kulang.

54 1 2
                                    

linggo.

isang mainit na hapon.. 

nakaktitig lang si boyet sa kanyang order na

chocolate sundae at hindi na rin ganun ka crunchy na fries habang may hinihintay.

hinahalo halo nya ito hanggang mag halo ang puti ang brown na chocolate nito.

hinalo niya ng hinalo hanggang sa matunaw.

ganun nya titnititigan ng mabuti ang mga ito..

"may kulang.. hindi masarap.. may kulang"

ito ang paulit ulit na sinasabi ng kanyang isipan.

malungkot ang paligid para sa kanya..

"may kulang,... may kulang.."

kahit sa kabila ng masasayang tawanan at kwentuhan ng mga tao..

nag palinga linga at lumingon lingon..

"may kulang.. may kulang.."

bago pa mag mala tubig ang sundae ni boyet.. napukaw ang kanyanag atensiyon

sa tunog ng kanyang cellphone.

agad kinuha at tinignan kung kanino galing.

galing kay girlie

napangiti. nag madali.

agad agad binasa ang mensahe.

scroll down.. scroll down..

"umuwi ka na. ayoko na."

sabay bitaw ng cellphone at

lumuha ng kusa ng hindi namamalayan..

natuldukan ang mga tanong.

"may kulang.. may kulang nga.."

pinilit niyang ayusin ang sarili..

pinulot ang cellphone..

ininom ang tunaw na sundae

at inubos ang fries..

umalis ng tumatawa..

tawa na mapapatigil ang lahat.

tumayo... umalis habang

sinisipsip ang sachet na ketchup.

sabay nag bulungan ang tao sa paligid.

"kulang kulang siguro yun.?"

kulang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon