And it all begins

141 8 0
                                    

Kung saan si Soonyoung na ata ang pinakamatinong estudyante sa buong university at si Seokmin ang sutil na ayaw siyang tantanan.

~//~
5:17 p.m. sa loob ng Student Council room ay nakatulalang nagmumunimuni si Soonyoung, pano ba naman kase katatapos lang ng nakakapagod, nakakasakit sa ulo, at napakahabang meeting niya kasama ang kanyang mga officers. President kase si Soonyoung ng Student Council ng high school sa kanilang unibersidad at akalain mo nga namang kakasimula pa lang ng school year ay stress level:1000 na ang kinakaharap niya. Napabuntong hininga na lamang siya at nais na sana niyang umuwi nalang at matulog ngunit may hinihintay pa itong sundo.

*insert message alert tone here*

From: araw ☀
Babe, katatapos lang ng training namin pero may pa-meeting pa si coach tapos magsshower pa ako :( wait for me okay? I miss you tulad ng pagkamiss ng Sun sa Moon ;) mwah loveyou

Aba’y natawa na lang si Soonyoung sa natanggap niyang text dahil akalain mong nakabanat pa ang hangal sa text. Ganyan si Seokmin, tila hindi nauubusan ng banat kaya nga iniisip ni Soonyoung na may maisan ito kase sobrang corny na niya minsan. Naalala tuloy ni Soonyoung kung saan at kalian nagsimula ang lahat ng ito…………..

Jokes are half-meantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon