Kabanata 1
"Kumain kana ba?" Pang sampung beses ko na syang tinanong kung kumain na ba sya. Pero ni tango ay hindi nya ginawa. Ni tingnan ako ay hindi nga nya magawa. Kahit ang hawakan ay hindi rin. Ano ka ba naman Angela Xrystaline Cruz–L'vitrie asawa ka lang nya sa papel. Pinikot mo lang sya, hindi ka nya mahal. Gusto kong matawa sa naisip ko. Oo, nga pala.
Alam ko namang hindi nya ako sasagutin kaya minabuti ko nalang na umalis. Pagkalabas ko ay sya ring pagtulo ng mga traidor na luha ko. Hindi pa siguro ako nasanay.
"Saan ka pupunta?" Seriously Angela? Nagtanong kapa talaga. Alam mo namang pupuntahan nya yung mahal nya. At hindi ikaw yun. Hindi nya ako sinagot at nilagpasan lang.
———————————————————————————
Alas dies na ng gabi ay wala pa rin sya. Hindi pa ako kumakain dahil hinihintay ko talaga sya. Kanina pa ko pabalik–balik dito sa sala. Saan na ba sya? Okay lang ba sya? Magkasama pa rin kaya sila hanggang ngayon? Napapikit na lang ako dahil sa aking naisip. Siguro nga magkasama pa sila.
Zchary's POV
Tinitigan ko sya habang natutulog. Kailan ka susuko? Tatlong taon ka ng nagtitiis. I won't love you Angela. Nilagpasan ko na lang sya at pumunta na sa kwarto ko.
I hate you Angela! Kasalanan mo kong bakit nagkahiwalay kami ni Bea. Kaya nararapat lang sayo ang magdusa. Hindi pa ako nag–uumpisang pahirapan ka Angela. Sisiguraduhin ko na ikaw mismo ang magmamakaawa sa akin na hiwalayan ka.