Chapter 3

51 5 0
                                    


-Sowon-

Hell week! Hell week! Halos magiisang linggo na akong nagtityaga na maging S.A ni Mr. Han, Jusko! mas magandang sabihin na isang linggo na akong naging utusan ni Mr Yabang! Nakakainis siya, yung sunod sunod ang utos niya.


"Sowon in my office", sabi niya matapos mag discuss ng aming lesson. Uutusan nanaman niya ako. Pasalamat siya at malaki ang takot ko sa principal ng school na ito, dahil kaibigan siya ni daddy at si dad ang family lawyer nila. Ayoko naman mapahiya at masabihan si dad na wala akong respeto sa mga teachers dito.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa opisina ni sir.

Naabutan ko siya  nagkukutingting ng kung ano sa laptop niya.

"Sir bakit po?", nakamungot kong bungad sakanya

"Oh! You're here can I get your -phone number. I'll text you kung may iuutos ako", sagot niya, nakakainis talagang gagawin niya akong utusan e. Wala akong nagawa at binigay ko na lang ang number ko.

" I sent you a friend request. Accept it" , walang emosyon niyang sabi

"Sige po. May iuutos pa po ba kayo SIR?", sarkastikong tanong ko, malapit na ang next subject ko at baka malate nanaman ako dahil sa rami ng nais niyang iutos.

"Wala. Umalis kana baka malate ka", nagulat ako sa sagot niya. Isang himala! Last week kasi halos ayaw na niya ata akong pumasok sa mga subjects ko dahil sa rami ng utos niya. Pero ngayon?

Mas mabuti na yun atleast nabawasan ng kaunti ang pag kainis ko sakanya.

Bumalik ako ng room, halos sabay lang kami ni Mrs. Reyes na pumasok. Salamat at hindi ako late.

"Sowon hindi ka late a. Wala bang inuutos si Mr. Han", tanong ni Mrs. Reyes, umiling na lang ako bilang tugon

"Mrs. Reyes baka tapos na maglandian", bitter at nakangising singit bigla ni Althea , ang init talaga ng dugo niya saakin e. Siya nalang kaya maging utusan doon!

"Ms,Santiago watch your words. Kung gusto mo ikaw ang maging S.A ko para naman tumaas taas ang grades mo!", inis na sambit ni Mrs. Reyes,  nagsorry nalang si Thea at tumahimik na. Napakadumi talaga ng isip ng babaeng yun e. Siya nalang kaya roon I'm pretty sure na willing siyang maging utusan ni Sir, anlandi niya e!

"Sowon are you free tomorrow?", bulong saakin ni Joshua

"I think so? Why?, balik tanong ko sakanya.

"Kain naman tayo bukas. Diba sabi mo Saturday?"

"Okay, libre mo a", pumayag na ako dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay namin. Mabuti na lang at sabado bukas break ko bilang isang student assistant

"Oo naman thank you Sowon. I love you", sagot ni Joshua sabay kindat .

"Eww. Wag mo ng ulitin nakakasuka Joshua ha!",natawa ako ng bigla siyang ngumuso. Hhahahahaha! mas cute siya kung hindi kakulitan pinapairal niya e.

-------------------

Matapos ang klase ay umuwi na agad ako at oras na para magpahinga! Pumasok ako ng kwarto ko at nagbihis bago humiga saaking kama. Mabuti na lang nakakain na ako ng dinner at pagpapahinga nalang ang gagawin ko.

Whooooooo! Natapos din ang halos isang linggo ko bilang isang utusan. Pero sa tuwing naiisip ko na mag lulunes ulit ay pakiramdam ko napapagod na kaagad ako.

Nag vibrate ng dalawang beses ang phone ko at binasa ang mga mensahe.

"Anak sabay na kaming uuwi ng mommy mo ha baka gabihin kami. Kumain kana iloveyou anak"

"It's okay po. Love you both", reply ko sa text ni daddy.

Nang buksan ko ang pangalawang mensahe ay si Joshua lang pala iyon.

"Sowon tomorrow don't forget. 11 am sunduin kita sa house niyo. Goodnight ", hindi ko na siya nireplayan dahil mangugulit lang iyon panigurado

Papatayin ko na sana ang phone ng biglang mag vibrate muli. Akala ko ay si Joshua ulit pero number lang naman.

"Goodevening, Please rest I know you are tired, btw thanks. Goodnight. -Jetenshin",  bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa mensaheng pinadala ni Sir. Sinave ko nalang ang number niya at hindi na nireplayan. Pinatay ko nalang ang phone ko.

Anong nakain nun at parang  bumait ata. Haaays pero bakit nabobother ako sa text niya? Nakakainis talaga yun e! Pipilitin ko na nga lang matulog kahit maaga pa. Tutal pagod naman ako dahil sa rami ng inutos saakin buong linggo!

My Stalker Instructor Became My LoverWhere stories live. Discover now