Chao’s POV
Gaano katagal na nga ba kaming magkakilala ni Arthur? Two weeks? More than? Maybe a month na rin. Kahit ako di ko na rin maalala the first time na nakita ko siya. Pero familiar talaga sa’kin ang mukha niya. Para kasing even before na ipakilala siya sa’kin ni Dad eh nakita ko na talaga siya. Aish, bakit ko ba inaalala? Eh kasi curious lang naman ako.
Hobby talaga niya palagi ang bwisitin ako. Wala siyang pinapalampas na oras na hindi ako guluhin. Pero feeling ko matatapos na rin ang pagtitiis ko sa kanya. Eh babalik na kasi sila mommy and daddy eh. Bukas ang dating nila so I think goodbye Arthur Sean na? Teka bakit naman question mark? Dapat kasi diyan eh exclamation point or not? Kayo na nga mag-correct!
“Hoy bakit ka masaya? May pakanta-kanta ka pa? Tell me inlove ka na sa’kin? Eh one month pa lang tayo magkakilala ah?” ayan na naman ang bwisit.
“Spell ASA! Spell ASSUMING. Lalala lala la lalala..” patuloy pa rin ako sa pagkanta, ganyan talaga lyrics haha.
“Sus. Yun lang? A-S-A. ASA! A-S-S-U-M-I-N-G, ASSUMING! Oh ano pa ang hindi mo alam ispelingin?” talking sarcasm, tae!
I just gave him a deadly glare, yung tipong hindi na talaga siya makakatakas kay Kamatayan. Bwisit! Ako diba ang sarcastic sa bahay na’to? Leche, nang-aagaw ng personality.
“Pero yung totoo Chao, bakit ang saya mo? Siguro eh pinansin ka na nung idol mong singer? Papansin ka kasi masyado kahit di ka naman niya alam existence mo. Wait, hindi nga ba? Sino nga ba yung panget na yun?”
“I’m not obliged to answer any of your questions. Lubayan mo nga ako. Tsk. Wag kang FC!”
“Wow! English … kaso biglang nag-Tagalog. Papalakpak na sana ako.”
At dahil nga sobrang irita na ako umalis na lang ako at pumanhik na sa room ko. Baka mabuking ko pa ang sarili ko. Issue pa’to. Teka, kanino naman magiging issue to? Sa kanya? Asa, siguro tatawanan niya lang ako at iisiping nababaliw na. Na isa lang akong obsessed na fan. Di bale bukas wala na yang badtrip dito. Sana wag naman ma-delay flight nila Dad.
Hinanap ko agad ang cellphone ko para tingnan if may messages ako galing kay Migz. And leche wala man lang. Pero syempre di ako galit. Hahaha. Love na love ko kaya yun, hinding-hindi ako magagalit sa taong yun. Kahit na nagtatampo ako ng slight kasi di natuloy yung date namin last last week. Yung impakto kasing manager niya, ipinasok na naman siya sa kung anu-anong shows. Pero okay lang, ganun naman palagi ang sagot ko sa utak ko.
Nagbasa na muna ako ng mga articles na syempre ay may kinalaman sa mahal ko. Andami niya in fairness. Sikat talaga tong boyfriend ko. Bakit ba kasi andaming nagkakandarapa sa kanya? Kahit alam ko naman na mga fangirls lang niya ang mga nagsisend ng love messages sa kanya eh nagseselos pa rin ako. Eh may karapatan naman talaga ako diba? Girlfriend ako! Secret nga lang.
Pa’no kaya kung malaman nila Dad na may minamahal na’kong iba? Magbago kaya ang isip nila about sa engagement namin ni Arthur? Eh kahit naman bwisit na bwisit ako sa lalaking yun, hindi naman ako yung taong paasa! Syempre, umasa din naman akon once, pero ang pagkakaiba nga lang nagbunga ang pag-asa ako. Diba nga naging kami ni Migz?
Bigla naman may kumatok sa room ko.
“Walang tao dito! Balik ka na lang next year!” bulyaw ko sa istorbo.
“Talaga ate? Ginaganyan mo ang kapatid mo? Si Louis G. Zamora na pinagmanahan mo ng magandang looks at usable na brain?” sumisigaw na rin ang kapatid ko.
Normal po na ganito kami mag-usap ng kapatid ko. Sa ganitong paraan namin pinapakita ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Naks! Pero totoo yun, walang biro. Mahal namin ang isa’t-isa.
BINABASA MO ANG
Occupation: Fangirl
HumorMeet Charlin Hanna G. Zamora aka Chao, our ultimate super mega to the universe and back fangirl! How far can she go to chase her one great love? Or should I say obsession?