Genesis Ideo Opsima P.O.V

167 8 22
                                    

Genesis Part!

(Dedicated to: BhabezLumibao thank you for appreciating my stories. Kahit na hindi ako kadeserve deserve. For almost a year of writing isa ka sa mas nagpapatibay pa sa akin paraagpatuloy. Keep safe. Watch the video of Cancer by My Chemical Romance to feel more the feelings)

'Turn your way coz im awful just to see. Cuz all my hairs abondon on my body out my agony. No that i will never marry.. and Baby im just sogy form the chemo, my counted down days to go.'

August 11 2012
Sino nga bang hindi luluha sa pagkawala ng taong mahal mo? Sino nga bang makakalimot sa taong umikit sa puso at isip mo?

Hanggang hukay dadalhin ko ang alaala ko sayo Clarisse.

Sukdulan sa langit ang pagmamahal ko sayo hindi ko ginusto na mailasal sa ibang babae, ikaw lang ang babaeng pinangarap kong iharap sa simbahan. Nagkamali ako ng desisyon at alam kong panghabang buhay kong dadalhin ito. Lalo na ang pagkawala mo.

Humanga ako sa kagandahan mo kaya sobrang lunod na lunod ako sa pagmamahal ko para sayo. Humanga ako sa tunay na laman ng puso mo at humahanga pa din ako sa katapangan mo.

Clarisse sabi ko sayo, lumaban ka di ba? Gusto komg humingi sayo ng tawad alam ko na kahit ilang beses akong lumuhod sa harap mo ay di ko kayang dugtungan ang buhay mo.

Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganito? Dapat hindi ko hinayaan na umakyat sa utak ko ang alak. Dapat hindi ako nagpadala sa tukso lalo na sa galit na naramdaman ko ng nawala ang anak natin. Sobrang tapang mo at kinaya mo lahat ng ito.

Inaya kita papunta sa Batangas gusto kong bumawi sayo. Gusto kong makagawa tayo ng bagong alaala.

Hindi ako umalis sa tabi mo simula ng bumaik tayo sa Batangas, lahat ng chemo therapy ako ang kasama ako nakita ko kung gaano ka naghirap. Sa mga karayom na tumusok sayo na halos hindi na tinatanggap ng katawan mo. Ni hindi ko nakitaan na sobrang nasasaktan ka. Kita ko kung paano ko umihi ng dugo at walang humpay mo pag ubo.

March 8 2012 bigla ka na lang hindi gumising, sobrang kinakabahan na ako, takot na baka hindi ka na muling magising. Abot abot sa diyos ang paghingi ko ng tawad at dasal. Sobrang bagsak na bagsak ang katawan mo halos wala ng kulay maging mga kamay mo.

Linggo at ilang buwan pa ang lumipas halos hindi na ako bumalik sa Samar makapiling lang kita. Humingi ako ng abiso sa asawa ko at pumayag naman sya. Gusto namin bumawi. Hindi ko sya mahal pero casual kaming nagsasama para sa anak ko hanggang responsibilidad lang ang kaya ko pero ang puso ko para kay Clarisse.

Hindi ako umalis kahit sandali, gusto ko palagi akong nandito sa tabi mo hanggang sa gumising ka. Palagi kong kinukwento ang nakaraan natin kahit sobrang nasasaktan na akong makita kang nahihirapan ayokonh mawala ka sa p. Paulit ulit kong binabasa ang halos dalawang notebook kung saan mo sinulat lahat ng pinagdaanan natin. Lahat ng alala natin na parang kahapon lang.

August 9 2012 bigla aong nabuhayan ng loob nang biglang dumilat ka. Ilang beses kang kumurap at isang bese kang ngumiti. Hanggang naging blangko ka na ulit. Sabi ng mga doktor pinipili mo pa din lumaban sa paggiging comatouse mo. Palagi ka lang nakadilat ngunit walang ekspresyon ang mukha mo. Pinanghihinaan na ko ng loob lalo na ng tinapat na kami ng doktor na sa susunod na atake ay baka mas lumalala ang kalagayan mo.

Kinausap kita Clarisse kung kaya mo pa? Handa na ang buong pamilya mo na bumitaw at magpahinga ka na. Pero hindi ko pa kaya Clarisse, konting oras pa para maihanda ko ang sarili ko. Konti pa Clarisse hanggang kaya na kitang palayain.

Buing maghapon at magdamag wala akong humpay na nagkukwento ako sayo nakasulat din don na kantahin ko ang ilan sa paborito mong kanta kahit hindi ko alam kung nasa tono ba ako.

Clarisse kahit anong pilit kong ihanda ang sarili ko hindi ko makaya. Hindi kaya Risse mahal na mahal kita kahit hindi tayo gusto ko dito ka lang sa tabi ko. Gusto ko nakikita kita kahit hindi kita mahawakan. Pero sa tuwing tinitignan kitang nahihirapan parang gusto na kitang ipaubaya sa buong maykapal.

August 11 2012 6:56pm

Isang kurap at bigkas ng pangalan ko kahit walang boses mo kumapit ako doon na babangon ka pa at lalaban.

Makatapos ang limang minuto. Bigla ka na lang bumitaw sa mga hawak ko. Pumikit ka. Kasabay ng paglaglag ng luha namin.

7:01pm kinuha ka ni Lord sa amin. Kahit anong pulit kong ihanda ang sarili ko bibigay din ako. Hindi ko kinaya ang sakit at pighati sa puso ko lalo na nang nakita kita sa kabaong mo.

Eto na yung proof na wala ka na sa akin. Halos tumigil lahat ng sisitema ko, hagulgol at pagkapirapiraso ng puso ko.

Clarisse alam ko mawala ka man sa piling ko palagi kang nasa isip at puso ko.

Mahal na mahal kita sobra sobra. Pakiramdam ko gusto ko nang sumunod sayo para magkasama tayo pero naalala ko ang mga anak ko na umaasasa akin sa kinabukasan ibinigay ko sa kanila. Maghihintay ako kung kailan ulit tayo magkakasama.

Mayroon akong bagong anak Clarisse ang ipinangalan ko sa kanya ka sunod sa pangalan mo. Balang araw gusto kong ikwento lahat ng pangyayare sa buhay nating dalawa.

Habang buhay kang maggiging parte ng buhay ko.

Genesis Ideo Opsima

(Authors note: Isang hinga para sa sakit na ipinadama sa akin nito. Isang dasal para kay Clarisse. At isang Saludo para sayo Kuya Genesis.

Ilang araw kong ginugol at pagtyatyaga ko na basahin ang mahigit kumulang 400 pages. Na kinuhaan lang ni Ate Sally sa CP nya. Sobrang natagalan pa ako dito pero worth it lahat ng sakit at pag iyak ko habang binabasa ko ang doary ni Ate Clarisse.

It was a powerfull love. Sabi nga sa kanta 'Love will keep us alive.' At sa timgin ko ganun ang naging moto ni Ate Clarisse. Mahirap ang naging sitwasyon nya lalo ma nung nagkaroon sya ng malubhang sakit.

She was a strong and brave woman, nakarelate ako sa medical treagmwnt na pinagdaanan nya. All throught out kasama ko si Tita nang madiagnosed sya na may breastcancer sya nagpalaki at nag aruga sa akin subod lahat ng layaw ko sa kanya. At sobrang naispoiled nya ko. Nakita ko kung paano sya dumaan sa chemo theraphy na halos wala nang makuhang dugo sa kanya.

Ganun kasakit para sa akin na basahin ang kwento nya lalo na at pinagdaanan ko din ang pinagdaanan ni Kuya G.
Hindi ako magkokomento ng masama para kay Kuya G lalo na at naramdaman ko na ganun talag katindi ang pagmamahal nya kay ate Clarisse and somehow nagalit din ako sa kanya dahil sa sakit na dinulot nya para kay ate Clarisse.

Ano pa ba? Nakakarelate ako lalo na sa parehas kami ng banda na paborito ko. MY CHEMICAL ROMANCE! At yung araw ng pagkawala nya ay birthday ko. Ang sakit sa puso. Naiiyak pa din ako lalo na sa tuwing binabasa ko to. Haha weird lang dahil ako ang magsummarize pero naiiyak talaga ko ehh. Weird ba yun? Thank you sa mga nagbasa at bumabasa pa lang.

I want to hear your side please. Hindi ako naghahakot ng comment o votes pero gusto ko man lang na may magkomento sa bawat paksa na nilalatag ko.

Anyways di nila tunay na pangalan ang ginamit ko for their own privacy.

Susunod kong ishashare is about my beliefs on death #BurolGoals. Yup! Ikukwento ko kung ano ba ang gusto kong maging itsura o kahihinatnan ng pagkamatay ko.

Thank you sa pagboto at pag follow kahit hindi naman talaga ako masipag mag update kapag nasumpungan lang talaga. Salamat ulit!)

~Im all yours Kharrian~

Moments On Wattpad (Compilation Of A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon