalay sa piling ng mga ito. Hindi pa roon natatapos ang kuwento 'pagkat buhay naman pala amg babae at may kumupkop lamang dito. Isa pa, maraming taon din itong nakaratay at comatose. Hindi lamang iyon, nang magkamalay naman ay wala ring bakas ng alaala ng kanyang nakaraan dahil nagkaroon ito ng amnesia. Binigyan lamang siya ng bagong identity ni Dr. Graciano bilang si Emily.

What's more shocking was the woman that I am referring to was my mom's long lost twin sister — si Aunt Cindy. Sobrang nakatutuliro ang nangyari sa buhay nina mommy. Buti na lang nagawa pa rin niyang makabalik sa tunay niyang pamilya sa kabila ng nangyaring pagdukot sa kanya noon ng siya'y sanggol pa lamang. Nagawa ring makumpleto at magkasama-sama ang kanilang pamilya. Higit sa lahat, nakuha rin ni daddy ang closure sa naging relasyon nila ni Aunt Cindy at maayos ang issues niya upang makapagpropose na siya kay mommy. The rest, I guess kami na ng kapatid ko ang naging bunga ng love story nila.

Dahil na rin sa kuwentong iyon kaya matindi ang pag-asam ko na magkaroon ng love story na gaya ng kina mommy at daddy na kahit pinaglaruan sila ng kapalaran, nagkaroon pa rin ng happy ending sa buhay ng isa't isa. Gusto kong maranasan na magmahal ng buo na gaya ng kay mommy at siyempre, mahalin rin pabalik gaya ni daddy. Pangarap ko at ipinangako ko sa aking sarili na magiging masaya ang aking buhay kasama ng lalaking mamahalin ko at ng pamilyang bubuuin ko sa hinaharap.

Everyone says that I could easily do that. Make any man fall for my charms, that I am an ideal woman and a wife that any man would certainly wish to have. Nasanay ako sa ganoon na napaluluguran ng mga taong nasa paligid ko. Punung-puno ako ng pagmamahal mula sa kanila pero sa dinami-rami ng lalaking nagpapahaging ng kanilang interes sa akin, wala ni isa ang hinayaan kong magkaroon ng parte sa buhay ko. Of course, except for this particular guy na noong unang kita ko pa lang ay talagang hindi na nawala sa isip ko. He made me feel like I am a princess who met his knight and make me swept off my feet. Siya si Andrew Gatchalian, my younger brother's mentor and bestfriend. Siya ang tanging lalaki na nakakuha sa puso ko nang walang hirap. Siya ang nagsilbing katuwang ko sa bawat importanteng okasyon sa buhay ko. Siya rin ang nagparamdam sa akin kung paano maging espesyal na babae, laging handang ipagtanggol ang kapakanan ko laban sa mga binatang lumalapit at nanliligaw sa akin.

Gonzales Empire Series 2: BE MINE AGAIN (Major Editing/ Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon