Simula
Nabuhay akong mag-isa. Nakaya ko ang pagsubok na dala ng pakikipagsapalaran para lang mabuhay. Nakaya ko lahat. Ngayon pa ba ako susuko? Ginusto ko to. Ginusto kita. Siguro ganito talaga kapag nagmamahal. Parte ng pagmamahal ang masaktan. Nasasaktan ako. Emotionally, mentally at physically. Kakayanin ko lahat ng sakit. Sakit na dulot ng pagmamahal ko sayo ng labis. Ganyan kita kamahal. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako pabalik.
Handa kong ipaglaban ang pag-ibig ko para sayo. Oo, ako lang ang nagmamahal. Mahal mo sya, mahal kita. Akala ko kakayanin ko ang lahat ng sakit, pero hindi pala. Tao lang rin ako. Napapagod. Gusto ka pang mahalin ng puso ko, pero masyado ng pagod ang buong sistema ko. Siguro ito ang kabayaran ko sa pagmamahal ng isang Zchary Neon L'vitrie.