A Letter for my Ex

1 0 0
                                    

April 02, 2014 noong unang naging tayo.
Sabi mo noon hindi ka naniniwala sa LDR o long Distance Relationship, hindi ka din naniniwala sa text at FB lang nagkilala. Pero tayo ay sumubok sa relasyon na walang kasiguraduhan.
Pero di naman tayo nagtagal. Umabot nga lang tayo ng 20 days.

Aprill 22, 2014 nung hiniwalayan kita.
Tumawag ako sayo pero ang nakasagot babae! Nasaktan ako, nasaktan ang ego ko! Pero okay lang, may reserba naman ako. Oo may reserba ako, eh papasok ka man lang sa walang kasiguraduhan na relasyon, atleast may plan B di ba.

May 2014. Patuloy pa rin tayo nag uusap sa text at tawag. Mas sweet pa nga tayo kesa nung mag-on tayo eh! Pero di rin nagtagal, nakahanap ako ng iba. At di din nagtagal, nawala ka ng parang bula.
Oo nga pala, kaibigan ko kapatid mo. Kaya mo pala ako nakilala. Sumali ka nga sa Grupo namin na mahilig sa wattpad kahit di ka naman nagbabasa. Eto yung dahilan bakit tayo nagkakilala. Pero wala eh hanggang dun na lang. Wala naman pagmamahal nararamdaman.
Paglipas ng isang taon. Muli kang nagbalik, sa panahon meron akong boyfriend, dalawang buwan na kami noon, pero heto ako kinausap ka pa din, hindi ko sinabing meron na, matagal na. Pero ako etong si gaga nagpauto sayo at iniwan ko siya. Sa araw na hiniwalayan ko siya, yun din ang araw na nilinaw nating pareho kung ano meron tayo.

April 21, 2015. at sa pangalawang pagkakataon, naging tayo. Pero hindi na lang eto trial and error, seryosohan na.
Sa pagkakataon na eto wala ng Plan ABC, kundi ikaw lang. Akala ko impossible pero ganun pala wala palang pinipili si kupido na panain, kahit magkalayo pa. Sa sobrang pagmamahal ko sayo na kahit ano gawin mo iniintindi kita, na okay lang lahat sa akin. Sobrang saya ko na nagtagal tayo ng higit tatlong buwan. Di ko alam na aabot pa pala ng isang taon at higit pa.

August 2016 pinakilala kita kay papa at pinakilala mo ako sa pamilya mo. Hindi ko mawari kasiyahan ko noon. Pero paglipas ng dalawang linggo mula nung araw na hinatid mo ako sa bus station pauwi sa amin, nanlamig ka na. Sobrang bigat ng nararamdaman ko.

August 30, 2016, binati kita ng "Happy Birthday, Mahal na mahal kita" wala ako natanggap ng reply. Inisip ko na lang baka may pinagdadaanan ka. At sa mga araw na sumunod, wala pa din.

September 13, 2016, sa pagitan ng Oras alas dose at ala una ng tanghali, tumunog ang aking Cellphone, sobrang saya ko nung makita ang pangalan mo. Pero sa nabasa ko, ang kasiyahan at napalitan sakit. Parang pinunit ng pinung pino ang aking puso. Sobrang sakit! Ano nga ba nagawa ko na di mo nagustuhan? Ano ba pagkukulang ko? Pero dahil mahal kita, nirespesto ko kung anu man ang iyong desisyon. Kahit sobrang sakit, pinalaya kita.

Sa gabi ng ako iyong hinatid sa istasyon ng bus, nang akoy tumalikod, tumulo ng aking luha. Sa oras na yun, naramdaman ko na, heto na huli nating pagkikita. Na sa susunod na araw akoy iyong iiwan.

September 2017, napagdesisyunan ko na palayain ko na aking sarili sa pagmamahal ko sayo. Oras na din mahalin ko na aking sarili.

At kung iyong nabasa etong munting liham ko sayo, nais ko lang sabihin, minahal kita ng tunay at minamahal kita hanggang ngayon.

------Avzz

A Letter for my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon