Mahal Mo Ba'y Di Na Ako? (True to Life Story)

181 1 0
                                    

May crush ako, since grade 2 pa. Name  nya Charles. Nakilala ko sya dahil sa bestfriend ko.

Nagbakasyon lang kasi sya sa tito nya dito sa Laguna. Nung pinakilala sya sakin ng bestfriend ko, naging crush ko agad sya, yung tipong "love at first sight?"  haha. Pero na-feel ko na may crush din sya sakin nun. Hanggang sa bumalik na ulit sila sa Pasig sa bahay nila dahil tapos na ang bakasyon.

Bumalik sya ulit dito nung grade 4 ako. Akala ko magbabakasyon ulit sila dito, pero higit pa dun! Dito na sila tumira!!! <3

Pero may nagbago nung dito na sya tumira, hindi na nya ako kinakausap. Eh syempre pag ganun, di ko din papansinin. Ayoko kasing ako yung nauunang pumapansin. Then lumipas yung mga buwan at araw, iba na yung nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya. Yung higit pa sa crush, pero hindi infatuation; LOVE na yata. 

Ayun, lagi masaya at buo araw kasi lagi ko na syang nakikita. And, kapitbahay ko pa sya :""">                         Tuwing gabi nga, nasilip ako sa maliit na bintana namin sa kusina para makita ko sya habang naghuhugas ng pinggan. Madalas pag nagrereview ako, dun ako tumatambay  sa kusina pag wala sila mama. Baka kasi pagalitan ako ni mama pag nakita ako haha.

Pero nag-alangan ako kung may crush pa din sya sakin nun. Kasi nagaaral sya nun sa dati kong school nung grade 2 ako. Eh may kaklase akong maganda dun tas matalino pa. Kaya inisip ko na baka ayun yung crush nya. Matanda pala sakin yung ng 1 year kaya nung grade 4 ako, grade 5 sya haha.Kaya nagka-hope ulit ako na baka ako pa din crush nya :)

Dumating ang 1st week ng December 2009, nakakwentuhan ko yung kaibigan ko. Tas nabanggit nya na katatapos lang daw ng birthday ni charles, nung Nov.30 lang daw. Tas nagmadali akong umuwi sa bahay para gumawa ng letter sa kanya. Nag-alangan pa ako kung ipapabigay ko sa kanya eh. Pero naumpisahan ko na. Sabi ko sa letter "Hi charles. Kamusta ka na?Belated Happy Birthday nga pala. Late ko na kasing nalaman yung bday mo eh kaya ngayon lang kita Nabati. Saka pala, walang malisya itong pagsulat ko sayo.Ingat" haha natatawa tuloy ako sa sinabi ko sa letter. Days and weeks ang lumipas, wala pa din syang reply. Kaya inisip ko na hindi na nya ako crush :(

Last week ng December, kinausap ko yung friend ko na sabihin kay charles na kung pwede kami magusap sa New Year sa Basketball Court ng subdivisin namin. Ayaw daw ni Charles sabi ng friend ko. Nahihiya daw kasi sya. Kaya ayun, medyo malungkot New Year ko nun.

.

.

.

Feb.9,2010. Naglalakad kami ng pinsan ko sa subdivision namin. Tas biglang lumapit sakin yung friend ni Charles tas may binigay na papel. Nung una, ayokong tanggapin kasi baka niloloko lang ako. Eh napilit ako ng friend nya kaya kinuha ko. Paguwi ko sa bahay, sobra sobra ang kilig ko. Love Letter nya pala yun!! :""""> Tas may design pang heart na may halo at wings, ung isang heart may pana. Sabi nya sa sulat "She :) Valentines Day sayo. Kung may crush ka sakin, may crush din ako sayo. Kung wala, ok lang. She hindi ako nagbibiro, hindi joke" Pagtapos kong basahin yan, aba'y nagtata-talon ako sa kilig :""">  After nun, nireplyan ko sya. Nakalimutan ko na kasi kung anu yung nireply ko ee haha.

Feb.13, 2010. Nagreply ulit sya. Kalahating saya at lungkot yung naramdaman ko nang mabasa ko sulat nya.Nagpapaalam na kasi sya na baka next year daw bumalik na sila sa Pasig. Wag ko daw sya kakalimutan pag umalis na sya.Di din naman daw nya ako kakalimutan kasi ako lang daw ang tinitibok ng puso nya. Sabi pa nya, usap daw kami mamaya dun sa bakanteng bahay sa tapat ng court.

Dumating na yung mamayang sinabi ko. Maguusap na kami ni charles. Nahihiya akong pumunta magisa. Kaya nagpasama ako sa bestfriend ko. May kasama din pala si charles na friend nya din. Kaya quits na kami haha. Pag pasok namin, wala kaming nakita sa baba. Kaya umakyat kami sa hagdan ng bahay. Tas bigla akong ginulat ni charles haha. Biglang umupo ako sa sahig tas nakayuko. Inaamo-amo nya ako. Tas epal naman yung mga kasama namin, nilagay yung kamay ko sa kamay ni charles. Haha kilig talaga ako. Tas hinihila nila yung paa ko papalapit kay charles kasi nahihiya ako. Sagwa tingnan ng ginawa nila haha paa ko pa. Then unti unti nang dumilim kasi maggagabi na. Nakayuko pa din ako sa harap ni charles. Kinakalabit nya ako na umuwi na ako kasi gabi na daw at magsisimba pa sya sa Gazebo. Biglang umalis. Sabi nya " tss, umiiyak ka lang ee haha" tas hinabol ko para itulak ahaha. Tapos umuwi na ako kasi baka hanapin ako ng mama ko. Patago kasi kaming nagkikita at naguusap. Ayaw nya kasi kay charles saka hindi ko sya ka-religion.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Mo Ba'y Di Na Ako? (True to Life Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon