Sulat para kay ikaw...

64 49 3
                                    



Ikaw,

     Naisip ko lang, makikilala pa ba kita? Makikilala mo pa ba ako? Kasi pakiramdam ko, wala ng magiging ikaw at ako.

Hindi ako naiinip. Hindi rin ako nagmamadali. Pero sa tuwing naiisip ko na wala ng pag-asa ang salitang "tayo", ewan ko, nasasaktan agad ako. At partida, hindi pa kita kilala nito.

Hindi ko sigurado kung mayro'n bang ikaw para sa akin. Mamaya ay nag-iisip ako ng tungkol sa'yo, wala naman palang ikaw na nakalaan para makasama ko.

Alam mo, nakaka-frustrate ang isipin ka. Ang ideya na may ikaw ay nakaka-frustrate na. Hindi ako na-i-stress. No. Pero naisip ko lang, mamaya ay isip ako nang isip sa'yo. Isip nang isip ng sitwasyon sa ideyang magtatagpo ang ikaw at ako, tapos magkakaroon ng tayo.

Paano kung hindi ka totoo? Wala naman pala talagang ikaw? Ang meron lang ay ako.

Naisip ko lang, paano kung hindi ka para sa akin?

Kung ang ideya ng ikaw ay hindi pala para sa isang kagaya ko?

Baka kaya hanggang ngayon ay wala pa ring ikaw sa tabi ko kasi wala naman talagang ikaw?

Gusto kong maniwala sa'yo.

Pero sa buhay ko, ang meron na lang ako ay ako. Kaya naniniwala ako sa ako.

Ewan ko kung maiintindihan mo ito. Baka kumunot ang noo mo. Baka ang salitang "wirdo" kaagad ang pumasok sa isip mo.

Pero alam ko kasi ang pakiramdam na minamahal ang sarili... kasi hindi magawa ng mga taong inaasahan mong mamahalin ka.

At kung hindi mo ako magagawang mahalin ng tama. Kung iiwan mo lang din ako...

'Wag ka na lang dumating.

Ayos na ako sa ideya ng ako.

Sanay na ako sa ako lang.

Ang hindi ko makasanayan ay ang pag-iwan ng mga tao sa akin.

Masakit pa rin.

Kaya kung sasaktan mo lang din ako ng gano'n, kahit 'wala ng ikaw.

Kahit wala ng tayo.

Kung totoo ka man, alam kong maiintindihan mo ang sinasabi ko.

Alam kong alam mo kung ano ang pinaghuhugutan ko.

At ayaw kong itulak ka palayo. Alam kong alam mo rin 'yon.

Pero may mga bagay na magaling tayo. At do'n ako magaling.

Magaling din akong masaktan ng palihim.

Kaya kung darating ka man, kung malapit ka na...

'Wag mo akong basta iiwan ha. Hahayaan naman kitang umalis eh.

Papakawalan kita.

Basta sabihin mo lang sa akin.

'Wag kang basta mawawala.

Magpaalam ka muna sa akin. Para hindi gano'n kasakit.

Para hindi ko rin isipin na babalik ka pa.

Word VomitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon