Chapter 34

52K 1.2K 197
                                    

"Malaglag 'yang panga mo." Sabi ko kaya napakurap si Cora at inisara ang bibig. Kanina lang e ang ingay nila habang nagkukwento ako tapos ngayon ay walang gustong magsalita.



Lumabas si Luke kanina para sagutin ang tawag ng kung sino sa telepono kaya malaya kaming nakakapag-usap ngayon. Ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari, mula sa panghaharass sa akin, sa katotohanang ampon ako, ang totoong pamilya ko, at sinabi ko na rin ang relasyon namin ni Wyatt noon dahil wala naman na akong takas.



"Hindi ako naniniwala na hindi kayo, may hindi ba magjowang naghahalikan? And who knows if hindi lang paghahalikan ang ginawa niyo rito!" Tanong ni Cora kaya inismiran siya ni Brianna.



Nanlaki ang mga mata ko.



"Oo, gaga," si Brianna ang sumagot kaya napairap si Cora. "Pero umamin ka, may nangyari na sainyo 'no? Ilang araw na kayo rito at kayo lang dalawa, imposibleng wala!" Eksaheradang tanong niya sa akin. Napakurap-kurap ako.



"Of course not! H-hindi ako ganoon 'no!" Depensa ko kaya naningkit ang mga mata nila. "Hindi nga! Walang nangyari!" Sigaw ko pa at bahagyang nagsisi dahil baka marinig ni Luke sa labas.



"Memetey?" Sabay-sabay na sabi nila.



"Kayo ang mamatay, mga siraulo!" Binato ko sila ng unan at naglakad na palabas. Narinig ko ang pagtawa nila kaya napairap ako sa hangin.



Nakita ko si Luke sa tabing dagat na nagtatype sa kaniyang cellphone at kunot ang noo. Lumapit ako at nang mapansin niya ako ay mabilis siyang lumingon.



"Hey," bati ko. Initago niya na ang cellphone niya at humarap sa akin.



Binigyan niya ako ng malamyang ngiti, "Hi." Bati niya kaya ngumiti ako kahit papaano. Bakit ba nakakaramdam ako ng guilt kapag nakikita siya? Parang may kasalanan ako kahit wala naman. 



"How are you here?" Tanong niya.



"I'm.. fine." Tumango ako, "I'm better, I guess," dagdag ko pa at lumawak ang ngiti nang lumingon sa dagat. Damn, tuwing nakikita ko ang dagat ay naaalala ko ang nangyari kanina.



"I see," tumango siya at tumingin din doon. "It's nice here.." komento niya kaya marahan akong tumango.



"You're right." Nilingon ko siya, "Are you staying? We have enough rooms here." Sabi ko.



"I'm still thinking about it." sagot niya.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon