Chapter 1:

9 0 0
                                    

Jane Andrea's POV

Hello, Ako nga po pala si Jane Andrea Morales 17 years old. May boyfriend po ako ang pangalan niya ay si Paul Justine Rivero.

Pero palihim po ang relasyon namin. Hindi ko alam kung bakit.

Kaya palihim din kaming nagkikita. Pero kahit ganun, umabot kami ng 6months.

Mabait siya, maalaga, sweet at higit sa lahat mahal niya ako. at mahal ko siya.

"Andy" tawag sa akin ng bestfriend kong si Jessie. Ang totoong pangalan niya ay Jessica Lorraine Montenegro

"Bes? Bakit?" ako

"Pumunta ako kanina sa Canteen tapos nakita ko si Paul kasama niya si Michelle" siya

"Baka naman, may pinag-uusapan sila? o project" may tiwala naman ako kay Paul. Lagi akong may naririnig tungkol sa kanilang dalawa ni Mich. Sabi ng mga Classmate namin sila na. Pero ang sabi sa akin ni Paul wag daw akong maniwala kase hindi daw totoo yun. Kaya ayun ang pinaniniwalaan ko.

"Tanga ka ba Jane Andrea? Magkahawak sila ng kamay. Sa tingin mo anong tawag don? Project?" sigaw ni Jessie

"Bes, Kalma ka lang. W---"

"Kalma? Bes wag ka namang ganyan. Wag kang magpakatanga" siya

"Bes, tama na please. Wag mo naman siyang siraan sa akin. Baka nakakalimutan mo boyfriend ko siya" ako

"Oo boyfriend mo siya. E ako? ano ako? Ahhh. Oo nga pala Bestfriend mo LANG ako. Isang hamak na bestfriend.. Diba?" pagkasabi niya non bigla nalang siyang lumakad palayo.

Sorry Bes sana mapatawad mo ko. Nagmahal lang ako.

"Jane!"

"Paul?" ako

"Ako nga" siya

"Bakit mo kasama si Mich?" ako

"Kaibigan ko siya" siya

"Kaibigan? tapos magkahawak ng kamay?" ako

"Wala lang yon. Wala kaming relasyon. Sinong nagsabi non?" tapos ngumiti siya.

"Si Jessie" ako

"Layuan mo na siya. Gusto niyang malayo ka sa akin kaya niya ako sinisiraan" siya

Sige lalayuan ko siya. Pero malaman ko lang na niloloko mo ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa inyong dalawa.

Ikaw ang kinampihan ko kesa sa bestfriend ko. Sana hindi totoo na kayo ni Mich.

Sorry Bes kung hindi ikaw ang kinampihan ko. Sana maintindihan mo ko. Mahal ko si Paul. Kaya ko siya kinampihan.

Pansamantala muna kitang lalayuan. Bye Jess Ang nag-iisa kong bestfriend

Kahit ano ako, kahit sino ako tinanggap niya ako.

Kahit Mahirap ako at Mayaman siya tinanggap niya ako. Tinanggap niya ako ng buo.

Kung sino pa ang tumanggap sa akin bilang ako. Siya pa yung lalayuan ko.

Life is Unfair.

Rebound?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon