Chapter 1: TRANSFER

7 0 1
                                    

Kenya s' POV

Kilala nyo naman na siguro ako diba? Ako si kenya lei Obispo ang babaeng 12 years ng may gusto sa crush nya. Andito ako ngayon sa amerika kasi namatay yung lolo ko kaya kailangan namin syang puntahan dito. Namimiss kona nga si dj eh teka kilala nyo ba si dj? Sya ang lalaking pinakamamahal ko hihi sya si david jack magdrigal pangalan nya palang ang gwapo gwapo na yikieee. Patay na patay ako sakanya, kahit sinasaktan sya ang puso ko sya at sya parin ang laman nito.

Flashback

Papunta ako ngayon sa bahay nina dj. Magkakilala ang parents namin actually bestfriend sila.kaya kilalang kilala ako ni tita joycelyn alam din ni tita na matagal ko ng gusto si dj botong boto pa nga daw sya sakin. Sa tapat ng bahay nila nakita ko na nasa labas si dj

"dj!!!" tawag ko sakanya pero hindi nya ako nilingon, baka naka earphone lang tumakbo ako papunta sakanya para makita nya ako hihi

"huy dj kanina pa kita tinatawag" pagrereklamo ko sakanya ng makalapit na ako sakanya

"naririnig ko pero sadyang hindi kita nilingon" sabi nya. Aish ano pa bang bago diba? Pero okey lang yon atleast honest yung crush ko

"ang hard mo sakin HAHAHA btw san ka pupunta?" tanong ko sakanya. Nakapang alis kasi sya atsaka ang gwapo gwapo nya ngayon ay mali ang gwapo nya araw araw

"pake mo? Tsaka mag dadate kami ni alexa" sabi nya. Nalungkot naman ako, pero alangan naman na pigilan ko sya diba girlfriend nya naman si alexa kaya ano nga namang pake ko?

"ah ganun ba?" malungkot na tanong ko at nag fake smile nalang.

"david" tawag ng isang babae at tama kayo si alexa yung tumawag sakanya

"hi babe"sabi naman ni dj sabay yakap kay alexa pagkalapit nya. Ano ba yan andito pa ko dj oh! Harap harapan ba naman?

"kamusta ka babe? Oh kenya anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni alexa. Pake mong alexa ka

"ah wala binisita ko lang si dj" sabi ko sabay ngiti sakanila. Alam naman nya na matagal na akong may gusto kay dj.

"ah ganon ba? Mauna na kami ni babe ah byebye" sabi ni alexa sabay kumaway pa. Fc nya naman masyado tsk! Kung wala si dj nasabunutan ko na to pinapanood ko lang sila habang papalayo sila sakin. Isa lang yung masasabi ko, masakit sobra. Pumasok nalang ako sa bahay nila si baste nalang yung bibisitahin ko. Pagkapasok ko palang sa bahay nila binati na ako ng mga maid nila, kilala na din ako ng mga tao dito kasi lagi lang naman akong napunta sito para masilayan ang dj ko.

CRUSH KO LANG NOON, ASAWA KO NA NGAYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon