Pag emosyonal, napapagawa ako ng ganito. ☺

52 1 0
                                    

                                                                                                                      May 26, 2012 (4:24 am)

             Ang hirap po, ano? :( Ganito pala yung pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Ang sakit sakit. Alam mo weak, sa sandaling panahon na nakilala ko si lolo, napamahal na ko sa kanya. Sa kaunting saglit na nakasama ko siya, eh hindi ko makakalimutan yung unang beses na pumunta ako sa bahay niyo. Bakas sa mukha niya yung saya nang makita ako. Ang saya ko din nun kasi naramdaman ko yung init ng pagtanggap niya sakin. Di ba nga, tinabihan pa niya agad ako nun at nginitian? :)

            Mahal na mahal ko si lolo gaya ng pagmamahal ko sayo. Ang sarap sa pakiramdam na madinig yung mga kwento mo sakin tungkol sakanya na interesado siyang makita at makilala ako. Ang saya pakinggang halos palagi niya kong tinatanong sayo.

            Ngayong pumanaw na siya, lahat tayo nagluluksa. Ako man, hindi ko mapigilang hindi maluha pag naaalala ko siya. Nalulungkot ako, lalo na para sayo. Alam ko ,mahirap tanggapin yung pangyayari. Pero nananatili ka pa ring matatag sa kabila ng sitwasyon. Bakit parang mas emosyonal pa ko kesa sayo? Bakit hindi ko nakikitang pag-iyak mo? Bakit kahit ngayon, naluluha pa rin ako habang tinatype ang artikulong ito? :(

            Napaisip tuloy ako. Eto ngang hindi ko kamag-anak na nawala, lungkot na lungkot na ko, pano pa kaya kung sarili ko nang kapamilya ang mawala? Magiging mahirap siguro para saking tanggapin yun. Malulungkot ako ng todo. Sa nangyari kay lolo, narealize ko na hindi talaga natin alam ang mga susunod na mangyayari. Kaya, habang nandyan pa yung mahal natin sa buhay eh ipakita na natin sakanila na mahal na mahal natin sila. “Live life to the fullest,” ika nga.

          Sa mga susunod na araw, hahanap-hanapin mo yung presensya niya. Gabi gabi, malulungkot ka; mamimiss mo siya. Habang sinasabi sa isip, “Lo, ang daya mo naman eh. Sabi mo mag-a-ice cream pa tayo di ba?”

            Hindi ko po siya makakalimutan. At mamimiss natin siya. Siguro ngayon, mahirap para sayong matulog sa bawat araw kasi wala na siya para pagalitan ka, hingian mo ng pera, kwentuhan, at sabihang “Lo, gupitan mo nga ako.” Hay, Nakakaiyak na kwento. :”

            Sana masaya na siya kung nasan man siya ngayon. Bibihirang may umabot ng 80, kaya magpasalamat na din tayo kasi sa loob ng mahabang panahon na yun eh naging masaya si lolo. :) Atsaka, napasaya naman natin siya nung birthday niya, di ba? Ayaw niyang malungkot kayo, kaya wag nang sumimangot, ok? Masaya ako kasi nakilala ako ni lolo, at nakilala ko rin siya.

            Hindi ko alam kung pano tatapusin ito. Ano pa bang masasabi ko? Maaari ngang wala na siya, but he, and his memories will remain here in our hearts. Masaya ako weak para sainyo kasi once upon a time, you had an awesome lolo, loving father and a persevering husband. Mamimiss natin siya, pero mas mamimiss niya tayo. Kaya, wag nang malungkot. Smile! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag emosyonal, napapagawa ako ng ganito. ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon